Author's note:
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the Author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is purely coincidental.
⚠PLAGIARISM IS A CRIME⚠
A/n: This is the Series 2 of Secret Identities, sana magustuhan niyo😅 you might encounter typographical errors and wrong grammars, sorry in advance Hihihi. Enjoy.
...
PROLOGUE
NANLULUMO siyang nakatitig sa glass wall na nasa harap niya... Pakiramdam niya ay patay na siya ngunit patuloy na humihinga. Patay na ang kaluluwa niya ngunit buhay pa rin ang katawan niya...
Walang buhay siyang napangiti nang mapatingin siya sa kamay niyang nakagapos. Nasusugatan na ang pulsuhan niya dahil sa higpit ng pagkakatali at dahil na rin sa pilit niyang pagtanggal dito.
Ilang araw na ang lumipas... Pero wala pa rin ang taong inaasahan niyang magliligtas sa kaniya sa madilim na lugar na kinaruruonan niya.
Naagaw ang atensyon niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking taga-hatid sa kaniya ng pagkain.
"Kumain ka na! Pag ikaw namatay sa gutom ako pa ang masisi!" Singhal nito.
"Kailangan kong mag banyo," sabi niya dito.
Marahas muna itong napabuntong-hininga bago kalagan ang tali sa kamay niya. Sigurista ito at talagang pinusasan pa siya bago alalayang pumasok ng banyo.
Pagkalabas niya, muli siyang inalalayan nito...
Huminga siya nang malalim at malakas na siniko ang panga ng lalaki.
"Putangina!" Galit nitong sabi at hinabol siya.
Hindi pa man siya nakakalayo ay agad nitong nahablot ang buhok niya.
"H'wag ka ng pumalag! Pinapagod mo lang ang sarili mo!" Saad nito.
Malakas niyang inapakan ang paa nito pagkatapos ay hinarap niya ito at malakas na tinuhod ang pagkalalaki nito.
Sunod-sunod itong napamura habang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.
Kinuha niya naman ang food tray at malakas itong hinampas sa ulo ng lalaki, dahilan para mawalan ito ng malay.Agad niyang kinapa sa bulsa nito ang susi ng posas pero hindi niya pa man nakukha 'yon ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang taong sumira sa buhay niya habang nasa likod naman nito ang dalawang alipores na agad na lumapit sa kaniya at pinagtulungan siya para hindi makapalag.
Napailing ang lalaki at natatawang lumapit sa kaniya. "Stop fighting, Dear. Ilang araw na lang ikakasal na tayo, ayoko namang makita nila na maraming pasa ang bride ko," saad nito at hinaplos ang pisngi niya.
Pilit niya namang iniiwas ang mukha niya sa kamay nito. Matalim niya itong tinitigan at malakas na inumpog ang ulo niya sa lalaki.
"You bitch!" Sigaw nito habang sapo-sapo nito ang dumudugong ilong.
Malakas niyang inapakan ang paa ng lalaking nasa kaliwa niya at tinuhod ang pagkalalaki nito pagkatapos ay sinuntok niya naman ang nasa kaliwa. Sinigurado niyang tatama sa mukha nito ang posas sa kamay niya.
Nang tuluyan siyang mabitawan ng dalawa ay agad siyang humarap sa glass wall ng silid kung saan siya sa nakakulong.
"Don't you dare!" Banta nito.
Binalingan niya ito at pagak na natawa. "Mas mabuti ng mamatay ako kesa naman maikasal sa demonyong kagaya mo," saad niya at walang pag aalinlangang binangga ang glass wall.
Isinangga niya ang braso sa mukha niya nang basagin niya ang salamin. Kalkulado niya na na babagsak ang katawan niya sa swimming pool at kahit sobrang sakit ng buong katawan niya ay pilit siyang umahon sa tubig at agad na inakyat ang pader gamit ang mga baging para tuluyang makalabas sa impyernong 'yon.
Sobrang sakit ng katawan niya dahil sa bogbog at sa mga sugat niya na natamo niya sa pagtalon pero pilit niyang kinakaya para makalayo.
Lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa direksyong hindi niya naman alam kung saan patungo. Ilang beses din siyang bumagga sa mga puno dahil hindi niya maaninag ang daan at tanging liwanag lang ng buwan ang tangi niyang ilaw.
Mas binilisan niya pa ang paglalakad ng sa wakas ay makita niya na ang kalsada.
Nang tumawid siya ay kasabay naman nun ang pagtutok ng ilaw sa kaniya at ang malakas na pag busina.
She smiled bitterly and gladly welcomed her death.
It's okay... You're okay now.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...