"I'm starving" sabi ko. Kanina pa ako dito sa room, nakatunganga. Wala dito si Zed at Ethan. Kaya ang kasama ko ngayon ay si Zyril at ang dalawang napakaingay, na nag babangayan na naman. Nag-aagawan ng papel na bigay ni Gavril kay Brie.
"Give it back to me!" Brie shouted to Neo na may hawak ng papel na may sulat galing kay Gavril. Bakit nag padala ng sulat? Hindi ba uso ang text?
"Why? Oh c'mon, let me read it for you" sabi naman ni Neo, at itinaas ang sulat para hindi maabot ni Brie.
"No! I want to read it on my own!" sabi ni Brie at kukunin na sana niya ng mabilis na nilayo ni Neo ang papel, at binuklat yun.
"I'm sorry Brie, something came up, so i can't bring you out today. I'm really really sorry." basa ni Neo sa sulat na ikinasimangot ni Brie at ikinayuwa naman ni Neo.
"Sabi ko na nga ba, hindi matutuloy eh" malungkot na bulong niya, pero narinig namin. Baliw talaga!
"Uhhhh!! Kawawa ka naman. Hindi ka sinipot. Hahahahaha!" tawang tawang sabi ni Neo na ikinasama ng tingin sa kanya ni Brie.
"Tumahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" sigaw sa kanya ni Brie.
"Wala, hhahahah. Asa pa more" pang-aasar ni Neo kay Brie na ngayon ay gusto ng sumabog. Brie is about to speak, when Zyril spoke sarcastically.
"What a nice conversation, right?" sabi niya na ikinatigil ng dalawa. "Ang ganda ng usapan niyo, ipagpatuloy niyo lang, ang sarap sa tenga eh" pabalang na dagdag niya.
'Ikaw kasi' sabi ni Brie na walang boses.
'Ikaw kaya' sabi naman ni Neo at dahil dun ay nag samaan sila ng tingin.
"Isa!" naiinis na sigaw ni Zyril, sa sobrang lakas ay nabaling ang atensiyon ng lahat ng nasa loob ng room sa kanya, pero hindi niya yun pinansin at masamang nakatingin lang sa dalawa.
"Riebecah? Nagugutom kana diba?" biglang tanong sakin ni Brie nang sa wakas ay natapos narin silang mag bangayan ni Neo. Tumango ako. "Punta kana sa canteen, ikaw nalang tinatamad ako eh" sabi niya.
Tumayo ako para pumunta na sa canteen. Pagdating ko sa canteen ay bumili ako ng pag kain na alam 'kong mabubusog ako. Nag lalakad ako ng may humarang sakin, nag-angat ako ng tingin.
"Get out of his life" seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko. Ano na namang ginagawa ng babaeng 'to dito?
"I won't" malamig na sabi ko at nilagpasan siya. Naka-ilang hakbang palang ako ng mag salita siya ulit.
"Ginagamit ka lang niya!" sigaw niya. Alam 'kong ginagamit niya lang ako! Baliw 'bato? Nag gagamitan nga lang kami diba?!
"Wala akong pake" sabi ko na nakatalikod parin sa kanya. Malapit na akong mainis. Pikon pa naman ako!
"Hindi ka niya mahal, at mas lalong hindi ka niya mamahalin!" sabi niya na kinagalit ko na talaga. Nakakabwisit na'tong babaeng to ah! Lumakad ako ng mabilis sa kanya at malakas na sinampal siya na ikinasinghap niya.
"Shut up! How dare you to say that?!" inis 'kong sabi. Natigilan ako ng may biglang lumapit sa kanya, at nang tumingin iyon sakin, na ikinagulat ko.
"Shit! Riebecah, why did you do that?" tanong sakin ni Ethan.
"It's none of your Bussiness" seryoso 'kong sabi, at tinago ang curiousity ko. Why Ethan know her?
"You didn't know her Riebecah" seryosong sabi niya.
"Why, who i she? She's just Mievan Sophie Morden" sabi ko. Kilala ko siya dahil nag research ako noon sa kanya, pero kunti lang ang nalaman 'kong impormasyon, isa dun ay mas mayaman pa siya sa'kin, pero wala akong paki!
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...