Chapter 30

79 9 0
                                    

God..I didn't know what to do!! What was happening to Zed?! Why is he always avoiding me?! Ano bang pinag-usapan nila?!

Pag-pasok ko kinabukasan, nakita ko agad yung mga kaibigan ko, pero nung nakita ako ni Zed sinabi niya agad na may pupuntahan siya! Obvious naman na iniiwasan niya ako! Naiinis na ako! Wala naman akong ginagawang masama! Talaga namang hindi ko alam na kaklase ko si Bryce!

God, he's driving me crazy!!

"Ano ba kasing problema mo?" tanong ni Zyril kanina niya pa siguro napapansin na halos mabugbog ko na yung cake na kinakain ko dito sa cafeteria kaka-tusok ko. Naiinis nga ako!

"Zyril, hindi mo ba napapansin?"

"Na ano?"

"Iniiwasan ako ni Zed!" halos sumigaw na ako. Nakakainis talaga!

"Medyo pansin ko nga. Ano bang ginawa mo?"

"Wala" sabi ko. Totoo naman!

"Hindi siya ganun sayo, kung wala kang ginawa" sabi niya.

"Wala nga! Nung lumabas na si Bryce nun sa room na hindi ko namalayan ay kinausap niya si Zed. Pagkatapos niyang maka-usap si Bryce ay hindi na niya ako pinansin"

"Wait! Kaklase mo si Bryce?" tumango ako.

"Oo, sa isang subject"

"Tapos hindi mo sinabi sa kanya?"

"Eh, hindi ko naman kasi alam!" sabi ko naman. Eh, kung alam ko sana. Edi hindi na ako pumasok sa subject na yun!

"Dapat tinext mo manlang nung nalaman mo na!" sabi niya. Dapat nga ba?

"Ako ba talaga yung mali?" I asked. Slowly she nodded. Ugh! I didn't know what to do anymore!

"Talk to him" she suggest

"But how? He always run away from me!" Lagi siyang umaalis! Kapag may pagkakataon ako, nakakagawa siya ng paraan para makalayo sakin. Ang sakit din nun! Kapag kakausapin ko na siya, iibahin niya yung usapan. Nakakapagod.

"Edi maghanap ka ng paraan para wala na siyang kawala. Hindi rin makakatiis yun. Ikaw pa! Eh, mahal ka nun!" Mahal? Seryoso? Ako, mahal ni Zed? Eh, gusto niya nga lang ako eh! Hindi na ko umimik pa at nag-isip nalang ng paraan. Buti nalang wala dito yung dalawa dahil lalo lang akong made-depress sa kanila. Napaka-ingay! Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ko....

"Nakita mo yun Ethan? Ang epic ng mukha niya diba? Parang anumang oras gusto na niyang lamunin siya ng lupa! Hahahahaha!" rinig na rinig 'kong sabi ni Brie habang papalapit silang tatlo sa pwesto namin.

"It's all your fault!" singhal sa kanya ni Neo.

"Hindi ko kasalanan yun! 'Wag mo'kong sisihin!" natatawang sabi ni Brie. Ano na naman bang problema ng dalawang 'to?!

"If you didn't say those, wala sana akong problema ngayon!" sigaw ni Neo na galit na galit.

"Sinisigawan mo ba ako Neo Dominic?"

"Hindi ba obvious Sabriena Mae?" Aatake na dapat sila sa isa't isa nung mag-salita ako.

"Bakit ba napaka-ingay niyo?! Hindi ako nakakapag-isip ng maayos eh! Mga dipungal!" sigaw ko sa kanila at malalaki ang hakbang na lumabas ng cafeteria. Mga walang hiya! Kailangan ko mag-isip tapos hindi ko magawa! Gusto 'kong manapak ngayon! Kailangan ko ng peace. Naglalakad lakad ako habang nag-iisip, mamaya pa naman yung class ko. Anong gagawin ko kay Zed? Hindi siya nakikinig!

Habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking naka-tayo malapit sa may puno at nakatingala. Anong iniisip niya? I know that guy is he. So I went closer to him without noice, and when I was his back, I hug him from behind. I know he froze for what I did, but I don't care. I want us to be okay again. I miss him damn so much!

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon