Chapter 32

71 8 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Ilang buwan narin akong nag-aaral sa Zalsos University na kung saan din nag-aaral si Bryce at Mievan. Lagi akong badtrip sa kanilang dalawa. Pagpasok ko sa umaga, makikita ko ang mukha ni Mievan, tapos ngingisihan ako. Yung tipong may binabalak na kalokohan pero hindi pa ginagawa. At ano naman kaya yun?

Tapos sa hapon naman ay si Bryce. Jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Lagi ko naman siyang pinagtutulakan palayo sa'kin! Tapos lagi niya ring pinagtutulukan ang sarili niya papalapit sakin! Paulit-ulit niya pang sinasabi na hindi daw siya sususko. Naiinis ako sa kanya! Sinabi 'kong masasaktan lang siya sakin, kaya tumigil na siya! Pero dahil siya si Bryce, ay hindi daw siya susuko! Gagawin niya daw lahat para mahalin ko siya ulit. At may alas daw siya. Ano kami? Naglalaro ng braha? Oh, diba? Nakakatanga?

Si Zed naman, ayun! Tukmol parin! Minsan nakakabwisit! Ang seloso, jusko! Mawawalan na ako ng boses, kaka-paliwanag sa kanya. At dahil siya si Zed, syempre nagpapasuyo ang hinayupak! Akala niya ba, siya lang nagseselos? Minsan pag pumupunta ako sa room nila, naabutan ko siyang nilalandi ng kaklase niya, tapos balewala lang sa kanya. Syempre pinagsabihan ko siya, pero ang sinabi niya lang, "Don't worry Rie, I don't like her. I'm yours remember?" At dahil ako si Riebecah, syempre lumambot. Si Zed yun eh!

Si Brie at Neo? Syempre hindi parin nag babago. Para ngang wala ng pag-asang magkasundo sila eh! Lagi nalang nag-aaway! Minsan naiisip ko kung may gusto ba sa isa't-isa yung mga yun. Pero imposible! Eh kahit nga daw sila na ang matira sa mundo, hindi daw nila magugustuhan ang isa't isa! Mga hinayupak talaga!

Si Zyril at Ethan? Ayun, taga-awat parin sa dalawang palaging nagbabangayan. Pikon na pikon na talaga sila sa dalawa! Yung tipong kapag ina-awat nila yun sa pamamagitan ng pagbabanta at sigaw ay halos maputol na yung ugat nila sa leeg! Nalaman ko na kaya pala takot yung dalawa sa kanila ay dahil nakakatakot naman talaga sila Zyril at Ethan kapag nagalit. Minsan nga kinikilabutan ako. Pareho din silang tahimik.

Kasalukuyan akong nasa room ngayon, nakikinig sa professor naming nagdi-discuss. At dahil umaga ngayon, syempre nandito si Mievan. First subject palang kasi. Naiinis ako sa kanya! Ano ba kasing trip niya? Hayys, bahala siya sa buhay niya kung ano man yung pinaplano niya, dahil hindi ko siya aatrasan. Kahit na mas mayaman pa siya sakin! Bakit kailangan ba kung sinong mas mayaman? Basta, kung may plano siyang kunin si Zed, hindi ako papayag!

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako agad, dahil ayokong manatili pang nakikita ang pagmumukha ni Mievan. Nakakapanibago lang ngayon, minsan kasi kapag lumabas na ako ng room ay makikita ko kaagad si Zed na hinihintay ako, pero ngayon wala siya. Bigla ko tuloy naalala yung lalaking kausap niya noon. Sino kaya yun? Suguro kaya wala siya ngayon ay may ginagawa, kaya hindi ko na dapat isipan pa. Napag desisyunan 'kong pumunta sa palagi naming tambayan ngayon ng mga kaibigan ko. Sa kabilang cafeteria, wala kasi gaanong tao dun, kaya dun kami, para medyo may privacy. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Neo, na may pinapanood na naman sa Cellphone niya. Halos hindi na siya tumitingin sa daan. Lagi nalang siyang ganyan. Na-cu-curious na ako kaya nilapitan ko na siya ng walang ingay.

"HAHAHAHA! This is so epic!" patawa-tawa niyang sabi. Mabuti nalang at parang papunta rin si siya sa tambayan namin kaya wala masyadong tao. Mas binilisan ko pa ang paglalakad, dahil lalo siyang natawa. Nang makalapit ako ay agad yung hinablot ang cellphone.

"What the hell, Riebecah!" sigaw niya sa pagkagulat. Inilayo ko sa kanya ang cellphone ng akmang kukunin niya. "Hell! Give it back to me!" sigaw niya ulit nung mas lalo 'kong nilayo pati narin ang katawan ko.

"Oh, c'mon. Let me see!" sabi ko at tinignan kung ano ang pinapanoond niya. Nung matignan ko na ay natigilan ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. Seryoso? Nanonood siya nito? Nung matauhan ako, tinignan ko siya. Bigla namang namula ang buong mukha niya, kaya hindi ko na natiis. "HAHAHAHAHA!!" malakas na tawa ko at hinawakan pa ang tiyan ko.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon