Wala na akong ibang ginawa sa araw-araw kundi ang mag-aral. At ganun din si Zed. Marami ring projects na kailangang gawin at i-review. Minsan nga late na akong natutulog. God..dinaig ko pa ang nag-aaral sa Law school sa pagpupuyat. Kailangan ko kasi talagang pumasa. First year palang ako ngayon, pero nahihirapan na ako, paano pa kaya kapag second year na ako? Edi, mas mahirap yun. Pero ayoko munang isipin, dahil mas lalo lang akong made-depress.Sa mga nagdaang araw ay bahay at school lang ang pinupuntahan ko. Hindi naman ako na bo-bored kasi pumupunta din naman si Zed. Minsan nga, sabay pa kaming mag-aral. Ang perfect lang! Kapag nauuna siyang matapos sa ginagawa niya ay hinihintay niya pa ako tapos sabay kaming kumain. Minsan din hindi, dahil may kailangan pa siyang ibang aasikasuhin maliban sa'kin. Ang talino naman kasi nang lalaking yun at ang sipag pa!
"Mukhang problemado ka ah?" napatingin ako kay Mark nung magtanong siya. Medyo mas nagiging close ko siya nitong mga nakaraan. Kapag kasi wala yung proof ko ay pumupunta ako sa library ng law. Hindi kasi maingay dun. At nakikita ko siya dun kaya minsan sabay narin kaming nag-aaral. Pero hindi pa siya kilala ni Zed. Hindi niya pa ata nakikita eh.
"Ah, marami lang akong iniisip. Ang dami ko pang i-rereview. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog."
"Ako rin eh. Gusto ko nang matulog. Ang dami din kasi naming ginagawa. Dumadagdag pa yung recitation namin na nakaka-kaba palagi" sabi niya. Narinig ko rin dati na mahirap talaga sa Law. Ewan ko ba kung bakit nakakakaya yun ni Mark. Naglalakad kami ngayon sa hallway. Mamaya pa ang class ko at sa kanya rin. Nakasanayan na namin na maglakad lakad. Hindi ko kasama si Zed ngayon dahil busy din siya sa pag-aaral niya.
"You really like Law, you know?"
"Yeah. I want to be a Lawyer someday" nakangiting sabi niya. Halata sa mga mata niya na masaya siya.
"Don't worry. Mangyayari yan" proud 'kong sabi sa kanya. Sa talino at sipag ba naman niya, ay paniguradong magiging abogado talaga siya.
"Thank you. You will be a teacher too" I smiled at him.
"Anyway, saan ko nga pala kukunin ko yung libro na gutso 'kong hiramin sayo?" May hiniram kasi ako sa kanya na libro. Nakita 'kong binabasa niya yun, eh mukhang maganda kaya hihiramin ko. Hindi niya pa kasi pinahiram sa'kin nung araw nayun kasi hindi pa daw niya tapos. Eh, ngayon mukhang tapos na kaya hihiramin ko na.
"A-ah, sasabihin ko nalang sayo mamaya" sabi niya. Ngumiti ako at tumango.
"Okay. Akin na yung number mo"
"H-ha?"
"Yung number mo akin na" ulit ko.
"B-bakit?" natawa ako sa reaction niya. Parang siyang tanga na ewan.
"Number mo, para ma text kita kung anong oras mo pwedeng ibigay sa'kin at kung saan. Ikaw nalang magdala. Tinatamad ako eh." sabi ko. Alam ko ang kapal ng mukha ko para humiling sa kanya na siya na ang magbigay pero pagod na talaga ako at tinatamad din.
"Okay s-sige" binigaya na niya sa'kin yung number niya. Pagkatapos ay nagpaalam na ako na mauuna na. Time na ng next class ko eh. Hindi ako pwedeng mag-cutting noh!
Pumunta na ako sa class ko at nakinig, para naman may maisasagot ako. Nakakahiya naman kung wala diba? Lunod na lunod na talaga ako sa pag-aaral kaya minsan ko nalang din nakikita yung mga kaibigan ko. Malamang busy din yung mga yun sa pag-aaral. Hindi kasi pwedeng bumagsak sa midterms dahil baka bumalik ulit kami ng first year.
Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako sa room. At pumunta ulit sa library. Syempre mag-aaral na naman ako. Mamaya pa naman matatapos ang klase ni Zed eh, kaya mag-aaral muna ako. Sayang yung oras. So nag-aral lang ako nang nag-aral. Basa ng ganito, basa ng ganiyan. Hindi ko na namalayan gabi na pala. Ang bilis ng oras at ang araw. Bakit hindi pa nag tetext si Zed? Hindi parin ba tapos ang klase nila? Ako na nga lang ang mag-text.
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...