"Oh yan! Ubusin mo!" sigaw ko sa kanya.
"What the hell Rie? Ang dami!" reklamo niya.
"Dapat lang yan sayo!" sabi ko. Sumimangot ang mukha niya at nagsimulang kumain. Ang cute.
"Ano ba kasing ginawa mo Zed at mukhang inis na inis si Riebecah sayo?" tanong ni Brie kay Zed. Nakasimangot na tumingin sa kanya si Zed.
"I was just asking her yesterday na sabay kaming maligo" nanlaki ang mga mata ni Zyril at Brie dahil sa narinig. Ako naman ay namula. Pagkatapos ko kasing maligo kahapon ay umuwi ako agad sa bahay at hindi nagpakita saa kanya mag-hapon. Naiinis ako! Kasi kinikilig ako! Ang unfair!
"TINANONG MO YUN?!"napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ng mga baliw 'kong kaibigan. Napalingon tuloy sa'min yung busyng si Neo na katabi ko na napapagitnaan namin ni Brie at si Ethan na katabi ni Zyril na napapagitnaan ni Zed, pati narin yung ibang estudyante na nadito sa caf. Baliw talaga!
"Oo" nagkatinginan si Zyril at Brie sabay sabing....
"Ito pa ubusin mo!" na ikinabusangot lalo ng mukha ni Zed. Yan ang mga kaibigan ko!
"Pumayag kaba Riebecah?" napalingon ako kay Neo dahil sa tanong niya.
"What the hell?! Of course not!" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Dapat pumayag ka" sabi niya sinamaan ko siya ng tingin. "Diba Zed?" tanong niya pa kay Zed at ang tukmol napangise. Ano bang nangyayari sa kanila. Mabuti nalang si Ethan ay napa-iling nalang sa mga ka gaguhang pinaggagawa ng mga kaibigan niya. Nainis ako bigla kay Neo. At dahil katabi ko siya at nanonood siya sa Cellphone niya ay bigla akong napaisip. Tignan natin ngayon kung hindi ako makaganti sayo!
"Oh my God! Are you watching pornography Neo!?" sigaw ko. Sakto lang para marinig ng mga kaigan ko. Nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa'kin. Lihim akong natawa sa itchura niya dahil ang epic haha!
"What the hell Riebecah?!" sabi niya. Nagpapanic siya kasi ang sama ng tingin sa kanya nila Zyril. Lalo na si Brie. Lagot ka!
"It's that true Neo?" matigas na tanong ni Brie. Haha!
"Ha-ha! Of course not!" sabi niya at tumawa pa talaga na made in china. Peke!
"Let me see" lihim akong nagdiriwang sa nangyayari sa kanya. Ang dilim ng mukha ni Brie habang nakatingin sa kanya. Napatingin sa'kin si Neo at sinamaan niya ako ng tingin. Wala ka nang kawala ngayon. Haha! Hindi naman kasi talaga porn yung pinapanood niya kundi Oggie and the Cockroaches! Tumingin siya kay Brie.
"Ha-ha-ha! H-hindi na kailangan Brie" sabi niya. Ang saya talaga tignan ng mukha ni Neo ngayon. Pinagpapawisan siya. Kawawa naman!
"Let. Me. See" namutla si Neo dahil sa boses ni Brie. Ngayon ko lang ulit nakita yung ganitong side ni Brie. Nagbago na nga kasi siya nung makilala niya si Neo nun diba? Wala nang nagawa si Neo at dahan-dahang binigay ang cellphone niya. He glared at me and mouthed 'Humanda ka sa'kin' pero binelatan ko lang siya. Isusumbong ko siya kay Brie kapag may gawin siya sa'kin haha! Ewan ko kung anong nangyari sa kanila! Isang araw, nakita ko nalang nun na, habang nagsasalita si Brie ay nilalaro ni Neo yung buhok niya habang nakangiti. Nung una naweweirduhan ako. Hanggang sa nalaman ko nalang na nililigawan ni Neo si Brie. Oh diba? Sinong mag-aakala nun?! Eh, lagi kaya silang nag-aaway. Mukhang nakalimutan na nga siguro nila yung 'Kahit siya nalang yung matitira sa mundo ay hinding-hindi ko siya magugustuhan' pero duhh! Obvious kaya!
Tinignan ko yung reaction ni Brie habang naka tutok ang mata sa cellphone at pinapanood yung pinapanood ni Neo. Seryoso ang itchura niya. Si Neo naman yung tinignan ko, namumula siya sa kahihiyan sa lahat at galit para sa'kin. Haha! Binalik ko yung tingin ko ay Brie at nakita 'kong pinasa niya kay Zyril, tapos pinasa ni Zyril kay Ethan at pinasa naman ni Ethan kay Zed, pagkatapos ay pinasa ni Zed sa'kin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko na mapigilan. Lalong bumaon ang ngipin ko nung pinasa ko pabalik kay Neo ang cellphone niya. Nagkatinginan kaming lima at lang sandali ang nakalipas at sa wakas lumabas na. Hindi lang ako, kundi kaming lahat!
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...