Dalawang linggo na.Dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita.
Dalawang linggo na siyang hindi pumapasok.
Dalawang linggo na bago ako tuluyang mabaliw, kaka-isip kung nasan siya.
Bakit wala siya? 'San siya nagpunta? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa'kin? Bakit hindi man lang siya tumawag o nag text sa'kin? Bakit hindi siya nagpapa-alam sa'kin? Hindi niya ba alam na nag-aalala na ako? Na mababaliw na ako kaka-isip kung nasan siya, kung okay lang ba siya, kung bakit siya umalis ng hindi ko alam, kung kailan siya babalik?
Naiinis na ako! Malapit na akong magalit!
Hindi niya sinasagot ang tawag ko! Hindi siya nag-rereply sa mga text ko! ni 'Ha' ni 'Ho', wala!
Asan ba siya?
Iniwan niya ba ako?
Taena, gusto ko mag mura! Huta!
Grabeh naman yung iniwan! Wala pa kaming isang taon, iiwan na niya ako?
Taena, sasakalin ko siya!
"Wala parin siya!" sabi ko sa mga kaibigan ko. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa cafeteria. Kinakabahan ako! Nag-aalala! Na-mimiss ko siya! Miss na miss! Nakakainis yung lalaking yun!
"Kumalma ka nga, para 'kang tanga!" sigaw ni Zyril.
"Taena, Riebecah, kumalma ka! Nahihilo ako sayo!" sabi naman ni Brie.
"Sabihin niyo nga! Paano ako kakalma? Hindi ko alam kung nasan siya! Anong nangyayari sa kanya?! 'San siya nagpunta?!"
"Sa tingin mo kami, hindi nag-alala? Kaibigan namin yun eh!" sabi naman ni Neo.
"Ethan, wala ka 'bang alam? Nasan siya?" baling ko kay Ethan. Siguro naman alam niya diba? Siya yung pinaka-close ni Zed! Kaya dapat alam niya. Umiling siya. Imposible!
"Hindi ko rin alam! Hindi naman yun nagsasabi sa'kin kung saan siya nagpupupunta!" sabi ni Ethan. Mababaliw na ako!
"Kung ganun, asan siya?" ang hina na ng boses ko. Pagod na ako! Bakit ba kasi umaalis siya ng hindi nag-papaalam?
"Mag-report na kaya tayo sa pulis?" suhesyion ni Brie. Agad na umiling si Ethan.
"Don't you dare do that!" matigas niyang sabi.
"Why?" tanong naming tatlo. Bakit hindi pwede? Dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita!
"Just don't! Maybe, he's just doing something important" sabi niya. Important? Seriously?
"Important? Tapos dalawang linggo? Hindi nag-paalam? Hindi nag-te-text? Hindi tumatawag? That's bullshit!" bakit ba kasi hindi pwede?
"Just don't. Magpapakita din siya" sabi niya. Sa sobrang inis ko, nag walk out ako. Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Hindi ko na nakikita yung taong pinaka-importante sa'kin! Mababaliw na ako sa kakaisip kung anong nangyayari sa kanya! Hindi ba nila ako gets! Hayyss!! Pumunta na ako sa klase ko kahit wala ako sa mood. 11:49 na kaya nagsisimula na yung klase.
Pagpasok ko, dere-deretso lang ako. Wala akong paki-alam sa mga sinasabi sa'kin ng prof ko. Wala ako sa mood makipag-usap. Umupo na ako sa upuan ko at tumingin nalang sa bintana. Ayokong makinig sa dini-discuss ni prof. Wala rin naman akong maiintindihan eh. Nag-iisip ako ng paraan, kung paano siya mahahanap. Pero wala akong maisip. Hindi ko alam kung saan siya nakatira! Hindi niya naman kasi pinapa-alam sa'kin. Hindi ko alam kung anong rason niya! Ang dami ko 'pang hindi alam sa kanya! Kaya hindi pwedeng iwan niya ako ng ganito kaaga! Naiiyak na ako. Anong gagawin ko? Miss na miss ko na siya!
Pagkatapos ng klase.Lumabas ako ng room. Muntik na talagang tumulo yung luha ko sa tuwing lumalabas ako ng room. Dapat hinihintay niya ako eh! Dapat yayakapin niya na ako pagkalabas ko ng room! Dapat nandito siya!
Naglalakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Nakayuko ako, kapag tumitingin ako sa lahat ng nasa paligid ko naalala ko siya. Sinisipa ko yung mga batong nadadaanan ko, hanggang sa may nakita akong sapatos sa harap ko. Unti-unti akong umangat ng tingin. Napa-atras ako nung makita ang taong nasa harapan ko. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya, wala man akong balak sundin siya ay sinunod ko. Nakakatakot kasi siya tignan. Pumunta kami sa lugar na kaming dalawa lang.
Sa pagkakatanda ko, siya yung kausap ni Zed noon. Mas nakakatakot pala siya sa malapitan. Ang lamig niyang tumingin. Kinikilabutan ako. Bakit niya ako gustong maka-usap?
"I'm warning you." napa-angat ako ng tingin sa kanya. Pati yung boses niya ang lamig. "Talk to your boy. If I'm not mistaken, his name is Bryce. It's his fault, why Zed is not here." Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Sino ba siya? Bakit pati siya englishero?
"W-what do y-you mean?" God nauutal ako! Nakakatakot siyang tignan!
"He totured him. And he's recovering now. I don't want that to happen again to Zed. Talk to that bastard Bryce. If you don't want me to punish him. 'Cause I swear, you'll never like what I'm going to do." he said emotionless and walk away. He threatend me. He's so scary.
But Bryce won't do that!
He never hurt people!
It's imposible!
I need to know the truth!
Dali-dali akong pumunta sa sasakyan ko. Kailangan 'kong puntahan si Bryce ngayon din! Kailangan 'kong malaman ang totoo. Naniniwala akong wala siyang kinalaman sa mga pinagsasabi nung lalaki kanina. Hindi ganun si Bryce. Alam ko yun! Pagkarating ko kung saan siya ay agad ko siyang hinanap. Tinanong ko yung kasambahay nila kung nasan siya, ang sabi nila, nasa may pool daw kaya pumunta ako dun. At nakita ko nga siya, lumalangoy sa pool. Nung makita niya ako ay nagliwanag ang mukha niya at agad na umahon.
"What bring you here?" nakangiting sabi niya. Pero nanatili akong seryoso.
"Tell me the truth" seryosong sabi ko.
"Truth what?" nakangiti parin siya.
"Anong kinalaman mo sa nangyari kay Zed?" nawala ang ngiti niya.
"So, alam mo na pala" agad ko siyang sinampal kaya napunta sa ibang dereksiyon ang mukha niya.
"Paano mo nagawa yun?! Akala ko ba matino ka?! Bakit mo ginawa sa kanya yun?!"
"Para sayo!" I scoff.
"Para sa'kin? Baliw kaba? Sa tingin mo, gusto 'kong gawin mo yun? Si Zed yun! Si Zed! Bakit mo siya sinaktan? Sa ginawa mo, para mo na rin akong sinaktan, alam mo ba yun?" malapit na akong umiyak, pinipigilan ko lang. Hindi niya ako pwedeng makitang umiyak sa ganitong sitwasyion.
"Sinabi ko na sayo'ng hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat, bumalik kalang sa'kin. Siya ang dahilan kung bakit ayaw mo, kaya tama lang sa kanya yun" sinampal ko siya ulit.
"Sa tingin mo, babalik ako sayo pagkatapos ng ginawa mo? Lalong hindi! At hinding-hindi!"
"Wala akong paki-alam. Hindi ako susuko. Babalik ka sa'kin" sabi niya at iniwan ako na puno ang galit sa puso.
Galit na galit ako sa kanya! Siya yung dahilan kung bakit wala si Zed sa tabi ko! Hindi ko akalaing, kaya niyang manakit para sa gusto niya!
Kailan siya babalik? Kailan siya gagaling? Kailan ko siya makikita ulit? Gusto ko na siyang mayakap
A/N:
Don't forget to VOTE and FOLLOW me
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...