Chapter 47

55 7 0
                                    

Nandito ako ngayon sa room habang bagot na bagot. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood makinig sa klase. Kanina pa salita ng salita yung prof namin pero hindi talaga ako nakikinig. 10 am palang ngayon at may 30 minutes pa bago matapos yung klase na 'to. Gusto ko na makita si Zed. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Well, nung isang araw pa nung huli ko siyang makita. Nung araw na nakita at naka-usap ko si Jhez. Medyo nakakainis ng eh! Pagka-tapos kasi ng araw na yun, hindi na din ulit nagpakita sa'kin si Jhez. Nakakainis diba? Ano, ganun nalang yun? Basta-basta siyang susulpot at manghihingin ng sorry tapos mawawala ulit? Ibang klase!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko. Sino namang tatawag sa'kin ng ganitong oras na may klase ako? Buti nalang nakatalikod si Ma'am dahil nagsusulat siya sa board kaya hindi niya ako makikita.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Lalong kumunot ang noo ko nung makitang si Zyril yung tumatawag. Ano naman kayang kailangan nito? Alam niyang may klase ako tapos tatawag siya? Hayyss! Minsan talaga hindi ko maintindihan yung tumatakbo sa utak ng babaeng 'to.

Sinagot ko nalang yung tawag habang nakatalikod parin si Ma'am.

"Zyril, alam 'mong may klase ako. Bakit ka ba tumatawag ng---"

"Riebecah, si Zed!" sigaw niya sa kabilang linya. At pinutol pa niya talaga yung sasabibihin ko ah?

"Bakit? Ano bang meron?" kunot-noong tanong ko. Rinig na rinig ko ang paghinga niya ng malalim na para bang pinapakalma niya yung sarili niya. Ramdam ko din na nagpapanic siya. Bigla akong kinabahan. Hindi ugali ni Zyril ang ganito. HIndi siya basa-bastang tumatawag sa'kin ng walang kwenta.

"Si Zed. M-may nangyari sa kanya..." bigla akong napatayo. Napatingin tuloy sa'kin yung mga kaklase ko. Pero wala akong paki-alam. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Zed. Kung anong nangyari sa kanya? At nautal pa talaga si Zyril.

My God... What's happening?

"Anong nangyari, Zyril?" kinakabahang tanong ko. Nag-panic ulit siya.

"Zyril, ano na?! Bilisan mo naman! Papuntahin mo na siya dito!" rinig 'kong sigaw ni Ethan. Hindi din siya mapa-kali. Kinakabahan na talaga ako. Hindi rin naman ugali ni Ethan ang maging ganun eh.

"Zyril! What's happening?! Answer me, danm it!" sigaw ko. Napalingon narin yung Prof namin dahil sa sigaw ko. Mukhang nainis pa siya. Pero wala akong paki-alam. Ang gusto ko lang malaman ngayon at tanging paki-alam ko ay kung anong nangyayari? Bakit hindi sila mapakali?

"Riebecah, just go here! I can't tell you in a phone call! Just go here ASAP. Please! Were on the gymnasium!" sabi niya at hindi parin mapakali.

Zed... Ano bang nangyayari?

Bago pa ako makapagsalita ulit ay namatay na yung tawag. Dali-dali 'kong kinuha ang mga gamit ko at patakbong tinungo ang pintuan. Tinanong pa ako kung saan ako pupunta at may klase pa daw. Pero hindi ko na pinansin si Prof. Sorry talaga Prof, pero kailangan talaga kitang lampasan. Halos lumipad na ako sa pagmamadali.

Ano bang nangyayari? Anong nangyari kay Zed? My God, kinakabahan talaga ako! Paano kung may masamang nangyari sa kanya? Base on Zyril and Ethan's voice reaction that I heard on the phone, there's something wrong! God, I wish it's nothing!

Nang makita ko na ang gymnasium ay agad akong lumapit dun. Nang makitang naka-sarado yun ay mabilis pa sa alas-kwatro kung buksan ko. At nang mabuksan ko na tuluyan na akong pumasok. Hinihingal pa ako. Madilim. Balot na balot kasi dito. Yung para bang sobrang laking sinehan? Pero walang mga upuan. Yung parang court talaga siya. At may mga aircon kaya hindi mainit.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon