Chapter 25
MARAHAS na nasuklay ng buhok si Marvelene at matalim na tinignan ang asawa niya.
"Len! Malayo pa ba?" Tanong nito habang hinihingal.
Kitang-kita niya na ang pagod sa itsura nito, but for Pete's sake! pareho lang naman silang pagod ngunit panay ang reklamo nito.
"Malapit na... Pang ilang tanong mo na 'yan, Cristobal?! Pag ako nainis sisipain kita diyan nang bumalik ka sa umpisa!" Singhal niya dito at muling naglakad.
"Ilang beses mo rin akong sinagot nang malapit na pero hindi pa pala!" Reklamo nito na parang bata at saka sumunod sa kaniya.
"Tumahimik ka nga! Para kang babae kung magreklamo!" Saad niya at hinawakan ang kamay nito saka ito hinila para magpatuloy sa paglalakad.
Alas Diyes na nang sila'y nakarating doon ay hindi na umimik si Cris at nagtuloy-tuloy lang sa isang bangko para umupo.
Hindi niya ito kaagad nasundan dahil sinalubong siya ng mga bata.
"Ate Len-len!" Hiyawan ng mga ito habang tumatakbo palapit sa kaniya.
Tumakbo rin sa palapit sa mga ito at yinakap ito isa-isa. "Kamusta kayo?" Tanong niya at bakas sa boses niya ang kasiyahan.
Ginulo niya ang buhok ng mga ito at gumanti naman ito sa kaniya na ikinatawa nila. Pero agad din siyang sumeryoso nang lumapit sa kanila si Teacher Opre.
Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siyang makisalamuha sa iba. Siguro hindi na siya nag-aalangan pag kasama niya si Cris pero sa iba ay malaking bagay pa rin 'yon.
"Len-len... Kamusta ka na? Ang tagal mong hindi nakadalaw dito, miss na miss ka na ng mga batang 'yan at palaging tinatanong kung kailan ka dadalaw ulit," saad nito at nginitian siya pagkatapos ay bumaling kay Cris na ngayon ay naghuhugas ng paa sa poso, "Sino naman 'yang kasama mo?"
Naiilang siyang tumingin dito. "Ahmn... A-asawa ko siya," sagot niya.
Gulat itong napatingin sa kaniya pagkatapos ay tumawa. "Talaga?! Wow naman! Congrats sa'yo!" Gulat na sabi nito, "In fairness sobrang g'wapo ah! Saan mo ba nasungkit 'yan at nang makahanap din ako," biro nito, "Anong pangalan niya?"
"Cris Duallo..." Natapatango naman ito saka ngumiti.
"Siya nga pala, nagpresinta si Aleng Melda na kung sakaling dumalaw ka ay sa bahay nila kayo tumuloy... Inaayos kasi ang mga classroom dito at dahil 'yon sa tulong ni Sir Glonar."
"Eh kayo? Saan kayo tumutuloy?" Tanong niya.
"Sa bahay nila Mang Allan... Alam mo simula nang nagkasunog dito, ang laki na ng pinagbago niya. Mukhang natauhan siya sa lakas ng suntok mo," sabi nito pagkatapos ay natawa, ganun din naman siya at dahil hindi naman siya palangiti o tumatawa sa harap nito, talaga namang gulat na gulat ito.
"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig 'no?" Saad nito habang malambot ang ekspresyon na nakatingin sa kaniya, "Masaya ako para sa'yo."
Nginitian niya naman ito. "Salamat..."
Bumaling ito sa mga bata. "Oh siya! Hayaan niyo munang makapagpahinga si Ate Len-len niyo at bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo," sabi nito sa mga bata.
Humagikhik naman ang mga bata at sabay-sabay na tumango pagkatapos ay nagtakbuhan na palayo.
Hmmm... I smell something fishy.
Nagpaalam na rin sa kaniya si Teacher Opre dahil tutulungan daw nitong mag-igib ng tubig si Sir Arnold.
Pumunta naman siya kina Aleng Melda para sundan si Cris at naabutan niya itong nakahiga sa tablang sahig habang unan nito ang bag na dala at nakatulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...