Chapter 2
...
PADABOG na isinara ni Cris ang laptop niya... Hanggang ngayon wala pa rin siyang mahagilap na Identity ng taong nagpasabog sa kompanya niya. Hindi niya naman alam kung ano ba talaga ang intensyon nito sa pag papasabog ng CRS. Mabuti na rin lang at alerto ang mga tauhan niya nung panahong 'yon, may mga napuruhan pero wala namang nasawi sa mga ito.
Kinuha niya ang susi ng kotse niya at agad na lumabas ng tago niyang opisina sa building kung saan walang nakakakita sa kaniya pag lumabas siya.
Agad niyang pinaandar ang sasakyan niya patungo sa Zaltega Chain of Companies. Gusto niyang makausap ang kaibigan niyang si Randolf.
Nang makarating siya doon ay agad siyang pumasok at naupo sa couch na para bang kararating niya lang ng bahay.
Alam niyang nagtataka ang kaibigan niya pero mas nauukupa ng isip niya ang pag aalala... Paano kaya kung maulit ang nangyari? Hindi lang naman siya ang magiging apektado dun. Mas mabuti pang komprontahin na lang siya ng taong yun kesa naman mandamay pa ito ng mga inosenteng tao.
"You okay, Man?" Tanong ni Randolf sa kaniya.
Marahas siyang napasuklay ng buhok at napabuntong hininga.
"Nahanap mo na ba siya?" Sunod namang tanong nito.
"Hindi pa rin... Nandito ako para sana hiramin ang Mansyon mo sa Isla," sabi niya.
Kung sino ka man... Humanda ka sa'kin.
Napatango naman ang kaibigan niya. "Wala namang tao dun," saad nito.
"Kung sakaling mahuli ko na ang nag pasabog sa kompanya ko, dun ko muna siya ikukulong para makasigurado akong hindi siya makakalaya," seryosong saad niya dito.
"Anyways, how's Queennie?" Pangungumusta niya sa asawa nitong hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.
Napabuntong hininga muna ito bago sumagot, "She's doing well. Pero hindi pa rin siya nagigising. Sabi ng mga Doctor, ayos lang naman yun dahil nakakatulong daw 'yon para gumaling agad ang sugat niya," sagot nito.
Tumango naman siya pagkatapos ay tumayo na, "She'll be fine... Basta't maging matatag ka lang," saad niya dito, "Kailangan ko ng umalis, Man. Yun lang talaga ang pinunta ko dito," paalam niya.
Dumiretso siya kaagad sa café para magpalipas ng oras... Tinitignan niya rin ang mga reports na sine-send sa kaniya ng secretary niya.
Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya nang biglang may umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.
Awtomatikong napataas ang kilay niya ng makitang ang babaeng estudyante ito na nakasama niya nung isang araw na sa pagkakaalala niya ay Marlene Faustino ang pangalan.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya dito nang mapansing nakabusangot ito.
"Nakakainis kasi ang CRS na 'yan!" Naiirita nitong sabi habang matalim na nakatingin sa building niya, "Ang sarap pasabugin," dagdag pa nito.
Natigilan naman siya at napatitig sa dalaga.
"Joke lang! Masyado ka namang seryoso," bawi nito.
Huminga muna siya nang malalim bago ito kausapin. "Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya.
Kinuha muna nito ang sliced cake na inorder niya bago sumagot at sinimulang kainin na para bang siya ang bumili nun.
"Pumunta kami ng kaibigan ko diyan sa kompanyang 'yan, gaya ng sabi mo kailangan mag auditon pero pinaalis lang kami! Nakakainis diba?!" Nanggigigil nitong sabi at tinusok-tusok ng tinidor ang cake.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...