Chapter 28

213 7 0
                                    


Happy Reading❤❤❤ and sorry sa typos😅

Chapter 28


MATIYAGANG naghihintay si Marvelene sa labas ng ICU kung nasaan ang lola niya habang si Cris naman ay patuloy pa rin sa pagbabantay sa dalaga.

Pagkatapos nitong gamutin ni Queennie ay agad ding umalis ang kaibigan niya. Iniwan niya din muna sandali si Marvelene para kumuha ng damit nito para nakapagpalit ito, ayaw kasi nitong magpa-admit dahil ayos lang naman daw siya, halos magmakaawa ito kaya wala na siyang nagawa kundi payagan ito sa gusto nito. at nang balikan niya ito ay ganun pa rin ang p'westo ng dalaga.

Linapitan niya ito at ibinigay dito ang bag niyang dala. "Here... Go change your clothes."

Napatitig ito sa kaniya sandali bago ibaling ang tingin sa pinto ng Operating room. "Mamaya na."

Napabuntong-hininga siya at napagdesisyunang buhatin na lang ito papunta sa banyo, dahil hindi naman ito nakikinig sa kaniya sa sinabi niya.

"Ibaba mo ako," mahina boses nitong sabi pero hindi niya ito sinunod at patuloy na naglakad.

Nang makapasok sila ay agad niyang ilinock ang pinto at tinulungan ito sa pagpunas ng katawan nito at sa pagbibihis ng damit nito. Ingat na ingat siya na hindi masagi ang sugat nito na natusok ng bakal dahil pagkakabagsak nito.

Hinayaan niya muna ito nang maghilamos ito pagkatapos ay napatitig sa replika nito sa salamin. Napatitig sa mukha nito nang may mamuong luha sa mata nito hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.

Nanatali lang siyang tahimik habang pinakikinggan ang paghikbi nito... Hindi niya din alam kung ano ang sasabihin dito.

"Ikaw ba ang may gawa nito?" Biglang tanong nito na ikinagulat niya. "Parte ba 'to ng galit mo sa'kin?"

"W-what? No--- of course not," tanggi niya.

Hindi niya magagawang saktan ang matanda na walang ibang ipinakita sa kaniya kun'di kabutihan.

Sunod-sunod na luha ang pumatak sa mga mata nito. "Then, I think this is my consequences..." Biglang sabi nito habang nakatingin sa kaniya sa salamin, "Ito na siguro ang kapalit ng lahat ng ginawa ko sa'yo."

Mapait itong napangiti bago humarap sa kaniya. "But I'm not blaming you for all of this... Kung sana lang sa simula pa lang hindi na tayo nagkakilala, para hindi na nagkanda letse-letse ang lahat." Sandali itong sumulyap sa kaniya, "P'wede ka na ng umalis... pasensya na sa abala."

Bakit pakiramdam niya pinipiga ang puso niya sa pagtataboy sa kaniya ng dalaga?

"No... I'm staying."

Napatango naman ito at malungkot na ngumiti. "Okay. Baka pagkagising ni Lola hanapin ka niya." Sang-ayon nito at nauna ng lumabas ng banyo.

.

HINDI maiwasang mapatitig ni Cris kay Marvelene habang nakaupo ito sa stool na nasa gilid ng higaan ni Lola Lucrecia at hawak ang kamay nito.

Pinagsuot sila ng propoper outfit bago papasukin sa ICU. Limitado rin lang ang oras nila sa loob.

"La, I'm sorry..." umiiyak na sabi ni Marvelene sa kay Lola Lucrecia.

Hindi niya na mabilang kung ilang beses ng humingi ng tawad si Marvelene sa Lola nito at pilit na sinisisi ang sarili tungkol sa nangyari.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to... patawarin mo ako, La."

Tahimik lang siya sa tabi hanggang sa natapos na ang oras nila at kailangan na nilang lumabas.

"Lumaban ka, La... H'wag mo akong iwan mag-isa," pahayag ni Marvelene bago sila tuluyang lumabas at maupo sa waiting area.

UMALIS muna si Cris para bilhan ng pagkain si Marvelene at nang makabalik siya ay tulala pa rin ito sa kawalan.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon