Chapter 55

65 6 0
                                    

"Hi."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nilagpasan siya. At dahil nasa harap siya ng pinto, pagpasok ko naamoy ko siya. Ang bango! Marahas akong umiling. Ano naman ngayon kung mabango siya? Lakompaki!

Ni hindi nga ako timingin sa mukha niya lalo na sa mata niya eh. Mahirap na, baka maging abnormal na naman yung puso ko na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Just want to talk to you." He said. At talagang pumasok pa talaga siya sa room. Nilagay ko yung bag ko sa cubicle ko at tumingin sa paligid.

At dahil nga pinag-usapan pa naman siya ni Bryce kanina ay marami na ang estudyante ko na nandito. Nakakainis!

"I don't want to talk to you. Busy ako."

"I can wait."

"Kung ako sayo  huwag na. Wala akong balak makipag-usap sayo."

Naglakad ako papunta sa unahan para tawagin ang atensiyon ng mga estudyante ko dahil magsisimula na ako. Pero lintik dahil sinundan niya ako.

"Please? Just for a while."

"Jenny! Yung attendance sheet?" Agad na lumapit sa'kin si Jenny, classroom secretary, at binigay sa'kin ang attendance sheet.

"Ma'am, kanina po yan si Kuyang pogi. Hinihintay po kayo." Mahinang bulong niya na kami lang ang makakarinig. Nasa gilid ko lang si Zed hindi kalayuan.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na ito ang room ko. At nakakainis dahil andito siya.

"Dapat sinabi mo na hindi dito yung room ko." Bulong ko rin sa kanya habang nagche-check ako ng attendance at hindi parin lumalayas si Zed.

"Ma'am, naka-drugs ka po ba? Nakalimutan niyo ata na nasa pinto po yung pangalan niyo. Naka-kabit." Kumurap-kurap ako. Tapos bigla akong napangiwi. Oo nga pala.

"'Tong batang 'to. Makasabi ng naka-drugs, wagas. Parang hindi mo'ko teacher ah? Estudyante ba talaga kita?" Takang tanong ko pero tinawanan niya lang ako. Aba! Loko 'to ah!

"Joke lang po. I love you, Ma'am." Natawa nalang ako. Kaya gusto ko maging teacher eh. Nakakagaan ng loob ko kahit na bad mood ako ngayon dahil sinira ng tukmol na yun yung magandang umaga ko.

Kaya close na close ko yung mga estudyante ko kahit minsan nagbabarahan kami.

"Get out, Zed. I'm busy. And if I'm not. Still, I don't want to. You're just wasting your time." Sabi ko nung hindi parin siya umaalis.

Nagsimula na akong magklase pero nadi-distract yung mga estudyante ko kakatingin sa kanya. Lalo na yung mga babae. Tsk!

"It's okay. You're worth it after all."

"Ano yun?" Agad siyang umiling.

"Nothing!"

"Know what? Just leave. I'm bu—"

"I can wait."

Tapos tinalikuran niya ako at umupo doon sa likod kung saan walang naka-upo na estudyante.

He look at me and smiled. I just glared at him. He's pissing out of me! Pati ako, nadi-distract! Bahala siya diyan! Ayoko siyang maka-usap.

Pinagpatuloy ko nalang yung pagtuturo ko. Minsan may nahuhuli akong lumilingon sa kanya. Bwisit talaga yung lalaking yun!

* * *

"You're just wasted your time." I said when I'm done teaching my students and time to go home. I was walking when I notice that he was following me. I look at him, "Really, what is your problem?"

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon