Chapter 31

65 7 0
                                    

I was smiling, while going to school. I was very happy! I'm wearing the T-shirt what Zed gave to me. It was beautiful, even if it was just simple.

A white t-shirt, with a black color letter 'RIE' was written, then a red half heart shape in the middle, and last is 'ZE', in the front. And the back is '#RIEDIEN'. I have a clue what it means, but I don't want to assume.

"Anong meron? Mukhang ang saya natin ah?" bungad agad ni Ethan at inakbayan ako, hinayaan ko nalang siya, good mood naman ako eh.

"Sobrang saya" nakangiting sabi ko.

"Asan nga pala si Zed?" tanong sa'kin ni Zyril.

"Bakit, wala ba siya dito?" tanong ko pabalik.

"Wala eh. Hindi pa dumadating. Akala nga namin sabay kayo eh" sabi niya

"Hindi naman kami sabay" sabi ko. Tumingin ako kina Brie na nagbabangayan na naman. "Kayong dalawa, nakita niyo ba si Zed?" tanong ko. Nilingon nila ako at umiling.

"Kung ganun, asan siya?" tanong ni Ethan, na naka-akbay parin sakin. Nagkibit-balikat ako, kasabay ng pagnguso ni Zyril sa likuran namin.

"Bakit?" tanong ko. Pero nginuso niya lang yung likod namin. "Ano ba yun?" tanong ko ulit.

"Hoy, Zyril. Anong nginunguso-nguso mo jan?" si Ethan naman ang nagtanong, pero nakanguso parin siya. Ang weird naman ng babaeng 'to.

"Get off." napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay ang masamang tingin ni Zed ang nakita ko.

"Anjan kana pala" nakangiting sabi ni Ethan na mabilis ding naglaho dahil sa masamang tingin sa kanya ni Zed. Awkward na dahan-dahan niyang inalis ang braso niya sa pagkaka-akbay sakin. Lumapit si Zed sakin at mabilis na hinalikan ang pisngi ko, na nag pawala ng puso ko. Kalma heart, pisngi lang yan.

"Don't do it again, or else..." pagbabanta ni Zed kay Ethan. Agad ko siyang siniko.

"He's your friend." bulong ko.

"I don't care. He's flirting with you." bulong niya pabalik.

"He's not." bulong ko ulit. Biglang nag dilim ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin.

"So, you like him flirting with you?" tanong niya.

"I said, he's not flirting." may diin 'kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin at umalis. Ano 'bang problema niya? "I'm not yet done Zed" sabi ko, pero hindi manlang akong nilingon.

"I'm sorry." Ethan apologized.

"No, it's not your fault." I said.

"But, he's mad."

"No, he's just jealous." I said, and followed my eyes whe're Zed walking away. I can't believe, that he's so possessive!

"Follow him"

"Later. He needs space" I seriously said. I can't believe him! Dahil lang inakbayan ako ni Ethan, ganun na siya?

Pumunta na ako sa room, dahil nainis ako kay Zed. Kaibigan niya si Ethan, tapos pagseselosan niya? Ibang klase!

Pagpasok ko ay lalo akong nainis. Nakita ko na naman si Mievan! Ano bang bago? Eh, kaklase ko siya sa first class eh! Hindi ko nalang siya pinansin nung nginitian niya ako ng nakakaloko. Alam 'kong may pinaplano siya, kaya siya dito nag-aral.

Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan 'kong hanapin si Zed para maka-usap. Naglakad ako papunta sa building nila. Malapit na ako sa mismong harap ng building nang may makita akong bulto, na curious ako kaya pinuntahan ko. Nasa likod ng building yun ng BA. Nagtago ako sa may gilid, para hindi nila ako makita. Mahirap na! Nung masigurado 'kong hindi na ako nakikita ay tumingin ako sa kanila. Kumunot ang noo ko nang si Zed ang isa sa kanila. Eh, sino yung isa?

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon