Dahil sa nangyari sa pagitan namin, parang nawalan ako ng gana na kausapin si Zed. Naiinis ako sa kanya! Nag aalala lang naman ako, kasi hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo! Tapos para sa kanya parang wala lang yun? Nakakabwisit diba?
Mag tatanong siya sakin kung galit ba ako.
Malamang galit ako! Kahit naman kasi hindi totoo ang relasiyon namin, ay may paki-alam parin naman ako!
Nang matapos ang klase ay inayos ko na yung mga gamit ko. Puro aral nalang yung ginagawa ko, ewan ko ba, malapit na kasi yung Graduation, malapit na akong mag collage, isang buwan nalang talaga! Ang plano kong course na kukunin ay Education.
Pangarap ko talagang maging Teacher. Bata palang ako ay pangarap ko na talaga yun, nung bata pa ako, nag lalaro kami ng mga pinsan ko, ako daw yung teacher tapos sila yung estudyante ko, feel na feel ko yung pagiging guro ko noon. Kapag maingay sila, pinapa squat ko sila, naka-tingkayad habang hawak-hawak yung tenga. Palagi silang nag rereklamo, tapos kapag tapos na silang mag squat, mapapasabi nalang sila na,
"Bakit ka ba namin sinusunod ha Princess. Ginagawa mo kaming uto-uto eh!"
Natatawa ako kapag nakikita ko yung mga itchura nila na inis na inis sakin, dahil bakit o daw sila pinapagalitan eh naglalaro lang naman daw kami? Pero hindi ko na sila nakikita ngayon, hindi ko alam kung saan sila pumunta ng mga pamilya nila! Miss na miss ko na sila!
"Riebecah tara na!" sabi ni Brie nung makalapit na sila sakin kasama si Zed.
"Ha? Saan?" tanong ko. Hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta. Bigla-bigla nalang ba naman nag sasalita si Brie.
"Duh. Malamang sa canteen! Gutom na kaya ako!" sabi niya at hinimas himas yung tyan niya. Baliw talaga.
"Ayoko may gagawin" pag sisinungaling ko. Ayoko lang talagang sumama sa kanila, wala akong gana.
"Ano na naman bang gagawin mo? Your always telling us that your doing something! Your always ditching us! And then now? May gagawin ka naman? Akala mo ba hindi halata ha? Alam naming iniiwasan mo lang si Zed. Alam niyo para kayong bata, ayusin niyo nga yang problema niyo, bago niyo kami kausapin ulit!" sabi niya at umalis na ng room. Tumingin ako kina Zyril, Ethan at Neo, nakita ko ang disappointment sa mga mukha nila. Napa-iling nalang sila at sumunod narin kay Brie. Akala ko aalis narin si Zed, pero nanatili lang siyang nakatayo.
Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay aalis na dapat ako, nung hinawakan niya yung braso ko. Tumingin ako sa kanya. Hinihintay ang sasabihin niya. Nung ilang minuto na ang nakalipas, hindi parin siya nag sasalita ay tinggal ko na yung braso ko, sa kamay niya.
"Wala akong oras makipag-usap sayo" sabi ko at humakbang.
"Riebecah...." napahinto ako. Yung boses niya, parang ang lungkot. Hindi ko alam pero bigla akong na guilt dahil sa 'diko pag kausap sa kanya. Hindi parin ako lumilingon, nakatayo lang ako habang nakatalikod sa kanya.
"Im sorry..." ayun sinabi niya narin. Yun lang naman yung hinihintay ko eh. Yung mag sorry siya, siya naman kasi talaga yung mali eh, nag aalala lang naman ako sa kanya, pero bakit ganun yung inasta niya diba? Lumingon ako.
"Your forgivin" nagulat siya sa sinabi ko. Eh, sino ba ang hindi magugulat? Ilang araw ko siyang hindi pinapansin, tapos isang sorry niya lang, tinanggap ko na agad. Ang bait ko na diba? hihi.
"You forgive me?" tanong niya. Tumango ako. "Why? I thought your mad at me?" tumango ulit ako.
"Sorry mo lang naman ang hinihintay ko Zed eh" umawang yung labi niya. "Akala ko nga hindi mo na sasabihin eh. Alam mo kasi Zed, hindi ka dapat nag salita ng ganun sakin. Nag-aalala lang naman ako, kasi nga diba isang linggo kang nawala, tapos hindi ko alam kung asan ka." sabi ko.
"Im sorry if im being rude at you, it's just i was shock that you are with someone else. It's Valentine's Day, rigth?" sabi niya. Napa iwas ako ng tingin. Na gu-guilty ako. Eh, si Pzycho ba naman yung di-nate ko diba? Imbes na siya. "So....we're okay?" tanong niya, tumingin ako at tumango. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi ako makagalaw, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kumalas siya, hindi parin ako makagalaw. "Hey..." sabi niya at hinawakan ako, agad akong lumayo sa kanya. Naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sakin.
"Why?" he ask. I shook my head.
"Nothing" i said, still away from him.
"You sure?" he ask again. I nod.
"Let's go?" sabi ko nung mahimas masan ako. Lumapit ako sa kanya. Inakbayan niya ako. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Pumunta na kami kina Zyril. Nagulat sila ng makita nilang naka-akbay sakin si Zed habang naka ngiti.
"What happened?" Neo asked.
"We're okay now" nakangiting sabi ni Zed. Ang wierd.
"Mabuti naman" sabi naman ni Brie.
"So okay narin tayo?" tanong ko. Gusto ko naring mag kausap na kami ulit. Nmimiss ko na kasi sila eh. Tumango siya, at niyakap ako. Mabilis rin akong niyakap nila Zyrl. Dahil naka-akbay parin si Zed sakin ay pati siya nayakap narin. So nag group hug kami lahat.
Ang saya lagi kapag ganito. Yung mag kaka-ayos kayong lahat. Walang away, walang tampuhan, at walang problema tungkol sa pag kakaibigan.
"Teka! Teka, awat na hindi na ako makahinga!" Sabi ko. Ang lapit-lapit ba naman nila sakin. Tapos ang higpit ng yakap nila. Nang kumalas na sila sa yakap ay nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga na ikinatawa nila.
Kumain na kami. Wala naman kaming halos gagawin, dahil nga malapit na ang graduation. Yung mga kulang na requirements nalang yung ginagawa ng iba. Ako, wala naman akong kulang kaya chill lang ako.
"Guys, CR muna ako ha?" Sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila, tumayo na ako kaagad at nag punta sa CR. Pag punta ko doon ay halos ma bad trip ako. Puno ang mga kwarto ng CR, may gumagamit sa lahat! Huh!
"Riebecah rigth?" Sabi niya. Medyo matagal-tagal narin nung huli ko siyang makita. Bakit na naman kaya siya nandito? Ang ganda na sana ng araw ko eh, kaso lang bigla siyang naki sali hayss. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Where is Zed?" Agad na tumingin ako sa kanya. At bakit niya na naman hinahanap si Zed? Ano na naman bang kailangan ng bruha na'to?
"Why are you here?" Walang imosyon 'kong tanong.
"'Cause im looking for Zed" naka-ngise niyang sabi. "I want to see him" dag dag niya pa.
"Why? Hinahanap karin ba niya ha?" Sarkastiko 'kong sabi.
"Pwede din" sagot nuya. Aba't! Ang kapal ha!
"Pwede ba, umalis kana dito. Hindi ka niya gustong makita kaya wag ka mag assume" sabi ko naman. Nakangise parin siya. Naiinis ako! Para bang, kung ano man yung dahilan ng mga ngise na yun, ay masasaktan ako.
"Ah really? He's just with me, weeks ago" sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Anong kasama niya si Zed weeks ago?
"What do you mean?" Matapang kong tanong, alam ko kasi na kapag nalaman ko yung totoo ay masasaktan ako, base pa lang sa mga ngise niya, parang may nangyaring masaya sa kanya, at malungkot naman sakin.
"Remember weeks ago he's gone in this school?" Tanong niya, tumango ako. Medyo kinakabahan ng konti. Ano bang nangyayari? "He's with me, that's why he wasn't at your side that time" he said.
Sabi ko na nga ba barbie eh. Joke. Sabi oo na masasaktan ako eh. Bakit siya na sa kanya? Bakit sakin hindi, wala? Bakit 'di niya sinabi sakin? Bakit? Bakit, bakit ako ng bakit? Ang daming tanong, pero hanggang tanong lang dahil wala pang sagot.
"H-ha? Kasama mo siya? Bakit?" Tanong ko. God, ganto naba ako ka desperado? Na malaman ang sagot?
"'Cause he want to" sabi niya at umalis bigla.
Ha? Ano daw? Gusto ni Zed? Bakit niya gustong makasama si Muevan? 'Diba nga galit siya dun? Lagi niya ngang tinataboy diba?
Umurong na yung ihi ko. Wala narin akong ganang bumalik dun. Maayos na dapat eh. Pero ang tadhana talaga, mapag laro.
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...