"Vin, gusto kita!" Sabi ko sa kanya.
Halata na nagulat siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at napa-awang ang labi.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi naman ito ang unang beses na umamin ako tungkol sa feelings ko sa isang lalaki, pero nakaka-kaba parin.
Kasi paano kung i-reject ka 'di ba? Ang sakit nun. Kaya nakakatakot. Bilib nga ako sa mga taong sa una palang may lakas na ng loob na unamin. Hindi gaya ko na matagal na siyang palihim na ginugusto. Mga limang buwan siguro.
Kiniskis ko ang dalawang palad dahil sa panginginig. Ramdam ko ang ilang mga matang naka-tingin sa'kin, habang hinihintay ang sagot ni Vin.
Alam kong hindi lang ako ang nagkakagusto sa kanya, kasi sadyang napaka-gandang lalaki niya talaga. Mas matanda siya sa'kin ng ilang taon, kaya lalo akong na a-attract.
Tumingin siya sa phone niya na parang naiinis. "Sorry Clair, I have to go." sabi nya at mabilis na nag-laho sa harap ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa simpleng pag-iwas niya ay napaka-sakit na sa'kin. Nagbulungan ang nga taong naka-kita at naka-rinig. Ramdam ko ang matinding pagkahiya na bumalot sa'kin.
Umuwi akong bigo at luhaan.
Galing ako sa isang kilalang pamilya dahil sa mga negosiyo namin. Ang apilyedo ng mga magulang ko ay nakapagdag-dag sa kasikatan ko.
Marami rin namang nagkaka-gusto sa'kin, pero mas focus ako sa pag-aaral. Nag-iipon din ako para sa gusto kong itayong bahay-ampunan.
Hindi ko alam. Gusto ko lang talaga maka-tulong sa mga batang walang magulang. Mga batang naka-tira lang sa kalye. Mabilis na natutunaw ang puso ko kapag nakakakita ako na mga kagaya nila.
Sadyang nakilala ko lang talaga si Vin na kahit ang kagustuhan kong makapag-tapos muna ng Senior High ay nabali. Iba kasi siya e. Sa sobrang iba niya, hindi niya ako magawang gustuhin din, katulad ng nararamdaman ko sa kanya.
"Hay naku! Sa tuwing nakikita kita, palagi ka nalang umiiyak. Bakit ka umiiyak, ha?" Bungad sa'kin ng long time best friend ko na si Jhez, nung naabutan niya ako na umiiyak na naman sa kwarto ko.
E, kasi nga, broken hearted ako, yung crush ko kasi, 'di ako gusto.
Mas matanda siya sa'kin at nasa College na siya pero hindi ko siya tinatawag na Ate dahil mas komportable akong tawagin siya sa pangalan niya.
Maganda siya. As in. Itim na itim ang mga mata at purple red naman ang kulay ng maalon niyang buhok. Ang tangkad niya rin. Bagay na bagay maging isang model. Mahaba at makinis ang kanyang mga binti at braso. Sexy at walang kahit anong mantsa ang mukha. Higit sa lahat, mayaman. Habulin din ng mga lalaki na hindi nakakapag-taka. Pero kahit kailan, hindi ako na-insecure sa kanya.
"Si Vin kasi, simula nung sinabi ko sa kanya na gusto ko siya, which is nung nakaraang linggo lang, ay di na niya ako pinapansin, iniiwasan niya nalang ako, Jhez!" pagsusumbong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko na hindi naman tumitigil sa pag-tulo.
OA man, pero ang sakit talaga. Hindi naman na bago sa'kin ang ganitong sa'kit, pero sakit parin yun. It's still an emotional pain, kaya kahit pangalawang beses na, kung maka-iyak ako ay ganito parin.
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...