Chapter 43

57 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Dahan-dahan 'kong minulat ang mga mata ko.

Nasan ako? Hindi pamilyar sa'kin ang kwartong 'to? At ang kama, ngayon ko lang 'to nakita. Inalala ko ang nangyari, kung paano ako napunta dito?

Oo nga pala, may dumukot sa'kin! Dali-dali akong tumayo. Nataranta ako. Anong oras na?! Nag-hihintay si Zed sa'kin! Bakit ako nandito?! Tumakbo ako papunta sa pinto, pero hindi pa ako nakarating dun ay agad akong napatigil. Napatingin ako sa paa ko. Naka-kadena ang binti ko. Kina-dena ako sa kama. Napatingin din ako sa kamay ko, ngayon ko lang napansin, may kadena din ang kamay ko.

Unti-unting nanubig ang mga mata ko. Pero bago pa ito tumulo ay pinigilan ko na nung may bumukas ng pinto. Iniluwa nun ang isang lalaki. Malaki ang katawan niya. Halatang hindi ko siya kaya. May dala siyang baril sa gilid ng pantalon niya. Lumapit siya sa'kin. Napalunok ako. Sino ba siya? Alam 'kong natatakot na ako, pero imbes na ipakita sa kanya ang takot ko ay lakas loob 'kong sinalubong ang tingin niya.

"Who are you?! Where am I?!" sigaw ko sa kanya. Nagdilim ang mukha niya. Muli akong napalunok.

"Hoy, babae! 'Wag mo'kong ing-glishin at sigawan!" sigaw niya rin pabalik. Kumunot ang noo ko.

"Hindi ka nakaka-intindi ng English?" tanong ko. Kumamot siya sa batok niya. "Sige tatalogin ko, asan ako? Sino ka?"

"Tanga ka?! Iniri ako!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Yuck! Talsik laway!"

"Manahimik ka na nga lang!" sigaw niya ulit. Kaderi kasi talaga eh! Talsikan ba naman ako ng laway sa mukha?!

"Bakit nandito ako?! At sino ka nga?!"

"Malamang ako ang kumid-nap sayo! Uso mag-isip!" aba't! Pilosopo si kuya!

"Oo nalang!" sinamaan niya ako ng tingin. Sira ulo din pala 'to eh!

"Mananahimik ka o tatakpan ko ng tape yang bunganga mo?" banta niya. Muli na naman akong kinabahan. Ayoko nun!

"Marunong ka pala mag-english eh!" sabi ko nalang sa kanya. Para change topic.

"Asan yung english dun?" masungit na tanong niya.

"Yung tape."

"Eh, hindi ko alam tagalog nun eh!"

"Naks!"

"Alam mo? Kung hindi kapa talaga tumahimik diyan, tatakpan ko na talaga yang bibig mo!" inirapan ko siya. Paepal.

Asan ba kasi ako? Hinahanap na ako ni Zed. Nag-aalala na yun. Anong gagawin ko? Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinukot. Kung siya lang mag-isa, baka manghihingi siya ng ransom. Pero naalala ko kanina, marami sila. Nakita ko nung pinasok nila ako sa Van. Posible 'bang pinadukot ako? I mean, may nag-utos sa kanila?

Pero sino?

"Bakit ang ingay diyan?!" perehas kaming napalingon sa nagbukas ng pinto. Isang lalaki ulit ang pumasok. Pereho lang silang malaki ang katawan. Napangiwe ako. Lalong hindi ko kakayanin ang isang 'to.

"Ito kasing babaeng 'to ang ingay! Gusto ko na nga siyang sampalin eh para manahimik pero pinipigilan ko lang ang sarili ko."

"Dapat lang na pigilan mo ang sarili mo, wala pang sinasabi si Boss na gagawin natin sa kanya. Kaya maghintay muna tayo." Boss? So, may nag-utos sa kanila. "At ikaw babae ka, manahimik ka kung ayaw 'mong mamatay ngayon din." sabi sa'kin.

"S-sino ba kayo? Anong gagawin niyo sa'kin?" they both smirk.

"Hindi mo na kailngang malaman kung sino kami, mamamatay karin naman. Tignan natin kung anong ipa-gagawa ni Boss." sabi nung pangalawang pumasok. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mamamatay ako? Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Natatakot ako. Zed, asan ka ba? Lumipat ang tingin ko sa pinto nang may bumukas na naman.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon