Chapter 54

62 6 0
                                    

The event is starting while me and Bryce doing something sweet. Nagtatawanan kami habang nagkukuwentuhan. Kapag napapatigin naman ako kay Zed ng hindi sinasadya ay nakikita ko rin siyang nakatingin sa'kin. Yung titig na titig, na parang may gustong sabihin, pero hindi ko nalang pinansin.

Ano naman yun kung meron? At saka, ano bang paki-alam ko?

Si Mievan naman, wagas kung maka-ngiti na parang ang saya-saya niya. Tsk! Akala mo naman maganda. Di hamak na mas maganda naman ako sa kanya. At paki hanap nga rin ng paki-alan ko sa kanya!

I'm not being bitter, naiirita lang ako! Nakakabwisit yung mukha niya! Lalo na kapag ngininginitian niya ako ng pagkatamis-tamis na sobrang tamis nun ay baka magkaroon ako ng diabetes. Akala niya natutuwa ako sa kanya? Hindi ko nga alam kung paano ko napigilan yung sarili ko na sigawan siya ay palayasin sa Bar ng asawa ko.

"Hon, are you hugry?" Nabalik ang atensiyon ko kay Bryce nung magsalita siya. Nakikinig kasi ako sa mga pinagsasabi at pagpapasalamat ng host dun sa stage.

Marahan akong umiling at nginitian siya. "Hindi pa. Ikaw? Gutom ka na ba?" Ngumiti siya at umilung din pagkatapis ay yumuko siya para bumulong sa tenga ko.

"Punta muna ako sa CR, ha?" Natawa ako dahil nagpaalam pa siya sa'kin.

"Hindi mo naman kailangan magpaalam eh." Natatawang sabi ko. Ngumiti siya.

"Ganun talaga kapag sweet."

"Eh, dati kapa namang sweet eh."

"Alam ko yun. Sige na! Naiihi na ako!" Mahinang sigaw niya sakto lang para marinig ko.

Natawa ulit ako. "Sige na! Layas na!" Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya umalis. Naka-ngiti akong humarap ulit sa stage. Yung lalaking yun talaga, lagi akong pinapatawa.

Bigla nalang akong natawa ng mahina nung maalala ko yung kabaliwan niya. Nahinto ako nung tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko yun sa pouch at tinignan kung sino ang tumatawag. Lalong lumapad ang ngiti ko. May masayang nangyari din pala sa gabi na 'to.

"Sorry, kung medyo male-late kami. Pero papunta na kami diyan. Naka-sunod sa'min sila Ethan."

"It's okay. Ang importante, pumunta kayo. Hindi kayo pwedeng mawala dito sa event na 'to." Naka-ngiting sabi ko.

"Hindi kami mawawala. Papunta na nga kami diba?" Nagulat pa ako ng bahagya sa biglang pagsingit ni Brie.

"Kasama niyo si Brie sa kotse?" Tanong ko. Pwede naman kasi na sumakay siya sa kotse ni Ethan at doon siya sumabay kaya medyo nagtaka ako. At isa pa, may kotse naman siya noh!

"Yes. Gusto niya daw makasama si Leilyn kaya dito na siya sumakay." Sabi ni Lei.

"Ang sabihin mo, nagtitipid siya sa gas kaya nakikisabay na siya kahit may kotse naman." Rinig 'kong sabi ni Mark.

"Tama na nga yan! Bilisan niyo nalang." Sabi ko at pinatay na agad ang tawag nung marinig ko ang pangalan ni Bryce na tinawag nung host.

"Ahm, everyone, please around of applause, Mr. Azores, the owner of the club!" Naka-ngiting umakyat si Bryce at nagpasalamat sa host bago kunin yung mic at humarap sa lahat.

"First of all, I want to say thank you to all of you for coming here. I really, really appreciate it. To all visitors, the VIP and of course, our investors especially, Mr. Heal. Thank you so much to all of you. I hope more years of us all for being my business parteners and inverstors. Also, I assumed that all of you know that 2 anniversaries are held today." Nagpalakpakan ang mga tao nung matapos nang magsalita si Bryce.

"Buti nalang hindi pa sila tapos." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lei at Mark sa gilid ko. Nandito na sila, nanunudyo silang salit-salitang tinignan sako at sa stage, kumunot naman ang noo ko.

Pretending Couple (Hudson Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon