Prologue

543 22 0
                                    

#PROLOGUE

"What are you doing here, Gangsters?" Napa-tingin silang lahat sa'kin. Yung mga porma nila, hindi parin nagbabago. Halata parin na Gangsters. Even they are studying at ZU, nadala parin nila yung pagiging Gangster nila kung saan man sila galing. Grabe, buti hindi sila pinagsabihan ni Kuya Razel.

"Hello, our beautiful, cousin." Naka-ngiting bati ni King. "Did you drink the soup I gave you?"

"Bakit mo pinadala kay, Angel yun?"

"She insisted." I rolled my eyes.

"Whatever, so ano ngang ginagawa niyo dito sa pamamahay ko?" Masungit na tanong ko. Lumapit ako sa pinsan 'kong babae at binaba si Angel. Agad niyang niyakap yung mga Tita niya isa-isa. Ako naman ay humalik sa mga pisngi nila.

"Your Mom told us to check you." Colt answered. I nodded.

"Tell her, I'm okay." Sabay-saby silang tumayo. Kumunot ang noo ko.

"We just went here for that." Sabi ni Duke.

"Yeah. Ang dami pa kaya naming ginagawa." Sabi naman ni Luke. Duke's twin.

"Yun lang?" Tanong ko. They nodded again.

"Naghihintay na sa'kin si Lucky sa labas." Sabi naman ni Rexzel at nagmamadling lumabas. Of course, Lucky first.

"Mag de-date pa kami ni Collette." Nagmamadali ring lumabas si King. Tapos sumunod naman si Jozue, Nojean, Nazareth, at Kludd na kung ano-anong dahilan ang pinagsasabi. Halatang napipilitan lang silang sumunod kay Mama. Kawawa naman.

Napa-iling-iling nalang kami.

"You, big Bro. May pupuntahan karin ba?" Klea asked her brother, Colt.

"Yeah, may usapan kami ni Joe. And I need you, so let's go." Tapos hinila na niya si Klea. Kawawang kapatid, she's being used with her own brother.

"Aalis narin kami." Paalam ni Chzanaia. Tumango ako. Yun lang naman daw talaga ang pinunta nila eh. Ang tignan ako. Tsk, tsk.

"Bye, Lyn." Elieza said and kiss Angel on her cheek.

"Bye, Titas."

Uupo na dapat ako sa couch nung tumunog ang cellphone ko. At nasa kwarto yun. So ibig sabihin, babalik na naman ako sa kwarto para kunin yun. Hayys.

Tinatamad na naglakad ako papuntang kwarto at sinagot ang tawag.

"Yes?"

"Can you bring the performance task of you students? May titignan lang ang guidance." Our head teacher said.

"Yes ma'am."

"Thank you."

Pinatay ko na ang tawag at may na received akong message at napa-ngiti ako sa nabasa. Hindi na yun galing sa head teacher ng school kung saan ako nagtuturo. Iba.

"I'm already here. Waiting."

"Baby!" Agad namang lumapit si Angel sa'kin dala ang laruan niyang baril. Napa-iling nalang ako. She always like a gun toy. "Get a shower, Baby. We're going to a place where my surprise for you is." I said while smiling at her.

Her face lightened. "You have a surprise po, Mama?"

"Yes, Baby. Now go to Manang Syl and get a bath."

"Mama, I can do it on my own."

"Whatever, Baby." Excited siyang tumakbo sa labas papuntang kwarto niya. I was chuckling while walking towards the bathroom.

Pagkatapos naming maligo at mag-ayos ay agad kaming sumakay sa kotse ko. Dumeretso kami agad sa rest house ko. Nandun yung mga performance task ng mga studyante ko. Doon kasi ako minsan nag tatrabaho. Pagdating namin dun ay agad siyang bumaba.

"Mama, this is your rest house. Your surprise for me is here po ba?" Umiling ako.

"No, Baby. May kukunin lang si Mama. Go inside the car again and wait me there, okay?"

"Okay po." Sumakay siya ulit sa kotse at ako naman ay pumasok sa loob. Agad 'kong kinuha ang mga kailangan ko at bumalik sa kotse.

Napa-kunot ang noo ko nung ayaw na yun umandar. What is happening of my car?

"Is there anything problem, Mama?"

"Wala na akong gas, Baby." Sabi ko. Lumabas ako at siya din. Wala na akong choice. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang gusto 'kong tawagan sa mga oras na 'to.

"Napatawag, ka?" Napangiti ako nung marinig ko yung boses niya.

"Mark, sunduin mo naman kami dito ng anak mo." I said while smiling. Hindi yan siya aangal. May usapan kami eh.

"Okay Ma'am. Where are you and my Baby?" Lalong lumapad ang ngiti ko.

"Nasa rest house ko."

"Okay. Wait me there." Naka-ngiting pinatay ko ang tawag.

"Baby, hihintayin ko lang si Daddy mo sa labas ha? Dito ka lang." Tumango siya kaya lumabas na ako. Pagbukas ko ng gate para sana makalabas ako ay nagulat ako kung sino ang nakita ko. Pero hindi ko yun pinahalata.

Nakatayo siya habang naka-titig sa'kin. Nanlalaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat. Seneryoso ko ang mukha ko. Ilang taon ko ba siyang hindi nakita? 3 and half year.

So many changes. Mas lalo siyang kumwapo, pero wala akong paki-alam. Galit ako sa kanya. I don't want to see him again, yet he's standing in front of me. Looking at me with so much emotions. Still, I don't care.

Now that he's looking at my eyes. Sigurado akong wala na siyang makitang pagmamahal doon na dati meron. My eyes for him is full of hatred.

Why did he come back? After three and half year? Okay na ako eh. Nakalimutan ko na siya. Wala na yung pagmamahal ko sa kanya.

"Mama?" Napatingin siya sa gilid ko kaya napatingin din ako dun. And I saw Angel looking at me with her beautiful eyes.

"Baby, bakit ka lumbas?" Lumuhod ako para magpantay kami.

"Akala ko po kasi dumating na si Daddy kaya lumabas na po ako." She said.

"We're still waiting for your Daddy. Don't worry, he's on the way." She smiled.

"Who is he po, Mama?" Napatingin ako sa tinuro niya. He's still standing there while watching us.

"He's nothing, Baby." I replied. Halata sa boses ko ang galit. Okay lang. Para naman malaman niya na hindi porket nagmaka-awa ako sa kaniya dati ay hindi ako magagalit. Begging for him is the thing I hate the most.

Napalingon kami sa bumusinang kotse at may lalaking lumabas doon. Sa amin lang siya naka-tingin ni Angel kaya nasisiguro ko na hindi niya pa napapansin ang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa'min.

"Daddy!" Angel shouted.

"My Baby!" Sabik na sabi ni Mark. Napangiti ko habang tinitignan sila. Deserved. Agad na kumapit si Angel nung lumuhod si Mark para halikan siya sa pisngi.

"I miss you, Daddy."

"Me too, Baby." Tumayo si Mark at hinalikan ako sa pisngi. Then he look at the guy still standing and watching us. Like me, I saw hatred in Mark's eyes.

"Let's go." Then he grabbed my hand and held it tight. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya habang ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

At dahil naka-harap ang sasakyan sa harap ng gate ay nakita ko siya. Nakatayo lang siya dun na para bang napako sa kinatatayuan niya.

Nagtaka ako kung bakit siya bumalik dito. Pero hindi ako nagtaka kung bakit siya nandito.

It's his house after all.

His house that he sold 3 and half years ago.

#PRETENDING COUPLE
@RainbowZash
-Rie

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon