Chapter 7

413 12 0
                                    

Chapter 7

MARAHAS na ibinagsak ni Cris ang basong hawak niya. Nasa condo ni Morille silang magkakaibigan sa ngayon, wala namang espesyal na okasyon naisipan lang nilang magsama-sama sa ngayon.

"Ayos ka lang ba, Man?" Tanong ng kaibigan niyang si Glonar.

Tanghaling tapat pero magana siyang umiinom ng alak. Sobrang stress niya nung mga nakaraang araw at dumadagdag pa dun ang hindi pagpapakita ni Marlene sa kaniya...

Ilang araw niya na naman itong hindi nakita. Sinubukan niya na itong puntahan sa eskwelahan nito at ipahanap sa mga kilala niyang estudyante sa FU na kaklase ng dalaga pero sinabi rin ng mga ito na ilang araw ng hindi pumapasok si Marlene.

Huminga muna siya nang malalim bago tumayo at umalis sa condo ng kaibigan.

"Cris!" Rinig niyang tawag sa kaniya ni Brix pero hindi niya na ito liningon.

Nang makasakay siya sa elevator ay agad niyang pinindot ang ground floor pero hindi pa man nagsasara ang elevator ay may dumaan na bulto ng isang babae na kilalang-kilala niya.

Malutong siyang napamura nang magsara na ang elevator kaya dali-dali niya itong pinindot para bumukas ulit at kaagad na lumabas para sundan si Marlene pero hindi niya na ito nakita.

Fuck!


PAGKAALIS niya sa building ay agad siyang nagtungo sa cafe na paborito niya at doon nag isip-isip. Gusto niyang kutusan ang sarili niya dahil sa pagiging apektado ng sobra sa nangyari. Hindi naman ito ang unang beses na humalik siya ng babae pero ang kaibahan lang nun ay highschool student ito at bata pa.

Masyado siyang bata para saakin... Tangina!

Napagisip-isip niyang dapat niya ng layuan si Marlene dahil hindi makakabuti sa kanilang dalawa yun. Paniguradong pag tsi-tsismisan sila.

Ilang oras siyang namalagi sa cafe habang nakatingin sa labas at tinitignan ang mga tao at sasakyan na napapadaan.

Nakita niyang dumaan si Marlene at tila nabura lahat ng mga desisyong ginawa niya kani-kanina lang dahil hindi niya nakayanang hindi ito sundan. Dali-dali siyang lumabas ng cafe para sundan ito.

"Marlene!" Tawag niya dito.

Napalingon ito at mukhang nagulat ito nang makita siya. "C-cris... ikaw pala," naiilang nitong sabi nang tuluyan niya na itong nalapitan.

"San ka galing?" Tanong niya dito para masigurado kung ito nga ang nakita niya sa building ng condo ni Morille.

"S-sa school," sagot nito.

Napatango naman siya at inisip na lang na baka namalikmata lang siya kanina.

"It's nice to see you, Cris. Pero marami pa kasi akong gagawin eh, kailangan ko ng umalis," paalam nito at aalis na sana pero hindi niya ito hinayaan. Agad niyang hinawakan ang braso nito para pigilan ito.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya dito.

Naiilang itong tumawa at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. "A-ano ka ba? B-bakit naman kita iiwasan? Ano lang kasi... marami lang talaga akong gagawin," dahilan nito.

"Is it about the kiss?"

Kita ang gulat sa mukha nito dahil sa tanong niya. "A-ano ka ba naman! H-hindi 'no!" Depensa nito.

Tinitigan niya lang ito para sabihing hindi siya kumbinsido sa dahilan nito. Hanggang sa magbaba ito ng tingin at tumango.

"Oo na, nahihiya akong magpakita sa'yo dahil dun... hindi na rin ako nakakatulog nang maayos at pakiramdam ko pag nagkita tayo talagang mababaliw na ako! Kaya iniiwasan na kita!" Pag-amin nito.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon