Chapter 18

264 8 0
                                    

Chapter 18

PAKIRAMDAM ni Cris ay matutuluyan na siyang mabaliw dahil sa mga nalaman niya. Hindi naman siya tanga para hindi makutuban ang mga nangyayari pero nakakabaliw pala pag nakompirma na ito.

Iniwan muna siya ni Lola Lucrecia sa living room at may kukunin lang daw ito sandali. Nang makabalik ito ay may dala na itong mga photo album.

Kung wala lang siya sa bahay nito ay malamang sumigaw na siya, nagtapon ng mga bagay habang nag mumura at sumuntok na sa pader pero bilang pagbibigay galang dito ay pilit niyang pinapakalma ang sarili niya, para na rin hindi nito mahalata na wala siyang alam tungkol sa totoong pagkatao ni Len-len.

"Tignan mo ito, Hijo," sabi nito at may tinurong litrato, "Samantalahin na natin habang wala pa si Len-len dito," dagdag pa nito saka natawa.

Napatingin naman siya sa litratong tinuro ni Lola, at nakita niya doon ang dalawang batang babae na parehong nakangiti... kung alam niya lang sana nung una pala, baka natatawa na siya ngayon sa mga litrato ni Len-len.

Ang sunod naman na ipinakita ni Lola ay litrato ng isang babae na nakasuot ng highschool uniform, may bangs ito at salamin. "Siya 'yon... Si Marlene, ang ate ni len-len."

Kung titignan ay gayang-gaya nga ni Len-len ang itsura ng ate niya, ang kaibahan lang nito ay ang uniporme.

"Parehong masayahin ang magkapatid na 'yan... Lalong-lalo na si Len-len," pagkukwento nito at di napigilang matawa, "Napakapilya ng batang 'yon at palabiro habang ang ate niya naman ay prangka, kung may gusto siyang sabihin ay talagang sasabihin niya ng walang pagaalinlangan."

Mapait naman siyang napangiti.
Pati din pala ang ugali nito ay gayang-gaya niya rin.

"Maagang naulila ang dalawa sa nanay nila, lalo na si Len-len... Namatay kasi ang nanay nila nang ipanganak si Len-len pero hindi naman nagkulang sa kanila ang Ama nila... Naging masaya naman sila kahit nawala ang nanay nila."

"Pero bakit po pinagtangkaan siyang patayin ng tatay niya?" Nagtataka niyang tanong dito.

Napabuntong-hininga naman ito saka bumaling sa kaniya. "Alam mo kasi, Hijo... ayaw na ayaw niya na ikinukwento ko sa iba, ang nangyari sa pamilya nila noon. Pumasok lang naman ako sa eksenan nang maulila na si Len-len. Mas mabuti siguro kung hintayin mo na lang na siya mismo ang magk'wento nun sa'yo."

"Naiintindihan ko po," saad niya kahit ang totoo ay gulong-gulo na siya.

May kinuha na naman itong litrato pero sa pagkakatong 'to ay litrato naman ni Len-len. Ang graduation picture nito. Seryoso lang ang mukha nito at walang kahit na anong emosyon.

Those green eyes...

"Ito yung litrato niya nang grumaduate siya ng kolehiyo... Yung iba umiiyak sa sobrang tuwa pero siya ang seryoso lang ng mukha niya, na parang wala lang. At Akala ko nga noon hindi ko siya mapapagtapos dahil baka hindi ko kayanin ang matrikula sa eskwelahan niya, pero siya ang gumawa ng paraan at talagang desidido siyang makatapos."

May kinuha itong litrato ni Len-len na may kasamang mga bata habang may mga hawak na malilit na halaman and this time nakangiti na ito. Totoong ngiti, "Ginamit niya ang kurso niya para tumulong sa mga batang mag-aaral... Pangarap nila 'to ng ate niya pero mag isa niya na lang na tinupad 'yon. Ngunit sa panahon ngayon ay mahirap ng humanap ng trabaho kaya naman humingi siya ng tulong sa kuya Eugene niya na makahanap ng trabaho, nagtatrabaho siya ngayon bilang isang production crew sa isang sikat na kompanya... yung CRS ba 'yon?"

So, si Eugene pala mismo ang nagpapasok sa salarin pero hindi manlang nito namalayan...

"Masayahin siya pagkasama niya ang mga bata pero pag may kasama siyang mga kaedaran niya ay nahihirapan siyang makisalamuha, kaya nga nagulat ako na nagawa mong buhayin ang masayahin niyang pagkatao... Pero mukhang nasanay na siya sa pagiging seryoso at pag mag-isa lang siya ay ganun siya kung umakto."

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon