Umiyak lang ako habang naka-upo kami sa sahig at nakayakap siya sa'kin. Hinahagod niya yung likod ko at pinapatahan ako. Pero letse ang luhang meron ako. Ayaw tumigil.
"Tama na, Riebecah. Umalis na siya." Wala na akong hikbi. Tahimik lang akong umiiyak. Iniisip ko, may kulang ba sa'kin?
Bakit hindi niya ako magawang piliin? Bakit hindi nalang naging totoo ang lahat? Mahal ko naman siya. Siya lang. Hindi ko siya niloloko katulad ng ginawa nung bruhang pinili niya.
"Oh my God, Riebecah! What happened to you!" Umiiyak ako pero hindi ko mapigilan ang mapa-kunot ang noo. Anong ginagawa ng boses na yun dito?
Hanggang sa makalapit siya sa'kin. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang nagpa-iyak sayo dito?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin. Kita ko sa mukha niya na alalang-alala siya. Hanggang sa mapatingin siya sa kay Mark na naka-kunot ang noong naka tingin sa kanya. Nanlaki ang mata niya.
At ang kinagulat ko ay bigla niyang sinuntok sa panga si Mark. Nanlaki ang mata ko. "Zinalei!"
"You asshole! How dare you to do that to her?! Bakit mo siya pina-iyak?!" Sigaw ni Lei sa kanya habang pinagsisipa niya si Mark. Pilit namang sinasangga ni Mark ang atake ni Lei pero mukhang malakas yun. Napa-ngiwe ako nung dumaing si Mark.
"Hindi ako ang nagpa-iyak sa kanya!—Ano ba?! Tumigil ka na nga!" Sigaw ni Mark. Tumakbo pa siya pero hinabol siya ni Lei. Hindi ko maiwasang hindi mapa-tawa. Ang cute eh.
Natigil si Mark nung marinig niya akong tumawa. At dahil sa ginawa niya, sapol siya sa mukha nung sinuntok siya ni Lei. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumakbo papalapit sa kanila.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko kay Mark. Naka-hawak siya sa pisngi niya na malapit sa labi niya kung saan siya natamaan.
Tumingin siya sa'kin habang naka-ngiwi. "Who the fuck is she?" Tanong niya at tinapunan ng masamang tingin si Lei.
"Don't cuss me!" Galit na sigaw ni Lei. Hanngang sa dumating sila Zyril at Brie.
"And why?!"
"I don't deserve to be cuss by you!"
"Like I doesn't deserve to be punch and kick by you?!"
At natahimik si Lei. Naka-tingin lang ako sa kanila at sila Zyril na nanlalaki ang mga mata.
"Y-you deserves it. You made Riebecah cry." Depensa ni Lei.
Mark scoff. "And who told you that it was me?"
"Bakit hindi ba?"
"And why would I do that to her?"
"I don't know. You're not familiar to me. Ngayon lang kita nakita, so I assume na ikaw ang nagpa-iyak sa kanya. And added the fact that I saw you hugging her while your both sitting on the floor."
"At ang asumera mo." Sabi ni Mark habang hinihimas-himas niya yung pisngi niya. Siguradong magkaka-pasa yun. Ang lakas kasi siguro eh. "I was comforting her."
"Weh?"
"Kung ayaw mong maniwala edi huwag. Hindi naman kita pinipilit." Sabi ni Mark at lumapit sa'kin. Bahagyang nanlaki ang mga mata nung tatlong mga kaibigan ko.
"Ayos ka lang ba? Pasensiya na ha?" Sabi ko.
"Do I look okay?" Napangiwi ako sa sinabi ni Mark. Mukhang hindi nga. "Damn those fist of her!" Inis na sabi niya. Tinutukoy niya yung kamao ni Lei. Lalong nagalit si Lei.
"Sino ba siya?!" Sabay-sabay na sabi nilang apat.
Napapikit ako, pagkatapos ay naiilang na tumingin sa kanila. Humarap ako kay Mark. "Mark, she's Zinalei Villanueva."
BINABASA MO ANG
Pretending Couple (Hudson Series # 1)
Random[COMPLETED] #Hudson Series #1 Zedien needed to get rid of Mievan, his first love because of the pain she caused him. He made a deal with Riebecah who is also struggling because of this marriage for convenience to Bryce, her childhood friend and fi...