"Lei will going to be here in a minute" mapangiti ako sa sinabi ni Zed. Excited na akong makita yung babaitang yun! Ewan ko ba! Siguro ganun talaga.
"Kain muna tayo Zed" sabi ko. Ngumiti siya at nag-paalam na bibili lang ng pagkain. As usual, nandito na naman kami sa caf. Syempre nandito din yung mga kaibigan namin. Sila pa ba? Si Ethan? Ayun, nag ce-cellphone. Si Brie? Malayo kay Neo. Naka-upo siya malapit sa'kin. Hindi ko alam kung anong nangyari. May ginawa na naman sigurong kalukohan si Neo. Tsk! Si Neo? Ayun, naka-pout. Kanina pa siya sorry ng sorry kay Brie pero hindi naman pinapansin ni Brie. Si Zyril? Ayun nagbabasa na naman ng libro. Bigla 'kong naalala yung itatanong ko sa kanya.
"Zyril" tawag ko.
"Hmm?" hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa librong binabasa.
"Anong binabasa mo?"
"Libro" napa-poker face ako bigla. Namilosopo ba naman! 'Tong babaeng 'to talaga.
"Alam 'kong libro yan! Ang ibig kong sabihin ay anong pamagat?" tinignna niya ako ng walang gana.
"Ayusin mo kasi" aba't! Iba na si Zyril ah! Nagsisimula nang mag-bago!
"Ano nga pamagat?" ayaw pa kasi sabihin!
"Pretending Couple" nanalaki ang mata ko. Tinignan 'kong mabuti ang libro. Oo nga noh? Bakit ngayon ko lang napansin yun? Lumapit ako sa kanya. Wala pa si Zed. Ang haba kasi ng pila e! Lunch kasi!
"Seryoso ka?" tanong ko. Binabasa niya talaga ang Pretending Couple? Edi, magkaparehas pala kami!
"Hindi. Nag jo-joke lang ako" sinamaan ko siya ng tingin.
"Isa pang pam-babara mo. Susunugin ko yang librong hawak mo" pananakot ko. Pero hindi ko naman talaga susunugin yun! Ang ganda kaya nun! Umirap siya.
"Oo nga! Bakit? Ano 'bang meron?" may regla ata 'tong si Zyril. Ang sungit e!
"Nagbabasa din kasi ako nyan." naka-ngiting sabi ko. Tumingin siya sa'kin ng hindi maka-paniwala.
"At kailan kapa nagbabasa ng libro, ha?"
"Simula nang mabasa ko yan" turo ko sa librong hawak niya. Inirapan lang ako bruha.
"Ahhh"
"Kailan kapa naging walang kwentang kausap?" nag-tatakang tanong ko. Parng ibang-iba siya ngayon.
"Paano mo nasabi na wala akong kwenta?" nakataas ang kilay na tanong niya pabalik. Ay, ang taray!
"'Di nga? Anong nangyayari sayo?"
"Wala naman" sabi niya at binalik ang tingin sa librong binabasa.
"Okay sabi mo e" sabi ko nalang. Kilala ko siya. Hindi siya pasalita sa mga nangyayari sa kanya. Kaya hahayaan ko nalang. "Anyway, anong part kana pala jan?" tanong ko. Gusto ko lang kasing malaman. Wala pa naman si Zed. Ang tagal din ng lalaking yun e! Pero, alam ko namang na traffic lang yun. Akala ko hindi niya ako sasagutin, pero buti nalang sinagot niya.
"Dun na ako sa part na muntik na silang mag-break" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Muntik na silang mag-break?" gulat na tanong ko. Grabe naman yun. Tumango siya.
"Yung babae kasi e!"
"Pero---"
"HI, RIEBECAH!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. At nakita ko ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Nakangiti siya ng malapad sa'kin. Nang makalapit sa'kin ay hinala niya ako patayo at niyakap. "Na-miss kitang bruha ka" sabi niya habang naka-ngiting aso. Kumalas ako sa yakap niya. 'Tong babaeng 'to!
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...