Chapter 50

66 7 1
                                    

"Riebecah, where have you been? And why the hell are you drunk?" tanong sa'kin ng taong nakasalubong ko. Nakayuko akonkaya hindi ko makita ang mukha niya.

Pagkatapos akong hiwalayan ng gagong lalaking yun at maligo sa ulan ay umuwi ako sa bahay na panay tulo parin ng mga luha ko. Ikaw ba naman iwan ng dalawang taong pinaka-importante sayo ay hindi ka iiyak?

Oo, sinabi ko at nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iinom ulit. But can you blame me? The two person I love left me.

And I believe that, promises are meant to be broken.

Nagbihis ako at pumunta sa Bar. Sa BA's Bar. Kung saan akala ko totoo ang lahat. Na akala ko, sa lugar na yun, naging totoong kami. Ininom ko ang mga alak na magpapalasing sa'kin hanggang sa makalimutan ko muna pansamantala yung sakit.

Bakit niya kasi ginawa sa'kin yun? Mahal na mahal ko lang naman siya. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya, walang iwanan.

"Pumunta siya sa Bar ko kanina. Umiinom. I know her, she won't drink even if Tito died. I know something is with her, but she didn't told me." sabi ni Bryce dun sa lalaking nagtanong kung saan ako galing. Akay-akay niya ako ngayon. Naka-akbay ang kanang braso ko sa kanya habang yung kaliwang braso niya naman ay nakapulupot sa bewang ko.

BA's Bar. Bryce Azores's Bar. Sa kanya. Kay Bryce. Sa Bar niya nagsimula ang putanginang pangyayari yun.

Lasing na ako nung lumapit siya sa'kin. Hindi siya nagsalita kahit sobrang pagdradrama yung ginawa ko, habang umiiyak parin. Ang alam niya kang kaya ako nagkakaganun ay namatay si Papa. Pero hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa sapilitan niya akong inuwi—dinala niya pala ako sa funeral kung nasan si Papa, kahit ayoko pa. Kahit gusto ko pang magpakalasing.

"Hey, Riebecah. Do you still know who I am? Do you recognize me?" tanong nung lalaki. Inangat ko ang mukha ko at tinignan siya ng mabuti. Matangkad. Maputi. At alam 'kong gwapo siya. Medyo nakapikit ako habang sinusuri kung sino siya pero nakilala ko parin. Nandito pala sila.

"Rexzel, it's you! Hi, long time no see." I said. Kumalas ako kay Bryce at niyakap si Rexzel habang tumutulo na naman yung mga luha ko. Kanina lang tumigil siya, pero ngayon ayan na naman.

Niyakap niya ako pabalik at hinagod-hagod ang likod ko. Humihikbi ako. "Shhh. Come on, cheer up. We don't want to see you like this. You're strong. You can do this. We can do this."

For all those years with no communication, they came back. Kaya gusto ko din silang nandito dahil masaya ako kapag kasama ko sila. Pero hindi ko magawa yun ngayon. Bumalik sila kung kailan wala na si Papa. Kung kailan hindi ko alam na magiging masaya pa.

"I-I don't think so, Rex." I said between my sob.

Pasuray-suray akong naglakad kung nasan ang kabaong ng Papa ko. Ang sakit isipin na wala na siya. Na hindi ko na siya makakasama  kahit kailan.

Muntik na akong matumba dahil nanghihina ang mga tuhod ko at hindi rin malinaw ang paningin ko sa pinaghalong hilo at sa mga luha na tunutulo sa aking pisngi dahilan para manlabo ang paningin ko. Kung hindi lang ako inalalayan agad ni Rexzel ay malamang ay natumba na talaga ako ng tuluyan.

"Let me help you."

"No. I can do this."

Nung nakatayo na ako ng maayos ay naglakad ulit ako. Ramdam ko ang tingin nila sa'kin. Tila pinagmamasdan ang bawat galaw na aking gagawin. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang. Nang sa wakas ay nakarating na ako ay agad akong napahawak sa kabaong niya nung manghina na naman ang mga tuhod ko.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon