Chapter 12
KINABUKASAN nang magising si Cris ay wala na sa tabi ang dalaga at tanging note lang ang iniwan nito sa tabi niya.
Bahagya siyang kinabahan sa sulat nito sa pag-aakalang hindi niya naman ito makikitang muli pero agad naman siyang nakahinga nang maluwag nang mabasa ito.
'Good morning Cristobal... Sorry hindi na ko nakapagpaalam sa'yo, ang himbing kasi ng tulog mo eh. Kung gusto mo akong makita, puntahan mo na lang ako sa bahay, since wala naman akong klase.' -Len-len
Pagkatapos niyang mabasa ang sulat ay agad niyang ilinagay 'yon sa loob ng drawer at hinanda niya na ang sarili para mag trabaho.
PAGKARATING niya sa kompanya, nag panggap na naman siyang empleyado at agad na dumiretso sa opisina ni Eugene.
Hindi na siya kumatok at agad na dumiretso sa loob. Nadatnan niya naman itong may kausap na babae na mukhang empleyado ng kompanya niya. At mukhang pamilyar sa kaniya ang babae.
Napatingin sa kaniya si Eugene saka muling bumaling sa babaeng kausap. "Mamaya na lang ulit tayo mag-usap," saad niya sa babae.
Agad namang tumango ang kausap na babae. Hindi niya na nakita ang mukha ng babae dahil nakayuko itong naglakad palabas.
"Sino 'yon?" Tanong niya at tinignan ang pintong pinaglabasan nung babae, "Bagong punterya mo na naman?" Dagdag niya pa at natawa.
Natawa rin ito saka umiling. "No, Ibahin mo siya sa mga babaeng pinaglalaruan ko dito. Kapatid siya nang dati kong girlfriend."
Napatango naman siya at iniba na ang usapan. "Anyways, how's the investigation?" Tanong niya.
Napabuntong hininga naman ito. "Wala pa ring nahahagilap... That person is good at mukhang tama ka nga na baka isa siya sa mga empleyado dito, dahil ayon sa security wala naman daw pumapasok dito na kasuspe-suspetya."
"Don't stop searching... Ipadala mo sa office ko ang mga empleyadong ilang buwan pa lang na nagtatrabaho dito," saad niya at walang sabi-sabing pumasok sa elevator na nasa loob mismo ng opisina ni Eugene.
Dito siya dumadaan pagpapunta siya sa opisina niya na nasa top floor. Walang ibang daanan papunta dun kundi doon sa opisina mismo ni Eugene.
Nang makarating siya doon ay agad niyang inasikaso ang mga files na nakatambak doon.
Ilang oras din niyang ginugol ang oras niya sa pagtatrabaho hanggang sa matapos niya ito. Agad siyang umalis sa opisina niya at lumabas ng building. Tinanong pa siya ni Eugene pero hindi niya na ito sinagot.
Agad siyang dumiretso sa bahay ni Randolf para kausapin ito at agad naman siyang pinagbuksan ni Cora at pinapasok.
"Hey, Man," bungad niya sa kaibigan.
Agad namang naguhit ang pagtataka sa mukha nito. "What are you doing here?"
"I just want to ask you something," sagot niya.
Napatango naman ito at pinasunod siya sa garden para dun sila mag-usap.
"Okay, what is it?" Tanong nito.
"Paano ba manligaw?"
Seryoso itong napatitig sa kaniya na para bang napakaimposible ng tanong niya pero hindi nagtagal ay humagalpak ito ng tawa.
"Seriously, Man?! You came all the way here just to ask me that?" Natatawang tanong nito, "at ikaw?! Manliligaw? Katapusan na ba ng mundo?"
Binato niya ito ng unan. "Shut the fuck up and just answer my question!" Aniya, "paano mo ba linigawan si Queennie?"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...