Chapter 6

140 13 0
                                    

"Tsk." sabi ko nalang at pumasok na at umupo. Pumasok narin sya, umiiling habang nag pipigil ng tawa.

Parang may something talaga sa mga ngiti nya at mga tawa nya, para bang minsan lang nag papakikita at naririnig.

Haaayy! Basta!

Bwisit sya!!

Buti nalang diko sya katabi, nandun sya sa kabilang row. Tinuon ko lang ang pansin ko at mga tinuturo ng teacher namin.

Hindi ko namalayan, uwian na pala.
Lumabas na ako at pumunta sa kotse ko, ng makita ko na naman siya, papunta rin sya sa kotse niya.

Seryoso lang siyang nag lalakad. Sa mukha nya, parang ang bigat ng pinag dadaanan niya, malimit lang siyang ngumiti. Ang lamig niya rin. Pero kahit mat kaunting katangian siya na nakakatakot ay hindi ako matatakot. Kahit kailan. Hindi-hinding ako matatakot.

Nang makita nya ako ay umangat ang sulok ng labi nya, kaya tinignan ko siya ng masama. Sasakay na sana sa kotse ko ng mag salita sya.

"Think about it, Princess Riebecah Clair Zafra." seryoso niyang sabi .

Agad ko siyang hinarap. Bakit alam nya yung buong pangalan ko? Ini-istalk nya ba ako?

"Bakit mo alam ang buong pangalan ko?" I couldn't help but ask.

Wala naman kasi talaga akong ideya kung bakit niya alam. Hindi naman ako nagpakilala. Hindi ko nga alam yung pangalan niya tapos sa'kin alam niya? Paano nangyari yun? Ang wierd kasi, transferee siya pero hindi siya nagpakilala sa klase.

Naka-kunot ang noong nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa may kinuha siya aa bulsa niya at may pinakita sya sakin.

Teka!!

I.D ko yun ah!

Bakit nasa kanya yung I.D ko?

Kaya pala kahit saan ko hanapin diko mahanap, nasa kanya pala. Again. Paano nangyari yun?

Haysh!!.

"Bakit na sayo yung I.D ko?" tanong ko.

Pero imbes na sagutin yung tanong ko,
pumasok sya sa kotse nya.

"Hoy! Ibalik mo sakin yung I.D ko!! Hoy!" sigaw ko pero mabilis na umalis yung kotse nya. Ano bang problema ng lalaking yun? Ang dami babae diyan! Bakit ako?!

Hayyss Bwisit!!

Nakaka-bwisit talaga siya! Alam niyo yung, gusto mo nalang umiyak sa sobrang pagkainis!

Nag dadabog akong pumasok sa kotse ko at umuwi na.

Again.

BWISIT!

* * *

Weeks pass. Walang nagbago binabagabag parin ako ng lalaking yun. Seryoso talaga siyang gawin akong pekeng girlfriend?

Fierce ang bumabalot sa kanya, ni hindi ko sya nakitang ngumiti o tumawa, seryoso lang siya lagi, kapag nang-aasar lang pero mas gusto ko pang manahinik nalang siya keysa mang-inis, kasi effective, nakaka-ibis talaga siya eh. Kung sobrang lakas ko lang, pinalipad ko na siya sa malayong-malayo kung saan hindi ko na siya makikita ulit. At higit sa lahat, hindi rin ako makapaniwala na iniisip
ng mga kaibagan ko na nililigawan niya ako.

Seriosly? How can they see the motive that he was courting me? Should it, maybe because, sometimes, nag sasabi siya ng mga nakakakilig na salita.

Pero ako? Sakit sa ulo ang dala.

Yung mga kaibigan ko siguro oo, lalo na si Brie. Jusko! halos mabingi na ako sa kakatili. Bakit kaya di nalang siya ang gawing girlfriend no? Grabe kung kiligin eh, hayyss.

Eh? Ano bang nakakakilig dun sa...

'Kumain kana ba?'

'Wag kang magpapagutom ha?'

'Hatid na kita.'

'Mag iingat ka.'

Yan yung mga sinasabi nya at marami pa-ayoko lang isa-isahin kasi naka-irita. Sinasabi niya pa ang mga yun ng walang buhay, at walang emosiyon, yung parang wala sa loob, na wala siyang choice, kaya paano ako kikiligin? At bakit nga pala ako kikiligin?

Napaka misteryoso at seryoso nya, sabi ng mga kaibigan nya ganun na daw sya, ayaw naman nilang sabihin sakin kung bakit ganun nalang ka cold at seryoso ng tukmol nayun.

Yes! Tama kayo!. Nakilala ko na rin yung mga kaibigan nya na galing sa ibang section, pero dahil sa katukmulan lumipat sila sa section
namin, mayaman din kasi yung mga yun.

Sina Ethan at Neo.

Ang wierd lang dahil biglang nagbago si Brie. Naiirita na nga ako sa kanya minsan eh. Ang ingay-ingay niya. Pero syempre hindi siya mag-iingay ng walang dahilan kaya kung naiinis ako sa kanya, mas naiinis ako kay Neo. Palagi nalang kasi silang nagbabangayan. Nakaka-inis!

Bumabalik din yung Mievan, ewan ko ba! Pero di nalang ako nag papakita dahil baka kung ano na naman ang maiisipan ng tukmol nayun kapag nakita niya ako. Baka gamitin na naman siya akong fake girlfriend niya gaya ng gusto niya.

Ano kayang problema ng dalawang yun? Todo taboy si tukmol dun sa bruhang Mievan eh. Tss.

Sa sobrang inis ko sa bruha na yun, naalala ko yung pangalan niya. Siguro dahil na sobrahan ang sa lalaking yun ay hindi ko maalala.

Bahala sila!

Medyo bumababa narin yung mga grades ko. Marami kasi akong di napupuntahan na kailangan sa grades ko dahil wala parin sa'kin ang I.D
ko, kailangan kasi talaga ng I.D eh. Sa pag-aaral kasi fair ako.

Tapos sila Mama rin, ata't na ata't makilala ang boyfriend ko, eh ano—sino naman ang ipapakilala ko? Eh wala naman akong boyfriend! Hayyss kasalanan talaga 'to ng kasal
na yun eh. Kinabahan nga ako, kasi narinig ko, na yung mga magulang ng lalaking ipapakasal sakin ang nag aayos ng kasal. Hindi ako nagpapakita kaya hindi ko alam ang mga mukha ng magulang nung lalaki. 'Di kasi sila naniniwala kina Papa na may boyfriend na ako, kasi wala naman daw akong pinapakita.

Malapit narin ang 18th birthday ko, kaya pwede na talaga akong ikasal.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang dami ko ng problema. Pero at least nabawasan,naalis si Reign sa school, nalaman ko kasi na siya pala ang nag pintura ng desk ko kaya yun, gumawa ako ng paraan para di na siya makita ulit, masyado kasing ingitera. Tsk!

Andito ako ngayon sa school, malapit na mag-recess. Lumapit ako dun sa lalaking nakaupo sa dulo.

"Break time. Meet me at the back of the
school." I said and he just nodd.

Tama naman siguro yung gagawin ko diba? Na pumayag na?

Mabuti narin rin kasi yun kesa ikasal ako sa taong diko naman mahal at mas lalong di ko naman kilala. Pag naniwala na sila at ititigil nayung arranged marriage sasabihin ko nalang na,

Break na kami.

Na tapos na.

Wala na.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon