"Oh, ano na namang mukha yan ha Riebecah?" tanong sa akin ni Brie.
Nandito kami ngayon sa may canteen. Tahimik lang akong kumakain.
Iniisip ko yung nangyari nung isang araw. Iniisip ko kung paano tumawa at ngumiti si Zed sa iba. Hindi ko maiwasang mainggit kay Lei dahil sa paraan ng pag tingin at pag tawa ni Zed sa harap niya. Sa akin kasi hindi ganun eh. Iba.
Kahapon hindi ako nag pakita kay Zed. Hindi ko rin alam sa sarili ko, kung bakit ko yun ginawa. Siguro dahil, hindi ko alam ang gagawin ko? Dahil mas lalo ko lang ma realized na, walang katotohanan ang lahat? Na lahat ng nangyayari sa amin ay purong pagpapanggap? Na hindi ko alam kung mag kakatotoo ba?
Walang sagot.
Alam ko na yun!
"Ayos ka lang ba?" tanong naman ni Zyril.
"Oo naman" sabi ko at pilit na ngumiti.
"May sakit kaba? Bakit ganyan ang itchura mo? May problema kaba? Sabihin mo lang samin, makikinig kami" sabi niya.
Na-guilty tuloy ako. Nitong mga nakaraang araw, lagi daw akong balisa. Grabeh, ganun ba ka lala ang epekto sakin ni Zed. Ang daya naman! Dahil sa mga kinikilos ko, na-aapektuhan ang mga kaibigan ko. Hindi ako nakakasama sa kanila dahil umiiwas ako. Niinis ako sa sarili ko. Bwisit na Zed nayan!
"Okay nga lang ako, ano ba kayo?" sabi ko nalang.
"Alam naming may problema ka. Sabihin mo lang samin kung handa kana, okay?" tumango ako at ngumiti.
"Malapit na tayong grumaduate, anong plano niyo?" tanong bigla ni Brie.
"Dun ako mag-aaral sa Zalsos University" sabi ni Zyril. Kung ganun, parehas pala kami.
"Ako rin. Ikaw Riebecah?" tumango ako.
"Dun din ako" nakangiting sabi ko. Ang mga magulang ko ay dun nag aaral dati at sabi nila maganda daw dun, kaya gusto ko na rin mag aral dun.
"Anong course ang sayo?"
"Education" sabi ko.
"Ako, gusto 'kong maging.....diko pa alam eh" agad na binatukan ni Zyril si Brie. Nag-iisip, wala naman palang maisip.
"Ang tagal naman nila!" reklamo ni Zyril, dahil napakatagal bumalik ni Ethan at Neo. Hintayin daw namin sila, wag daw kaming aalis dito sa canteen, kung wala pa sila. Mga sira-ulo lang? May kukunin lang daw pero ang tagal-tagal!
"Hahahahaha! Are you staying here?" natigil kami ng marinig si Neo. Tumingin kami sa may labas at nakita namin si Neo kasama si Ethan, Zed at Lei. Bigla ko na naman naalala nung isang araw. Ugh!
"Im not really sure" nakangiting sabi ni Lei habang nag lalakad sila papasok. 'Tong babaeng 'to, lagi nalang nandito sa school. Bakit ba 'to pinapsok dito? Eh di naman siya nag-aaral dito?
"Why not? C'mon, we will miss you" parang batang sabi ni Neo.
"Yeah" pag sang-ayon ni Zed. Tsk.
"I just didn't know" sabi niya.
Pag pasok nila napatingin ako sa mga kaibigan ko. Anong iniisip ng mga 'to at ganito ang mga mukha nila habang nakatingin sa mag kakaibigang nasa harapan namin?
"Hi!" masayang sabi sa amin ni Neo.
"Brie!" agaw pansing tawag ng lalaki kay Brie. Nang makalapit ito, ay saka ko lang napagtantong si Gavril pala ang lalaking yun. Nawala ang ngiti sa labi ni Neo ng makita niya si Gavril.
"Oh Gav, ang aga mo ata?" natatawang sabi ni Brie.
"Yeah, i don't want you to wait for me" nahihiyang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Acak[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...