Chapter 43
MAGKATABING nakaupo si Cris at Marvelene sa sala habang nanunood ng TV. Nakasandal si Cris sa balikat ng asawa niya at sinusubuan ito ng popcorn na kinuha nila sa refrigerator ni Jam... Habang nanunood ay bigla na lang silang napabalikwas ng bangon dahil biglang may bumato sa kanila ng unan.
"Fuck you, Man and to Jam! Mga tangina niyo! Do I really need to travel for fucking five hours just to deliver a news?! Fuck! Alam niyo namang ayoko ng bumabyahe ng malayo!" Singhal ni Leonard sa kaniya habang si Marvelene naman ay nakatago sa likod niya.
"H'wag ka ngang sumigaw! Tinatakot mo ang asawa ko e!" Saway niya dito pero umingos lang ito.
"Papasugin ko talaga 'tong bahay na 'to para lumipat na siya sa siyudad!" Saad ng kaibigan niya at marahas na napasuklay ng buhok nito, "By the way, I have a news for you... It's about your company."
Nagkatinginan sila ni Marvelene dahil sa sinabi nito. Ano na naman bang nangyari?
"Dahil sa pagkakampo mo dito pareho na kayo ni Jam na walang alam tungkol sa nangyayari sa siyudad!" Panenermon nito, "Malaki ang ibinagsak ng sales ng kompanya mo... Nagtataka ako kung bakit nangyayari 'yon samantalang inaayos naman 'yon ng sekretarya mo, pero mas lumala yata ngayon. Nagrereklamo na ang mga shareholders and some of them might pull out their investment because of what's happening! Pati rin sana ako pero kaibigan kitang tangina ka!"
"Ayos lang ba siya?" Bulong ni Marvelene sa kaniya. Hinawakan niya na lang kamay nito at tinago ito sa likod niya.
"Dun tayo sa Garden mag-usap, Man..." Aya niya dito saka tumingin sa asawa niya, "Pumunta ka muna sa k'warto, mag-uusap lang kami." Kaagad naman itong tumango at umalis na.
PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Leonard ay pinuntahan niya si Marvelene sa k'warto nito. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro at nang mapatingin ito sa kaniya ay kaagad itong tumayo at linapitan siya.
"Kamusta ang pag-uusap niyo? Hindi ka ba niya sinaktan? Base kasi sa itsura ng kaibigan mo kanina parang papatayin ka niya."
Napabuntong-hininga siya at yinakap ito nang mahigpit. Kaagad naman siyang ginantihan nito ng yakap.
"Kailangan kong umalis."
Bahagya itong lumayo sa kaniya para tignan ang mukha niya. "A-alis ka?"
Sinapo niya ang mukha nito. "Kailangan e... Pero kung pipigilan mo ako hindi ako tutuloy."
Natigilan ito saglit at parang nag-iisip nang mabuti. "Ayoko namang maging makasarili, saka nasa krisis na ang kompanya mo at baka tuluyang bumagsak 'yon nang dahil sa'kin kaya papayagan kitang umalis... Babalik ka naman diba?"
Tumango naman siya saka ginawakan ito ng halik labi. "Of course. Hindi p'wedeng hindi ako bumalik dito, kung p'wede na sana kitang isama pero baka may mangyari sa'yo na si Jam lang ang nakakaalam kung paano ka gagamutin, natatakot ako," saad niya, "At mas mabuti na rin siguro na dito ka lang muna, baka mahanap ka ni Crisostomo at kunin na naman sa'kin."
Ngumiti naman si Marvelene at hinaplos ang kaliwa niyang pisngi. "Then I'll be waiting... Nandito lang naman, hindi ako aalis. Doon ako lagi tatambay sa Garden para alam mo na kung saan mo ako hahanapin pagbalik mo."
.
TINULUNGAN ni Marvelene si Cris na ayusin ang mga gamit nito. May parte sa kaniya na ayaw niyang umalis ito at manatili na lang sa tabi niya pero magiging makasarili naman siya pagganun. Marami na siyang ginawang kasalanan dito at isa na dun ang pagbabalak na pabagsakin ito noon. Kahit hindi niya pa masyadong maalala ang rason kung bakit niya ginawa 'yon ay tinuturing niyang malaking kasalan 'yon sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...