Chapter 10

123 13 0
                                    

Kanina pa sila umiinom, lasing na nga ata eh. Pero mukhang sanay naman sila. Ang lakas ng buhos ng ulan, wala pa naman akong payong.

"Langya kang ugok ka! Bakit mo siya pina-alis?!" Sigaw ni Brie kay Neo. Mukhang pinaalis na naman ni Neo yung lalaking kasayawan ni Brie. Pangatlong lalaki na yata yun eh. Sa tingin ko ay pinag bantaan ni Neo kaya umalis haha! Kunti nalang talaga, iisipin ko ng may gusto siya kay Brie, pero sorry nalang siya. Si Brie kasi ay matagal ng patay na patay kay Gavril, sikat rin sa school namin, isa sa mga miyembro ng isang banda sa school, napakagwapo, matalino at talented pa kaya hindi na ako nag tataka.

"Excuse me ha, hindi ko siya pina-alis, kusa siyang lumayas, ayaw ka kasi niyang makasayaw!" sigaw ni Neo pabalik.

"Ikaw nalang kaya ang lumayas?! Bakit kasi nandito kang ugok ka?!" Inis na sigaw ni Brie. Medyo malakas din kasi ang tugtog kaya kailangan talagang sumigaw. Pero ang lakas talaga.

"Alangan! Kaibigan ako ni Zed, baka nakakalimutan mo?" Sagot ni Neo.

"Che! Lumayas ka nga sa harap ko, ayaw kitang makita!" Sabi ni Brie.

"Ayaw rin kitang makita" sabi naman ni Neo. At sabay silang nag lakad ng magka opposite direction. Haha para silang aso't pusa, simula nang mag kakilala sila, lagi nalang silang nag-aaway, hindi sila nag-kakasundo. Hays! Ewan ko ba, lagi nalang silang nag babangayan.

Katulad ng sa'min ni Zed. Pero sa tingin ko mas malala yung sa'min. Yung to the point na gusto ko talagang patayin yung lalaking yun.

Buti pa si Zyril at Ethan, tahimik lang silang umiinom. Hindi sila nag papansinan. Ano kayang problema ng mga yun? O baka naman, hindi lang talaga sila close.

Lumipas ang ilang oras, wala akong ginawa kundi ang panoorin ang bawat galaw ng mga tao dito sa Club. Di ako uminom, sakit lang yun sa lalamunan.

Si Zed naman ay tahimik lang din, ang lungkot na naman ng mga mata nya. Ano rin kayang problema nya? Di naman siya umiinom.

"Anong problema nya?" Tanong ko kay Ethan.

"Kay Zed ba?" Tumango ako. "Why don't you ask him? Your his girlfriend rigth?" Tanong nya pabalik.

Takte naman 'to! Nag tatanong ako tapos tatanungin rin ako pabalik? Ano yun tanungan kami? Sige ba!

"Bakit kaya 'di nalang ikaw ang mag sabi sakin? Ikaw yung kaibigan diba? Ikaw ang matagal na nyang kasama? Ikaw yung nakakaalam?" Sunod-sunod kong tanong. Hayyss!!

"I'm not in a position to tell you, it's better na ikaw nalang ang mag tanong. Or hayaan mo nalang siya." sabi nya.

Wala rin naman ako sa posisyon para mag tanong. I am just pretending. We were just pretending. 'Wag ko na nga itanong. At saka, bakit ba curious ako? Dapat wala akong paki-alam!

"Guys tara na! Uwi na tayo" Brie said. Mukhang stress na stress na siya kay Neo, tapos dumagdag pa na lasing siya, kunti lang naman, good drinker rin kasi 'tong si Brie.

"Malakas ang ulan, Brie." Zyril said.

"Wala akong paki, may payong naman tayo. At tsaka may sasakyan din tayo, nandun lang naman yun sa may parking lot." Brie said. Gusto na nya talagang umalis, mukhang ayaw na ayaw niyang makita si Neo. Sabagay  gusto ko na ring magpahinga. Ayoko na rin makita yung mukha ni Zed. Kahit pahinga muna. Sa bahay ko lang hindi nakikiya yung pagmumukha niya.

"Oo nga, umuwi na tayo nakakabwisit na dito." Neo agreed. Mukhang naiinis narin siya kay Brie. Grabeh! Ano bang problema nitong mga to? Ang laki ng galit sa isa't isa.

"Pero wala akong—"

"Fine. Tara na!" Sabi ni Zyril at mabilis na pumunta sa may pinto para lumabas, kaya sumunod nalang kami, at nung nasa may pinto na kami ay nag salita na ako.

"Guys, wala akong payong." sabi ko. Kanina ko pa talaga gustong sabihin yun.

"No problem, Riebecah." Brie said. Tapos pinakita ang tatlong payong. Teka! San galing yun? May invisible big bulsa ba sya?

"Bakit tatlo lang?" Tanong ko.

"Sorry, yan lang kase ang napadala eh, hehe." sabi nya.

Kinuha ni Zed yung isa. At mabilis rin na kinuha ni Ethan ang isa.

"Okay Zyril, share na ta—" hindi na natapos ang sasabihin ni Brie dahil agad na kinuha ni Neo ang natirang payong na hawak nya. So ang mag hawak na ng mga payong ngayon ay si Zed, Ethan at Neo. Okay paano na ako ngayon?

"Hoy! Akin na yan. Share kami ni Zyril eh!" Sigaw ni Brie habang pilit na inaagaw ang payong na hawak ni Neo.

"Tara na Zyril." sabi ni Ethan at hinila si Zyril palabas.

"Umalis na sila. Wala kanang magagawa." sabi ni Neo habang naka-ngise, kaya napatigil si Brie at naiinis na naman.

"Fine, let's go!" Sabi ni Brie, at bago pa sila makalabas ay nag salita muna ako.

"Wait!! What about me? Kanino ako sasa—"

"Bye sa inyo. Zed ingatan mo si Riebecah ha? Dapat maayos yan maka-uwi, haha!" Sabi nya at nag laho na sa harap namin.

Okay kami nalang natira. Bakit ba kasi ang lakas ng ulan? At bakit nga ba 'di ako nag dala ng payong? Ayoko pa naman sanang maki-share. Mas lalong ayoko sa kanya maki-share.

"So, where going to share, I guess?" Sabi ni Zed.

"Ano pa nga ba?" Napipilitan kong sagot. Lumabas na kami at tumambad sa amin ang pagka-lakas lakas na ulan. Bakit ba kasi siya kumanta pa? Ayan tuloy umulan! Kasalanan niya talaga eh. Tsk!

Nilalamig na ako. Di kasi talaga ako sanay sa ganito eh. Mabilis akong lamigin. Napansin siguro ni Zed na nilalamig ako, kaya inakbayan nya ako, nagulat naman ako dahil dun.

"A-nong ginagawa mo?" Utal-utal kong tanong.

"Stay. So you can feel my warm." bulong niya, sakto para marinig ko. Bigla naman akong namula, kaya agad ko siyang tinulak. Nabasa ako dahil medyo nalayo ako sa kanya, siya kasi may hawak ng payong, kaya ayun!

"Riebecah, come here. You'll be wet!" sigaw nya. Kailangan kasi talagang sumigaw dahil sa lakas ng ulan.

"Ayoko. Bala ka diyan!" Sigaw ko pabalik.

"Riebecah! I said come here!" Naiinis niyang sigaw. Lumapit ako ng kunti sakto para di ako mabasa. Naiinis ako sa kanya! Naiinis din sya sakin.

'Di mag inisan kaming dalawa!


Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon