EOS 47 : @AcelAce7 , Arigatou!
At sa lahat ng Eoshans! Lahat ng bumabagabag sa inyo ay masasagot soon! Happy reading! At salamat sa inyong mga boto at komento!
xxEOSxx
MATAPOS ang ilang araw ay lalong naging malapit si Usha sa kaniyang kapatid na si Andrea. Nalaman niya na mahilig pala sa magagandang damit ang huli, iyon nga lamang ay kapos ito sa pera noon. Kaya ngayon ay ibinili niya ang lahat ng naibigan nito ng mag Mall silang dalawa.
Sa tagal niya ng asawa si Eos ay ngayon niya lamang naranasang gumastos ng ganoon. Pero di bale, bawi naman ang lahat dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ng kaniyang kapatid.
Alas onse ng tanghali ng tawagan siya ni Eos. Gaya ng parati, ay sabik na naman siyang sagutin ang tawag nito.
"Hi."
Napangiti siya ng malapad pagkarinig sa makalaglag panty nitong'HI' sa kaniya. Boses pa lang ulam na. "Hello. Kamusta?"
"It's boring here." Bakas sa boses nito ang pagkabagot.
Natawa ng mahina si Usha. "Eh ikaw? Hindi ka ba boring?"
"Hmn, wala akong pakialam kung nabo-boringan sakin ang mga tao dito." Na-imagine niya pa ang nanunulis na nguso ni Eos.
"Hmn... Boring din dito kasi wala ka... Ang lamig kapag gabi, wala akong kayakap." Naupo siya sa gilid ng kama at saka nilaro-laro ng kaniyang daliri ang bedsheet na hindi niya naitiklop ng bumangon siya kanina.
"Two days na lang naman."
Napatingin siya sa kisame. "Hmp. Tagal pa... Miss na miss na kita... Hmnnn... I miss your lips... Your touch... Your..." Ibinitin niya ang mga sinasabi, hindi niya na namalayang naging sensual na pala ang pag-deliver niya ng mga salitang binitiwan niya.
Tumahimik saglit si Eos. Oh! Madaling tablan ang isang 'to! Mahirap na! Baka doon ito maghanap gayon wala naman siya doon! She hated herself dahil sa kagagahan niya.
"You're teasing me aren't you?" Paos ang boses na sabi nito matapos ang ilang minuto.
Huminga siya ng malalim. "'Umi-english na naman ang lolo!" Pinilit niyang pasayahin ang boses niya, para malihis ang topic nila.
Good thing at mukhang kinagat nito.
"Practice sa'yo. Magaling ka na ding mag-english, hanga nga ako eh."
"Weh?" Napangiti siya. Oo naman, pina-practice niya na ang English niya noh! Paano itong si Eos ang hilig siyang englishin kahit na alam nitong 1/4 lang lagi ng sinasabi nito ang naiintindihan niya minsan!
"Yeah... Lalo na kapag nag-e-english ka habang nagmo-moan..." Hayun, paos na naman ito!
"Ay manyakis!" Moan daw?! Diba ungol iyon? Gosh!!!
"Can you do it later?" Napakalambing ng boses ni Eos ng humiling ito sa kaniya.
"Later? Paanong?"
"I'll teach you..."
"Eos!" Namilog ang mga mata niya ng ma-gets niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya!
Tumawa ito mula sa kabilang linya. Sobrang lakas ng tawa! Baliw!
"May skype ka diba? We can do video call my dear sexy wife..." At ito naman ang nangti-tease ngayon!
"Bastos ka!" Pulang-pula ang mukha niya. S.O.P daw ba?! Kahit matagal na silang mag-asawa ay hindi pa nila nasusubukan iyon! Everrrrr! At anong pumasok sa kukote ni Eos at niyayaya siya nitong maki-uso?! Teen ager lang ang peg?!
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
