Chapter 23

98 9 0
                                    

Pa talon talon ako habang nag lalakad ngayon. Parang ang saya saya ko sa araw nato.

Kapag naaalala ko yung pag-uusap namin kahapon, napapangiti ako. Ewan ko ba ang lakas talaga ng epekto niya sakin. Hindi ko matatago sa sarili ko na gusto ko siya.

Pero natatakot talaga ko! Paano nga kung hindi niya ako gusto? Paano kung hindi niya ako i kra-crush back? Naks! Ang lakas maka-crush back ah!

Pero seryoso.

Paano nga? Edi masasaktan ulit ako? Hayyss life nga naman, ang unfair. Sabagay, wala namang pantay sa mundo!

"Riebecah!" napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa'kin.

"Kevin!" naka ngiting sabi ko.

"Ang saya natin ah" sabi niya.

"Kinda"

"Anong dahilan?" tanong niya habang nag lalakad kami ng sabay.

"Sa maraming dahilan" natigilan ako ng may biglang bumulupot sa bewang ko.

"Zed anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko sakanya na ngayon ay salubong ang kilay at madilim ang mukha. Ano na namang problema nito?

"She's smiling because of me" seryosong sabi niya kay Kevin.

"Okay.." awkward na sabi ni Kevin at nag aalangang ngumiti. Naka pagitna ako sa lkanilang dalawa. Ang madilim na mukha ni Zed ay hindi parin nawawala.

"Uy! Anong mukha yan?" bulong ko sa kanya. Pero sinamaan lang ako ng tingin.

"Hehe, i think i need to go" sabi ni Kevin at awkward na nag lakad paalis. Nang maka-alis na siya ay tinignan ko si Zed.

"Why are you talking to him?" masamang tingin na tanong niya.

"Bakit hindi?"

"Tss" sabi niya at nag lakad palayo. Hinabol ko siya.

"Zed, galit ka?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. Pero 'di niya ako pinansin. Snob? "Uy, galit ka nga?" tanong ko ulit pero katulad ng kanina ay hindi niya ako pinansin. Galit nga siya!

Hanggang sa makarating kami sa canteen ay hindi niya parin ako pinapansin. Nakita namin sina Zyril at kahit sa malayo ay kitang-kita namin ang masamang pag titinginan nina Brie at Neo. Nang makalapit kami sa kanila ay umupo ako sa tabi ni Ethan at sa kabila naman ay umupo si Zed.

"Hey, what's up?" sabi ni Ethan sa'kin.

"Fine" sabi ko.

"Zed, what's with that look?" tanong niya kay Zed na hanggang ngayon ay madilim parin ang mukha. Pero imbes na sagutin ay tinuon nalang niya ang pansin sa pag kaing nasa harap niya.

"Anong problema niya?" biglang tanong ni Brie pag katapos niyang makipag-bangayan kay Neo.

"Ewan ko jan, bigla nalang akong hindi pinansin"

"Ano bang ginawa mo?"

"Wala, kinausap ko lang naman si Kevin kanina" sabi ko na kinatawa niya. Kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw ata 'to!

"Baka nag selos. Ikaw kasi eh" natatawang sabi niya. Mag seselos? Bakit mag seselos si Zed? Tumingin ako sa kanya.

"Uy Zed! Anong problema?" tanong ko.

"Nothing" seryosong sabi niya.

"Pero parang meron eh" sabi ko."Ano nga?" pangungulit ko. Tumingin siya sakin at nag buntong hininga.

"I said don't talk to him, right?" sabi niya. Umawang ang labi ko. Yun ba yung kinagagalit niya?

"Pero kinausap niya lang naman ako" sabi ko. Para kaming sira na nag-uusap na para bang kami lang ang taong nasa paligid. Pero kahit ganun ay masaya ako.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon