Chapter 41

62 9 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas, at araw-araw kaming nag bo-bonding ni Lei. Kung ano-anong ginagawa namin. Si Zed naman, syempre hindi parin nawala ang pagiging seloso, pero nadagdagan naman ang sweetness niya. At hanggang ngayon ay hindi niya parin kilala si Mark. One time nun, nagkita kami ni Mark, tinanong ko siya kung bakit hindi siya bumalik nung nasa Bar ako, sabi niya naman ay nakita niya daw si Zed kaya hindi nalang daw siya lumapit pa para daw makapag-usap kami. Ang bait niya talaga! Kaya lalo akong na curious dun sa babaeng mahal niya. Kasi swear swerte yung babaeng yun.

Andito kami ngayon sa Airport para ihatid si Lei. Ngayon na kasi ang balik niya. Isang araw lang kasi ang leave niya sa school kaya kailangan niya nang umuwi. Sayang nga eh! Kung sana nga lang sa ZU narin siya mag-aral para makasama namin siya.

"Take care there Lei, ha?" I said. She smiled. Ma-mi-miss ko talaga 'tong babaitang 'to!

"Of course I will"

"And please, talk to your idiot cousin to stop pestering me. It's so annoying!" sabi ni Zyril at umirap pa. Inis na inis talaga siya dun sa pinsan ni Lei na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Tinanong ko  kay Zed, sabi niya mas mabuti nalang daw na hindi ko alam. Muntanga lang? So yun nga, nag te-text kasi yun kay Zyril. Hindi namin alam kung saan niya nakuha ang number ni Zyril. Bina-block naman ni Zyril pero ang kulit niya talaga!

Magugulat nalang kami may bagong number na yun. So si Zyril naman ang nag-palit ng number, pero mapapa-mura nalang talag siya kasi malalaman ulit nung lalaking yun. Ang creepy talaga. Gusto ko talagang malaman kung paano nalalaman ng lalaking yun yung number ni Zyril!

"Sorry talaga. I promise, kakausapin ko siya." si Lei talaga ang naiipit sa sitwasiyon nila. Ang tigas naman kasi ng bungo ng pinsan niya eh! Hindi niya ba maintindihan na ayaw sa kanya ni Zyril? Haaayyss! Nandito nga pala kaming lahat. Naka-akbay sa'kin si Zed habang ako naman ay nakapulupot ang isang braso sa bewang niya. Oh diba? Ang sweet namin, haha!

"Ma-mimiss ka namin Lei--- Ano ba Neo! Tumigil ka nga muna! Nakaka-irita kamo!" natawa nalang kami kay Brie. As usual, hindi naman nawawala ang pag-babangayan nila. Isa rin kasing sira ulo si Neo eh. Ang hilig mang-asar.

"Ma-mimiss ko rin kayo" sabi ni Lei at isa-isa kaming niyakap.

"Kailan ang balik mo?"

"Hindi ko alam eh! Basta usap tayo online ha? Sa facetime at sa skype din usap-usap tayo guys!"

"Sure!"

"Oh, sige alis na ako bye!" sabi niya at nagsimula nang maglakad. Siya lang mag-isa. Hindi ko alam kung kailan din yung alis ng pinsan niya. Nag-e-enjoy ata sa pangiinis kay Zyril.

"Let's go to my house?" napatingin ako kay Zed nung mag-salita siya. Napa-isip ako. Miss ko na yung bahay na yun. Saturday ngayon at wala akong gagawin kaya tumango ako.

"Okay"

"Guys, were go ahead" paalam ni Zed. Lahat sila ay tumango kaya lumabas na kami ng airport. Nang maka-sakay na kami sa sasakyan niya ay agad akong nag-seat belt, ganun din siya at nagsimula nang paandarin ang sasakyan niya. Nabibingi ako sa katahimikan kaya nagsalita ako.

"Ah., Zed?"

"Yes?"

"Anong gagawin natin sa bahay mo?" tanong ko. Kasi wala naman akong maisip.

"Ahm, tayo naman ang magbo-bonding. Lagi 'kang inaagaw ni Lei sa'kin eh! Minsan nalang kaya kita nakakasama. Lagi nalang siya." natawa ako sa sinabi niya. Kasii totoo, kapag mag-kasama kasi kai ay bigla-bigla nalang susulpot si Lei tapos hihilain ako. Tapos may time na ayaw akong ibigay ni Zed ay mag sasalita si Lei ng greek language na hindi ko naman maintindihan, tapos magugulat nalang ako, papayag na si Zed.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon