Chapter 37

68 7 0
                                    

A/N:

I want to say Hi to Angel Maayo! I miss you beshie!! And also to Ayessa Bareyro! Miss narin kita!!

*****

Naguunahang tumulo ang mga luha ko at hindi ko na napigilan pa ang paghikbi ko. Dali-dali akong tumalikod at nagmamdaling tumakbo habang tumutulo ang mga luha ko. Ang sakit! Ang sakit sakit! Ngumiti siya! Ang sakit! Bakit ko kailangang makita yun? Dapat masaya ako ngayon eh. Bakit?! Tumakbo lang ako nang tumakbo. Wala kong paki-alam kahit may mabangga ako ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalabas sa school na'to. Nanlalabo ang paingin ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ko.

Nang makalabas ako ng university ay dali-dali akong pumara ng taxi. Wala ako sa mood mag drive, dahil baka ibangga ko pa yun edi patay ako. Jusko, 'wag muna. Magiging teacher pa ako. Tatapusin ko pa yung binabaasa kong libro na pinahiram sa'kin ni Mark, yung Pretending Couple. Ang ganda na nun eh. Dun na ako sa part na sobrang nasaktan yung babae dahil sa ginawa nung lalaki. Napaiyak nga ako nun eh, kagaya nalang ngayon. Hayss life, you're so unfair.

Sinabi ko sa driver yung gusto 'kong puntahan. Pwede na ako dun dahil 19 na ako. Gusto 'kong uminom. Alam 'kong hindi ako umiinom pero gusto 'kong uminom ngayon. Dahil ang sakit sakit nang nararamdaman ko. Parang sa sobrang sakit ay nababasag ito nang paunti unti hanggang sa maging maliit na piraso. Hindi ko akalain.

Nang makarating ako ay nakapasok agad ako sa bar na pinuntahan ko. Dahil nga sabi nila, sikat ako diba? Siyempre pati sa labas kilala ako duh! At tsaka kilala ko ang may-ari noh. Kapag hindi ako pinapasok nung grardya tiyak na mawawalan siya nag trabaho. Ngayon pa't halo-halong emosiyon ang nararamdama ko. Tuwa, dahil nakapasa ako. Galit lungkot at sakit, dahil sa nakita ko. Ibang klase! Ayokong maniwalang napabago nun ang ekspresiyon ko. Pero yun talaga eh.

Pumunta na ako sa counter at nilapitan ang bartender.

"What do you want ma'am?" magalang niyang tanong. 'Wag mokong ini-english kuya wala ako sa mood baka makarati kita nang wala sa oras!'

"Yung kayang magpawala ng sakit na nararamdaman ko ngayon." sabi ko. Kumurap-kurap siya. "Kung may kayang burahin ang memorya ko yun nalang, para makalimutan ko ang nakita ko" dagdag ko. Hindi lang kurap ang ginawa niya. Nakanganga narin siya. Gusto ko sanang sabihin na 'Hoy kuya, baka may langaw na pumasok diyan sa bunganga mo' pero tinatamad ako kaya 'wag nalang siguro next time.

"P-po?" nakaawang parin na tanong niya. Grabeh kuya, ngayon ka lang ba nakaring ng hugot? Teka hugot ba yung sinabi ko? Parang hindi. Ah basta, maganda ako! Tapos bingi siya! Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? O sadyang humanga lang siya sa magandang boses ko kahit may halong paghikbi?

"Wala kuya! Sabi ko yung pinakamatapang na alak niyo. Yung kayang indahin ang sakit kapag hinambalos ko sa kanya ang gusto 'kong ihambalos!" sabi ko habang tumutulo parin ang mga luha ko. Bakit ba ayaw tumigil nang mga luha ko? Ang hirap talagang pigilan ng luha sa pagpatak. Lalo ka lang masasaktan kapag pinigilan mo ang nararamdaman mo. Kasi kung hindi mo ilabas...malamang mananatili sa loob!

Mukhang na wewerduhan si kuya sa'kin pero hindi ko nalang pinansin. Baka siya yung hambalusin ko jan eh! Binigyan niya nalang ako ng alak. Yun daw yung pinaka matapang sa lahat yung kaya daw na humarap sa isang tigre na gustong uminom sa kanya. Anong tingin mo sa'kin kuya, tigre? Ha? Tigre ako?! Baka gusto 'mong....wala na akong maisip. Makainom na nga!

Habang umiinom ako ay hindi ko mapigilang mapaiyak kapag naalala ko yung nakita ko kanina. So ang ginawa ko, hindi na ako nagbaso at yung bote na mismo ang tinungga ko. Ang ingay-ingay dito sa bar na'to. Ang saya ng tugtog pero hindi ko feel. Uminom lang ako nang uminom hanggang sa maisip ko na mas lalo palang malungkot kapag mag-isa ka lang, kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko si Mark, habang umiiyak parin ako. Ayoko nang gambalain muna ang mga kaibigan ko, dahil baka....hindi ko alam kung anong mangyayari. Aba! Malay ko ba kung anong mangyayari sa hinaharap hindi naman ako manghuhula.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon