Chapter 2

178 13 0
                                    

"Riebecah Claire Zafra!"

Bored na napa-angat ako ng tingin sa pagtawag sa'kin ng Teacher namin. Kita sa mukha ko ang inis dahil naistorbo niya ako sa ginagawa ko. At sinali niya pa ang third name ko. Buti hindi niya sinali ang first name ko ha. Nakakahiya naman sa kaniya. Goodness, kung hindi lang siya, Teacher dito, pinatulan ko na siya.

I'm sure hindi siya lalaban. Takot niya lang.

"Yes Ma'am, why?" Tanong ko. But I still respect her, of course. We should respects, Teachers not just we needed to, but because they deserve it. Sadyang nasaktohan lang na wala ako sa mood ngayon kaya hindi ko mapigilang hindi siya saamaan ng tingin.

She looks so impress—not minding my glare, while holding a paper, which I assume, is mine. "Very good! Your doing well. Hindi na ako nag tataka kung bakit ikaw ang nangunguna!" She said.

I smirk. I already expected that. Alam ko naman na yun talaga ang kalalabasan.

All of them around me of applause, and I can't help but to widened my smile. "Of course Ma'am, I dont want to disappoint you." I said and smiled at her and she responed a smile also.

Great! This is really so great! Ako na naman ang nagunguna, that means, marami na namang maiinggit. And people whose insecure is bad.

Well, I'm bad. But not insecure, and I will never be.

I sighed. Hindi na sila nasanay. Dapat masanay na sila na may estudyante dito na matalino at maganda katulad ko. Hindi ako nagmamayabang pero alam ng karamihan na matalino talaga ako, at walang nakakapantay dun. Depende nalang kung mandadaya, which is I won't let it happen.

First period palang ng class year, at bored na ako agad. Kung hindi lang dahil sa mabuting balita ni Ma'am ay hindi mababawasan ng kaunti ang pagkabagot ko.

Napalingon ako sa paligid. Umalis si Ma'am saglit kaya malaya ang klaseng mag-ingay. Actually, sobrang nakakainis ang kaingayan nila. Hindi ko nalang sinaway dahil ayoko rin ng masiyadong tahimik, kasi for sure, kapag ginawa ko yun, tatahimik sila at walang magtatangkang magsalita hanggang sa matapos ang buong klase. Like, bored na nga ako tapos ang tahimik pa? That's a no.

Napasimangot ako nang hindi makita ang dalawang yun sa paligid. Nasaan na naman kaya yung mga yun? Hindi man lang ba nila inisip na, baka sa sobrang pagkabagot ko ay magwala nalang ako bigla dito? Sayang naman kung hindi makikita.

Hanggang sa bumalik na si, Ma'am wala parin ang mga anino nila. Napa-irap nalang ako. Mamaya sila sa'kin. Bakit kasi hindi nila ako sinama kung saang lupalop man sila?

Nang sa wakas ay natapos na ang klase ay bagot parin akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko. Naka-kunot ang noo kaya naman nang magsimula na akong maglakad ay agad silang gumilid. Kahit pa man hindi, gigilid parin sila. They should, kung ayaw nilang maranasan ang kaya kong gawin.

Nang nasa pinto na ako ay napansin kong may nagkukumpulan sa labas ng room, dahilan para hindi ako makalabas. Napa-kunot ang noo ko.

What the hell is happening? Bakit ang daming students dito sa labas? At nakaharang pa talaga sa mismong hallway?

Nang magsimula ng magtulukan ng hindi ko parin nalalaman kung bakit ang daming kalat sa labas. Sisigawan ko na dapat sila nang sabay-sabay na napasinghap ang karamihan.

I closed my eyes while clenching my jaw. My knuckles turned into fist and I was calming myself. Pero kanina pa talaga ako bagot na bagot at wala sa mood e.

"Ops... sorry." a woman said. I opened my eyes and looked at her, then at my uniform. Nagkulay blue ang kulay ng blouse kong natapunan niya ng blue berry juice.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon