Chapter 31

243 6 1
                                    

Chapter 31

ILANG beses na nagdasal si Marvelene na sana'y may pumasok sa k'wartong inuukupa niya para pigilan ang Tatay niya sa pagkakasakal sa kaniya. Halos mamanhid na ang sugat sa tagiliran niya dahil sa pagkakadiin nito.

At mukhang nadinig ang dasal niya dahil narinig niyang bumukas ang pinto.

"Oh my God!" Gulat na saad nito, "Jam! Help me here!" Rinig niyang sigaw nito sa labas ng k'warto pagkatapos ay lumapit ito sa Tatay niya at sinubukan nitong paalisin ang Ama niya sa pagkakadagan sa kaniyan pero malakas nitong itinulak ng Ama.

Nakarinig siya ng yabag na papasok sa k'warto niya. "May problema ba, Maica--- fuck!" Tumakbo ito palapit sa Tatay niya at hinawakan ang k'welyo ng damit nito saka hinila pababa ng kama.

Napabangon naman siya kasabay ng pagtanggal sa panyong nakasaksak sa bibig niya habang hinahabol ang hininga niya kasabay ng paghagolgol niya ng iyak.

Lumapit sa kaniya ang babaeng Doctor at sinuri siya pero nanginginig ang kamay nito. Marahil ay natakot din ito sa ginawa ng Tatay niya.

Nabaling siya sa Ama niya at sa lalaking Doctor na pinipigilan ang Tatay niyang makalabas ng k'warto niya.

Sana bangungot lang ang lahat ng 'to...

NANG dahil sa nangyari'y muli siyang nawalan ng malay at nang magising siya'y nasa tabi niya na si Lola Lucrecia at alalang-alala na nakatingin sa kaniya.

"Apo... kamusta ang pakiramdam mo?" Bungad nito nang makitang gising na siya.

Pero napatulala lang siya sa kisame ng k'warto. Wala na siyang maramdamang iba kundi galit sa gumawa nito sa Pamilya niya.

ILANG linggo siyang nanatili sa Hospital para magpagaling at unti-unti ng napapansin ni Lola Lucrecia ang pagbabago sa ugali niya.

Halos hindi na siya magsalita at halos blangko na ang ekspresyon sa mukha. At nang gumaling siya'y nag-aalangan siyang umuwi dahil baka nandun ang Tatay niya. Pero ibinalita sa kaniya ni Lola Lucrecia na hindi na daw umuuwi ang Tatay niya kaya medyo nakampanti siya dun pero nang makapasok sila sa bahay nila'y agad siyang nanginig nang makita ang Tatay niyang abala sa paghahanda ng pagkain sa kusina na para bang normal lang at wala itong nagawang kasalanan.

Tinago siya ni Lola Lucrecia sa likod nito. "Mariano? Anong ginagawa mo dito?" Kalmadong tanong Lola niya pero ramdam niya rin ang panginginig nito.

Ngumiti ang Tatay niya saka lumapit sa kanila. Napahalukipkip na lang siya at baka saktan na naman siya nito. Dahil sa mga ginawa nito'y hindi nakapagtataka na ma-trauma siya.

Nagmano ito kay Lola Lucrecia pagkatapos ay tumingin sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Tara na, baka lumamig na yung pagkain," saad nito at nauna ng maglakad.

Kung normal lang na araw 'to, baka inisip niya pa na nagpapalambing lang ang Tatay niya o kaya naman nagawa ito ng simpleng kasalanan at pagkain ang gamit nito para suyuin siya pero kahit saang banda tignan, hindi na 'to gaya ng dati...

Kinuha niya yung mga gamit niya at dinala sa k'warto niya.

"Apo!" Tawag sa kaniya ng Lola niya pero hindi niya na ito liningon.

Nang makapasok siya sa k'warto niya'y agad siyang napahagolgol ng iyak.

Wala na... wala na ang masaya kong pamilya at kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko na maibabalik 'yon.

Sa kakaiyak niyang hindi niya namalayang nakatulog siya, naalipungatan lang siya nang marinig niyang bumukas ang pinto kaya agad siyang naalarma. Pero halos hindi siya makagalaw nang pumasok ang Tatay niya.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon