Dalawang linggo at dalawang araw.
Wala parin siya.
Ang boring ng mundo ko. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko kung anong dahilan ng pagkawala ni Zed.
Hayy Zed!! Asan ka na ba? Miss na miss na talaga kita!
Sometimes, I love you. Sometimes, I hate you. But, there isn't a day that I don't miss you. Please come back.
Maaga pa ngayon kaya pumunta muna ako sa rooftop, para sa katahimikan. Pagdating ko dun ay dumiretso ako sa may railings. Tinanaw ko ang kabuuan ng Zalsos University. Ang lawak. Napapikit ako ng humangin ng napakalamig, pero agad din akong dumilat dahil may naramdaman ako. Hayyss Zed.
When I close my eyes, I see you. When I open my eyes, I miss you.
Napalingon ako sa pinnanggalingan ng kuluskos. At nakita ko ang isang lalaking nagbabasa. At dahil bored ako, ay nilapitan ko.
"Anong binabasa mo?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin, at hindi ko maitatanggi na ang gwapo niya.
"A-ahm..Y-yung lecture ko" bakit siya na-uutal? Bakit hindi siya makatingin sa'kin?
"Tungkol saan?" umupo ako katabi niya. Napansin kung nanginginig siya. Bakit siya ganun?
"L-law"
"Bakit ka nauutal?" hindi siya makatingin sa'kin. At hindi siya komportable.
"A-ah..H-hindi kasi a-ako sanay eh"
"Saan?"
"Na..m-may kumaka-usap sa'kin" sabi niya. Para siyang nerd na walang salamin. Sabagay, hindi naman lahat ng nerd nakasalamin. Bagay nga sa kanya yung ganyang itsura eh.
"Ganun ba? Dapat masanay kana, kasi magiging lawyer ka" nakangiting sabi ko. Napatingin siya sa'kin.
"T-talaga? M-magiging abogado ako?" tumango ako.
"Oo naman. Kaya dapat maging komportable ka sa mga kakausap sayo"
"Salamat"
"Wala yun. Halika" sabi ko at hinila siya patayo.
"A-anong gagawin natin?" natawa ako kasi bigla siyang namutla.
"'Wag 'kang mag-alala. Titignan lang natin ang kabuuhan ng University na'to"
"Ah, sige"
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Mark" tumango tango ako.
"Riebecah nga pala"
"Alam ko" nakangiti niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"Alam mo? Paano?" paano niya ako nakilala?
"Sikat ka kaya. Kaya hindi ako makapaniwalang nakakausap kita ngayon. At sabi nila, masama ka daw. Eh, parang hindi naman" ngumiti ako sa kanya.
"Grabeh naman dun sa 'masama'" Natatawang sabi ko. "Nagbago na kasi ako. Ganun ang nagagawa ng Love"
"So, nagbago ka dahil sa love?" tumango ako.
"Ang bait naman kasi nung taong mahal ko, ayan nahawa tuloy ako" natawa kaming dalawa. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko yun, at binasa ang text galing sa 'unknown number'.
"Hindi mo man lang ba ako na miss?" basa ko dun sa text. Sino naman kaya 'to? Binulsa ko nalang ulit yung cellphone ko at bumaling ulit kay mark. Baka prank lang.
"So, anong year mo na?" tanong ko sa kanya.
"First year" nakangiting sabi niya. Mabuti nalang hindi na siya nauutal.
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...