Nag lalakad ako ngayon pa puntang room ko. Ewan ko ba, trip ko mag lakad ngayon hayys. So yun nga nag lalakad ako ng may marinig akong sigaw.
"Oh ano ka ngayon ha?!" Sigaw nung babae sa isa pang babae. Marami itong mga kasama, sa tingin ko ay binubully nila ang kawawang babae na nakaupo na ngayon sa daan.
"Paki-usap tama na" nanginginig na sabi niya dun sa nambubully sa kanya.
"Ako ang mag dedesisyon kung titigil ba ako o hindi!" Sigaw niya at hinila ang buhok ng kaawang babae. Napahawak ang babae sa buhok niya, dahil sa sakit na dulot nito. Ano kaya 'tong nararamdaman ko? Bigla nalang kumulo ang dugo ko dun sa babae. Bakit siya nananakit?
"Wag ka kasing pa harang-harang!" Sigaw niya at sinampal ang babae. "Naiintindihan m—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis 'kong binato sa kanya ang bag ko.
"What the?!" Sigaw niya at humarap sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"How dare you to do that?!""Stay away from her" cold 'kong sabi.
"Who you to be obeyed? Huh?!" Sigaw niya. Nakita ko ang reaksiyon ng mga kasama niya nung nakita nila ako, siguro kilala nila ako. Aba, dapat lang!
"Bitiwan mo siya" Kalmado 'kong sabi. Bigla niya kasing hinila ulit ang buhok ng babae, dun niya yata binuntung ang galit niya sakin. "Who you to stop me ha?!" Sigaw niya ulit. Ang sakit sa tenga nitong babaeng 'to.
"Ella stop" sabi nung kasama niya at hinawakan siya sa braso para pigilan.
"Bakit ba?! Sino ba yang babaeng yan?! Ha? Hindi niya ba ako kilala?!" Sigaw niya. Aba aba!
"Basta tama na, umalis na tayo dito" sabi nung kasama niya. Bumaling siya ng tingin sakin.
"Ikaw! Sino kaba? Wala kang karapatang pigilan ako sa gusto ko!" Sabi niya sakin at bahagyang binitawan ang buhok ng kaawa awang babae.
"Why don't you ask your friends? I think they know me" sabi ko at ngumise.
"Sino ba siya?" Tanong niya sa kaibigan niya.
"Ella.....siya si Riebecah" mahinang sagot nito, sakto lang para marinig namin. Halatang nagulat yung Ella sa narinig.
"Shit" mura niya at mabilis na tumakbo. Di nag tagal ay nawala na sila sa paningin ko. Lumapit ako dun sa babae, na halos mangiyak-ngiyak na sa nangyari.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ng makalapit na sa kanya.
Tumango siya. "Oo, salamat ha. Salamat talaga" sabi niya. Nginitian ko siya.
"Wala yun" sabi ko. "Cge mauuna na ako, mag ingat ka ha" sabi ko at umalis na.
Ilang linggo na ang lumipas matapos malaman ni Zed kung sino si Bryce sa buhay ko. At ilang buwan na rin akong nagbago. Ewan ko ba, bigla nalang akong naging mabait ulit. Hindi na ako nambubully. Lagi akong ngumingiti. Tumutulong ako sa kapawa. Masaya palang gawin nun noh? Basta, isang araw nagising nalang ako na ginagawa ko na yun.
Nangmakarating ako sa room ay nakita ko kaagad sila Zyril.
Teka!
Si Gavril bayun?
Hala! Oo nga si Gavril nga yung kausap ni Brie. Abot hanggang langit ang ngiti ni Brie habang kausap si Gavril. Si Neo naman abot hanggang impyerno ang itchura. Ano, galit na galit? May gusto yata talaga 'tong si Neo kay Brie eh. Nang makalapit na ako sa kanila ay dun ko lang narinig ang pag uusap nila.
"Pwede ka bang pumunta mamaya, kung saan ako kakanta? Tanong ni Gavril kay Brie na hanggang ngayon ay ngiting ngiti parin. Ni hindi man lang ako pinansin. Ahmp.. batukan ko siya jan eh.
"Oo naman. Saan ba?" Sabi naman ni Brie. Lalong nag salubong ang kilay ni Neo.
"Malapit lang dit—" naputol ang sasabihin ni Gavril ng biglang sumingit si Neo.
"Hindi siya pupunta" madiing sabi ni Neo na ikinatawa namin ni Zyril at Ethan. Nawala ang ngiti ni Brie at kunot noong tinignan si Neo.
"At bakit naman hindi ha?" Tanong naman ni Brie.
"Kasi may date tayo" nakangiting sabi ni Neo at inakbayan si Brie. Nanlaki ang mga mata ni Brie sa narinig.
"ANONG DATE PINAG SASABI MO?!" sigaw ni Brie. Sa sobrang lakas nun ay napatingin sa kanya ang iba naming mga kaklase. Buti nalang wala pa si maam.
"Oo may date tayo, nakalimutan mo na ba BABE?" Nakangiseng sagot naman ni Neo at diniinan ang salitang babe, mukhang nasisiyahan siya sa pang iinis kay Brie, na effective naman, kasi mukhang sasabog na si Brie sa galit. Nag pipigil tawang nanonood lang kami sa kanila.
"Anong babe ka jan? At saka bitiwan mo nga ako, close ba tayo?!" Sabi ni Brie at nilayo ang braso ni Neo. Bumaling siya kay Gavril na hindi pa pala umaalis. "Pasensiya kana sa kanya ha, talagang may sira lang siya sa ulo kaya ganun siya kung maka asta. Wag ka mag alala, pupunta ako" sabi niya.
"Cge hihintayin kita. Mauuna na ako" sabi ni Gavril at umalis na.
Nang makalabas na siya ng room ay mabilis na inapakan ni Brie ang paa ni Neo na ikinadaing niya, kasabay nun ay humagakpak kaming tatlo nila Zyril at Ethan napakalakas na tawa.
"Anong trip mo sa buhay bro?" Tanong ni Ethan na natatawa parin.
"Nakita mo ba ang itchura niya bro? Ang epic haha!" Sabi naman ni Neo na tumatawa narin pala. Mabilis siyang binatukan ni Brie.
"Bwisit ka talagang timawa ka! Aga-aga sinisira mo yung araw ko. Maka-alis na nga dito!" Sabi niya at nag walk out.
"Sandali Brie! Naiwan mo yung bag mo!" Sigaw ni Zyril. Bumalik si Brie.
"Naiwan ko pala. Hmmp" sabi niya at kinuha ang bag niya tapos nag flipp hair siya at nag walk out ulit.
"Haha, ayos na sana eh. Sng ganda na sana ng eksena. May naiwan pa haha" sabi ko habang natatawa parin. Muli, ay hamagakpak ulit kami ng tao.
"Teka! Asan nga pala si Zed?" Pag iiba ko. Nag kibit-balikat lang silang tatlo.
"Hindi namin alam eh"
"Kahapon lang nakita pa natin siya diba? Asan na siya ngayon?"
"Nag away ba kayo Riebecah?" Tanong ni Ethan. Umiling ako.
"Hindi"
"Eh bakit bigla nalang siyang nawala?" Sabi naman ni Neo.
"Alam mo ba Riebecah, malaki ang pinag bago ni Zed nung naging kayo. Ngumingiti na siya. Salamat ha, nakita ulit naming tumatawa ang kaibigan namin. Medyo matagal tagal narin kasi mula nung huli namin siyang nakitang masaya." Sabi ni Ethan.
Bakit? Anong dahilan niya? Bakit siya malungkot?
"Ikaw rin, Riebecah. Malaki ang pinag bago mo. Naging mabait ka na ulit. Mukhang maganda para sayo si Zed" sabi ni Zyril. Ngumiti lang ako sa kanila. Ganun na pala ang nangyari saming dalawa?
Pag katapos ng klase ay umuwi na ako agad. Hindi talaga mag pakita si Zed. Saan naman kaya pumunta yung tukmol nayun?
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...