Chapter 11

125 10 0
                                    

"Riebecah ang ganda ganda mo, bagay na bagay sayo ang suot mo. Paniguradong lalong maiinlove sayo si Zed. Yie!" Sabi ni Brie.

"Dapat lang. Ang ganda kaya ng Best friend natin, kaya subukan niya lang saktan ang kaibigan natin makikita niya." sabi naman ni Zyril.

"Oh Riebecah, bakit ang lungkot mo diyan? Bakit parang di ka masaya? Birthday na Birthday mo nag e-emote ka diyan!" Sabi ni Brie.

Yes! Tama kayo, birthday ko ngayon. August 15, actually it was my 18th birthday, debut kung baga.

"Wala may iniisip lang ako." sagot ko naman. Nalaman ko kasi na yung lalaking ipapakasal daw sakin ay pupunta sa venue at hindi ko alam ang gagawin ko gayong pati ang mga magulang niya ay pupunta rin.

"Tara na! Mag sisimula na eh!" Zyril said.

Pumunta na kami sa Venue.

"Ladies ang Gentleman, please welcome, our Birthday girl, Ms. Princess Riebecah Clair Zafra." Sabi nung host sa party ko. Pag punta ko sa stage ay nag palakpakan silang lahat.

Ang bongga ng suot ko. Bagay na bagay sakin. Ang ganda ganda ko.

"Good day to all of you. Thank you for coming here in my Debut. I hope all of the people here love me and cared about me, right?" Sabi ko. Sumigaw naman sila ng Oo. Ang inimbita ko lang kasi ay yung mga kakilala ko at nag papahalaga sakin at nag mamahal sakin. Lumipas ang ilang sandali.

"Now let's turned to your 18th roses" so yun nga 18th roses ko na. Mga kaibigan at pinsan ko lang naman ang sumayaw sakin.

Teka! Asan si Zed? Sya yung escort ko diba? Bakit wala pa sya? Malalagot talaga ako nito kung di sya dadating.

Ngayon si Papa na ang sasayaw sakin.

"Happy Birthday anak. Mamaya ko na ibibigay ang regalo namin ng mama mo ha. Ang ganda mo ngayon." Sabi ni papa.

"Ay! Ngayon lang po ba ako maganda?" Tanong ko at nag pout.

"Syempre hindi. Lagi lagi kang maganda, mana ka kaya samin ng mama mo!" Natawa kami sa sinabi nya.

"Papa, tungkol dun sa kasal...." diko na natapus ang sasabihin ko.

"Anak, may dahilan kung bakit ka namin ipapakasal" seryoso nyang sabi.

"Pero pa, sinabi ko na sainyo diba? May boyfriend napo ako, may mahal po akong iba." Sabi ko.

"Anak please, birthday mo ngayon, wag mo na nating isipin yun, okay?" I sighed, tumango nalang ako.

Teka! Bakit pang 16 palang si papa? Bakit dalawa ang sobra? Natigil ako sa pag iisio ng may biglang pumasok. Wow! Ang pogi nya ngayon ha. Bakit siya na late?

"Sir, may i dance your daughter?" Tanong nya kay papa, tumango naman si papa at umalis na.

"Bakit ngayon ka lang?" Seryoso kong tanong.

"May pinuntahan lang ako. Anyway, Happy Birthday!" Sabi nya. Nag 'tss' nalang ako.

Pang 17 palang siya.

Sino yung isa?

Hayyss, o baka naman wala talaga yung isa, tsk wag ko nga isipin. So nag sasayaw lang kami ni Zed ngayon. Habang mag tugtog.

It's not the flowers
Wrapped in fancy paper
It's not the ring
I wear around my finger

Ang pogi pogi nya. Nakakainis.

There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me
Here beside me

Nag usap lang kami ng mga ilang bagay bagay. As usal di sya ngumingiti. Pinipilit ko sya pero wala e. Ayaw nya talaga.

So you could give me wings to fly
And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all

But I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all

Naloka ako sa kanta. Tapos binigyan ako ni Zed ng regalo. Kwintas! Ang ganda-ganda bagay sakin. Silver sya  tapos may naka lagag na MINE. Yiee kinilig naman ako. Kahit alam kong isa yun sa mga plano nya. Pero diko naman alam na mag regalo sya sakin.

In your arms
I found a strength inside of me
And in your eyes
There's a light to guide me
I would be lost without you
And all that my heart could ever want
Has come true

You could offer me the sun, the moon
And I would still believe
You gave me everything
When you gave your heart to me

Ihhh. Nakaka-inlove si Zed. Pero di ako pwedeng mainlove na naman. Alam kong posibleng mahulog ako sa kanya. Pero pipilitin kong hindi dahil, sasaluin nya ba ako? Diko alam, kaya mas mabuting wag na, tinatamad ako.

I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all

Natigil kami  ng may biglang pumasok na naman. At...at....at... nakita ko siya.

Hindi ako pwedeng mag kamali,

Paanong....? Bakit....?

Bakit sya nandito? A-anong...?

"Hi Princess, how are you? Long time no see!" Sabi nya nung makalapit siya samin.

OH MY GOSH!!

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon