Chapter 35

92 10 0
                                    

"Kamusta na si Ethan at Neo?" tanong ko kay Zed. Papunta kami ngayon sa room ko, dahil ihahatid niya ako. Nahirapan pa siyang lapitan ako kanina dahil baka daw ibato ko sa kanya ang sapatos ko. Inis na inis ksi ako sa kanya! Dapat ako yung unang maka-alam na nakabalik na siya diba? Dapat ako yung unang sinabihan niya at pinuntahan niya! Pero hindi! Ako yung huli! Bwisit!!

"Nandun sa clinic. Ikaw kasi!" paninisi niya. Medyo hindi pa ako sanay sa pagtatagalog niya, pero okay narin.

"Anong ako? Dapat ikaw yung nandun eh, hindi sila!" naiinis na sabi ko. "Kung hindi mo sila dinamay"

"Eh, babatuhin mo'ko eh. Malamang ayokong matamaan ng sapatos mo"

"Akala mo kasi, okay lang na ako yung huling maka-alam na nagbalik ka na. Hindi mo inisip na naghihintay ako sayo ng dalawang linggo, at nag-iisip kung kailan ka babalik. Yun pala, kahapon pa" sabi ko.

"Sorry na nga eh" sabi niya at niyakap ako patagilid. "I promise, if that will happen again, ikaw ang unang makaka-alam"

"Paano ako nakakasigurado?" Malay ko ba kung niloloko lang pala ako nito!

"I promise" nakangiting sabi niya. Napangiti nalang din ako. Mahal ko talaga siya! Sana ako rin, mahal niya. Hihintayin ko yung araw na yun. Na sa wakas ay masasabi 'kong akin na talaga siya, pati ang puso niya.

"Sige, punta kana sa class mo! Okay na ako dito!" sabi ko nung malapit na kami sa room ko. Kunting lakad nalang. Ayoko nang tumuloy pa na kasama siya dahil baka makita siya ni Mievan.

"Okay, wait me later okay? Take care. Bye" hinalikan niya muna ako sa pisngi tapos ay nagsimula na siyang lumakad paalis. Sinundan ko muna siya ng tingin at nung mawala na ang bulto niya at nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko. Napatigil ako nung may nakabangga sa'kin.

"S-sorry" sabi niya habang pinupulot yung papel na nahulog niya. "H-hindi kita napansin. N-nag mamadali kasi ako" kilala ko yun boses niya.

"Mark?" nag-angat siya ng tingin. At tama nga ako. Siya nga si Mark. Tinulungan ko siyang pulutin yung mga papel.

"Ayos lang" sabi ko.

"Sorry talaga" sabi niya.

"Ano pala yan?" tanong ko. Ang dami kasi.

"Ahm, report ko" sabi niya. Tumang-tango ako.

"Ang sipag mo pala" sabi ko. Nagsimula kaming maglakad, malapit na man na yung room ko.

"Bakit ka nga pala tumakbo kanina?" nahihiyang tanong niya.

"Ahh yun ba? Bumalik na kasi yung taong mahal ko" ngiting-ngiting sabi ko. Napatitig siya sa'kin.

"May boyfriend kana pala" bulong niya.

"May sinasabi ka?" kunot-noong tanong ko. Umiling-iling siya.

"Ah, wala. Sige una na ako, bye" sabi niya at nagmamadaling umalis. Anyari dun?

Binalewala ko nalang at tuluyan nang pumasok sa room. At usual, nakita ko na naman si Mievan na nakatingin sa'kin. Feeling ko talaga hinihintay niya ako lagi kapag pumapasok ako. Pero iba ngayon, hindi siya nakangiti sakin kasi ang talim ng tingin niya. Mukhang hindi parin siya nakapag move on dun sa'min nila Lei. Hindi niya siguro tanggap. Malamang, sino ba ang gustong maging kaibigan siya? Ang pangit kaya ng ugali niya. Iba naman yung akin, kasi nagbago naman na ako. Pero siya? Ewan ko! Nagtataka nga ko kung bakit na in loved sa kanya si Zed eh.

Sabi ni Zed niya nung tinanong ko sa kanya kung ano yung gusto niya sa isang babae, sabi niya...

"Of course, a kind woman" kind ba si Mievan? sabi niya pa. "Beautiful inside and out" sa out, oo maganda si Mievan, but inside? I don't think so. Ito pa, "A woman who cared about the people around her. Woman who respect the feelings of others. Woman who believes in God and love him, and of course her family more than anything. Basta yung lahat nasa kanya" natawa ako nung naalala ko yung sinabi niya. Ideal girl yung tinanong ko, tapos woman yung sinagot niya.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon