Chapter 56

78 6 1
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit ka nandito?"

Sabay naming sabi. Pareho kaming napa-iwas ng tingin sa isa't-isa at tumingin kay Dorri.

"Sinong Papa?"

"Sinong Mama?"

Sabay ulit kami. Nagkatinginan kami at agad na umiwas ulit sa isa't-isa. Bakit ba kasi siya nakiki-sabay?

AT BAKIT NAIKITA KO NA NAMAN SIYA?!

Binaba ko si Dorri, dali-dali naman siyang tumakbo at niyakap si Zed. Napatulala lang ako sa kanila. Anong nangyayari? Bakit tinatawag ni Dorri si Zed na Papa at ako Mama? Anong ginagawa ni Zed dito?

"Papa, okay lang naman po yun sa inyo diba?" Natuon ang atensyon ko kay Dorri nung nagsalita siya. Napatingin si Zed sa'kin saka tinignan si Dorri.

"Ano yun?" Tanong ni Zed sa bata na naka-ngiti.

"Na maging Mama ko po siya." Sagot ni Dorri at tinuro ako.

Napa-nganga ako. Kumurap-kurap. Hindi makapaniwalang naka-tingin kay Dorri. God! Alam niya ang pinagsasabi niya? Diyosko namang batang 'to! Gusto niya akong maging Mama? At si Zed ang Papa?

No! Hindi ako papayag! Kahibangan yun! Makita nga lang siya ngayon ay gusto ko nang umuwi agad, magpanggap pa kaya na Mama ng batang yan si siya ang Papa?

Hindi naman sa wala akong paki-alam sa nararamdan ng bata pero, hindi naman ako papayag na gusto niya akong maging Asawa ni Zed. Well, hindi man ganun ang term nun pero parang ganun narin.

May asawa ako noh!

Sandaling nawala ang ngiti ni Zed pero agad niya ring binalik pero pilit na yun. Tatalikod na sana ako dahil gusto ko na talagang umalis at ayoko nang marinig pa ang susunod na pag-uusap nila pero napatigil ako sa sinabi ni Zed.

"Siya ang tanungin mo."

Kumurap-kurap ulit ako. What. The. Hell?

Agad na tumakbo sa'kin si Dorri at niyakap ang binti ko. Ang cute-cute niya! Napakaganda ng ngiti niya. At ayokong mawala yun dahil lang hindi ako papayag. Kung bakit naman kasi sa lahat-lahat ng pwede niyang hilingin ay ang maging Mama pa ako at si Zed ang Papa? Pwede namang sabihin ko sa kanya na kung ako ang Mama niya ay hindi na kailangan si Zed dahil meron naman si Bryce. Paniguradong matutuwa yun.

"Okay lang naman po yun sa inyo diba? Mama? Kahit pansamantala lang po. Gusto ko lang po maranasan na magkaroon ng Mama ay Papa." Hindi ako nakapagsalita. Anong sasabihin ko? Na ayoko?

Pero natatakot ko eh. Bata pa siya. Alam 'kong hindi niya alam ang sinasabi niya. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit siya malulungkot. Mukhang gustong-gusto niya pa naman si Zed na maging Papa.
Ano ba naman yan?!

Pwedeng hilingin na si Bryce nalang? Hindi ko lang talaga feel si Zed at saka kinakabahan ako eh. Lalo na kapag malaman ni Bryce, hindi ko alam kung anong mangyayari.

Buti nalang dumating ang isang myembro ng orph. kaya sinabi ko muna sa kanila na libangin muna si Dorri dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya.

Ngyon, dalawa nalang kami ni Zed. Umiinom siya ng kape habang naka-upo sa isang upuan malapit sa pintong nilabasan niya kanina. Ako naman ay naka-tayo sa gilid niya hindi kalayuan.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa paligid namin. Ayokong mauna na basagin ang katahimikan kasi wala naman akong masabi. Hanggang ngayon nag tataka ako kung bakit siya nandito kahit may ideya nang namumuo sa isip ko.

Bahala na nga!

"Anong ginagawa mo dito?" Muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan niya nung nagsalita ako. Mukha rin siyang hindi mapakali. Kahit ako kinakabahan na hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikiga ko siya, pero hindi ko pinahalata.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon