Chapter 35
NAKATULALA lang si Cris sa TV habang sumisimsim ng alak. Pinapanood niya ngayon ang balita tungkol kay Crisostomo kasama ang fiance daw nito na asawa niya naman.
It's been a month. Halos isang buwan na ring laman ng balita si Crisostomo at Marvelene... Pinapakita ng sa mga litrato nito na masaya silang nagbabakasyon sa Germany. Nasabi rin na doon na ito nagbabalak na magpakasal.
Napahilamos siya sa mukha niya at pinatay ang TV bago pa niya mabato ng boteng iniinuman niya.
Isang buwan na rin siyang ganito. Halos puro alak nalang ang palaging laman ng tiyan niya.
"Fuck this life!" Sigaw niya at binato ang remote. Napatitig na lang siya sa nagkawasak-wasak nitong parte.
Napatingin siya sa pinto nang bumukas 'yon at malamang, mga siraulong kaibigan niya na naman ang mga 'yon! At hindi nga siya nagkamali...
"Kawawang remote, nadamay pa sa kadramahan mo," bungad ni Lexxian. Sinamaan niya ito ng tingin pero ngumisi lang ito na parang ulol na aso.
"Ano na naman bang ginagawa niyo dito?!" Singhal niya sa mga ito. Simula nang malaman ng mga ito ang balita ay halos magkampo na sila sa condo niya at isang buwan na siyang binubulabog!
"Puro alak na naman ang laman ng tiyan mo!" Singhal sa kaniya ni Howen na ngayon ay tumutungga na rin ng alak. Pareho sila ng pinagdadaanan ngayon pero hindi lang pinapahalata ng kaibigan.
Nagkanya-kanyang upo ang mga ito kaya naupo na lang din siya, hindi naman kasi siya magtatagumpay na palayasin ang mga kaibigan niya.
"Simula nung umalis siya, naging ganito ka na..." Biglang sabi ni Lexxian habang nakatitig sa kaniya.
"She might comeback if she see me like this."
Pagak itong natawa. "That's bullshit, kuya Cris! Kung mahal ka niya, hindi ka niya hahayaang maging ganito... At sa tingin mo dahil sa ginagawa mo sa sarili mo babalik pa siya sa'yo?!" Mukhang ubos na ang pasensya nito. Alam niyang inoobserbahan lang siya nito at mukhang hindi na nito nakayanang hindi magsalita.
"She'll comeback... I know she'll comeback for me," puno ng determinasyon niyang sabi. Mahal siya ni Marvelene at 'yon ang pinanghahawakan niya.
"At pinapahanap ko na siya sa kilala kong magaling na Private investigator..." Sandali siyang bumaling kay Jet, na ngayon tahimik na umiinom. "Hindi gaya ng iba diyan, walang k'wenta," pagpaparinig niya dito.
At agad namang nakaramdam ng tensyon ang mga kaibigan niya sa pagitan nila ni Jet.
"Cris..." May pagbabantang sabi ni Glonar pero hindi niya ito pinakinggan.
"What?! I'm just stating the fact that he's useless! Wala siyang k'wenta! Wala siyang k'wentang kaibigan!"
"Kuya!" Saway sa kaniya ni Lexxian, "Ano ba?!"
"Hayaan mo siya, Lex... Masisiguro ko rin naman na wala ding k'wenta yung P.I na 'yon. He needs to dig deeper to know a single information about your dearest wife," makahulugang sabi nito at walang sabi-sabing umalis.
Bumaling naman siya kay Lexxian nang magsalita ito. "I can't believe you, kuya! Pagsasalitaan mo ng ganun si Jet dahil lang sa isang babae?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"May I just remind you that you are talking about my wife," walang emosyong saad niya dito.
Natawa naman ito. "Asawa mo? Kung ganun nasaan siya?! Nasa poder siya ng ibang lalaki! And guess what? Sa taong kinamumuhian mo pa!" Marahas itong napasuklay ng buhok, "Isa ba sa misyon niya na sirain ang pagkakaibigan natin?!"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...