Chapter 5: Looban

520 8 0
                                        

NAKAHIGA na siya sa kaniyang maliit na folding bed ay hindi pa din maalis sa kaniyang isipan ang supladong lalaki na inangkasan niya kanina sa simbahan.

 

Sa totoo lang nahihiwagaan siya dito kung bakit napaka sungit nito.

Hindi kaya broken hearted? Natawa siya sa naisip.

Hindi ba sabi nila na kapag daw broken hearted ang isang tao ay mas vulnerable ito at mas madaling paibigin. May kung anong ideya ang naglalaro sa kaniyang isipan hanggang sa nakatulugan niya na ang pag-iisip sa lalaking estranghero. Gigising pa siya ng mamayang hapon dahil magbebenta siya ng kakanin sa may kanto.

 

ALAS kuwatro na ng hapon ng bigla siyang maalimpungatan.

Pupungas-pungas na tumayo ang dalaga at tinungo ang maliit nilang lababo.

"Nay?" Tawag niya sa ina subalit walang sumasagot.

 

Wala na naman siguro ang kaniyang nanay at marahil ay nakikipag inuman na naman ito sa labasan. Mabigat ang katawan na naghilamos siya at nagpalit ng damit.

 

Pumili siya ng medyo maayos na bestida. Iyong regalo ng ninang Boyang niya noong nakaraang pasko.

 

Maganda siya doon kahit pa mumurahin lamang ang damit niya ay nadadala naman niya dahil likas ng maganda ang dalagang si Usha.

Nagpaikot-ikot pa siya sa harapan ng kanilang basag na salamin. Kailangang maging prepared siya sa ano mang oras, malay mo ay bigla na namang magsanga ang kanilang landas ng gwapong lalaki kahapon.

Sa naisip ay hinalungkat niya ang bag ng kaniyang nanay upang kumupit ng lipstick at pulbo.

Nakangiting pinagmasdan niya ang repleksyon sa salamin pagkatapon niyang mai-apply ang pulbo at lipstick sa mukha niya, napakaganda niya nga talaga lalo kapag siya ay naayusan. Binitbit niya na ang kaniyang bilao ng kakanin at lumabas na ng kanilang barong-barong.

 

Oras na para magbanat ng buto.

"Aba may diyosa pala dito sa looban!" Nakatawang wika ng kanilang kapit-bahay na si Mang Isko.

Natatawang kinawayan ni Usha ang may edad ng lalaki. "Bolero ka talaga mang Isko!"

 

"Kay gandang bata talaga nitong si Bashang!" Isa pang kapit-bahay.

Pati ang mga tambay sa kanilang eskinita ay gandang-ganda sa dalagang naglalakad.

Kilala niya na halos ang mga tao sa kanilang lugar dahil bata pa lamang siya ay lamang kalsada na siya.

 

Kahit maraming loko sa kanilang lugar ay wala namang bumabastos sa kaniya dahil itinuturing siyang prinsesa ng looban. Dahil halos ang mga kapit-bahay na din niya ang nagtulong-tulong na alagaan siya kapag nagta-trabaho noon ang kaniyang yumaong lola sa kadahilanang wala namang pakialam sa kaniyang ang kaniyang Nanay.

Palaban din siya sa buhay hindi siya nagpapatalo sa kahirapan. Magaling din siyang makisama sa mga kapit-bahay minsan ay kaya naman talagang mahal na mahal siya ng mga ito, tanging ang kaniyang Ina lamang naman ang hindi nagmamahal sa kaniya.

 

"Bashang tagay ka muna!" Tawag ng mga nag-iinuman sa gilid ng bangketa.

 

Nakangiting lumapit ang dalaga. "Kow! Mapa-umaga at mapa-hapon sunog baga pa din kayo huh!" Inabot ng dalaga ang baso na may lamang alak at tinungga iyon lahat. "Oh tama na iyan!" Nilantakan niya ang barbecue na pulutan ng mga ito.

"Bashang iniisahan mo na naman kami huh! Namumulutan ka lang ata." Kakamot-kamot na sabi ng isang lasenggo doon.

Lumawak ang pagkakabungisngis ng dalaga sabay batok sa nagsalita. "Ito naman si Betong oh! O siya aalis na ako at maglalako pa kasi ako ng kakanin." Dinampot pa ng dalaga ang isang pirasong tsitsirya na pulutan ng mga ito. "Oh! Arbor na ito ah!" At lumakad na siyang palayo.

Natatawa nalang na sinundan ng mga nag-iinuman ang papalayong dalaga.

Alam nilang mahirap ang pinagdadaanan sa buhay ni Usha pero napakamasayahin pa din nito.

"ANG LAGKIT ng tingin natin mga 'tol ah!" Wika ng bagong dating na lalaki.

Napalingon naman ang mga lasenggo. "Oh Kiko! Tagay muna!" Nakangising yaya ng isa sa mga nag-iinom.

 

"Hindi na... May gagawin pa ako eh." Tanggi ng binatang si Kiko.

Tumawa lamang ang tinanggihan. "Ang sabihin mo babakuran mo na naman si Usha!" Kantiyaw pa ng mga ito.

Namula naman ang mukha ng binata. "Hindi ah! Hindi ko na kailangang bantayan yon noh! Eh mas maton pa nga sa akin yon."

"Ligawan mo na kasi! Sige ka baka maunahan ka pa ng iba!"

"Oo nga naman Kiko napaka-torpe mo! Kung tutuusin ay sa lahat ng kalalakihan dito sa looban ay ikaw lang naman ang lumalamang ng isang paligo!" Nakatawang nag apiran pa ang mag ito.

Tama nga naman ang mga tambay na 'yon dahil sa totoo lang ay may itsura naman siya at hindi alangan sa dalaga. Ang nanay niya ay isang prostitute noong araw kaya naman isinilang siyang guwapo dahil ang ama niya ay isang amerikano.

Mestizo siya at matangkad kaya bagay sila ng mestizang si Usha.

Iyon nga lamang ay natatakot siyang magtapat sa kababata kahit matagal na siyang may pagtingin dito.

Alam niyang matayog ang pangarap ng dalaga at hindi siya kasama sa pangarap na iyon.

Kung siya ang mapapangasawa ni Usha ay hindi din makakaalis sa lusak ng kahirapan ang dalaga kaya naman pilit na lamang niyang sinisikil ang nadarama.

"Sige mga pare... Mauna na ako." Paalam na lamang niya sa mga nag-iinom doon.

JAMILLEFUMAH

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now