Chapter 39

248 3 0
                                    

Chapter 39

SA tatlong araw na pamamalagi ni Cris sa bahay ni Jam, sa tingin niyang nakukuha niyang muli ang puso ni Marvelene nang ganun ka bilis.

Sino ba naman ang hindi? Pinagsisilbihan niya ito, inaalagaan at palagi siyang nakabuntot dito. Alam niyang naiirita ang dalaga pero wala naman siyang natatanggap na reklamo mula rito.

Minsan naiisip niyang mabuti na rin na nagka-amnesia ito. Masayahin ito at walang inaalalang kahit na anong problema, pero alam niya naman na babalik at babalik ang mga ala-ala nito.

"Hi, Sexy," bati niya dito nang makapasok siya sa k'warto nito. Iinom na ito ng gamot at palaging siya ang nagpapalakas ng loob nito sa tuwing hindi ito ginaganahang uminom dahil nauumay na ito sa lasa ng gamot.

Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Paiinumin mo na naman ako niyan!" Reklamo nito.

Nginitian niya lang ito nang matamis at kinuha na ang mga gamot at supplement sa kabinet.

"Ayoko na niyan! Saka okay naman na ako," giit nito at nginitian siya.

Umiling siya at binuksan na ang gamot nito para sa mata. Nakuwento nito na naapektuhan ang paningin nito dahil sa aksidente kaya kailangan nitong magsuot ng eyeglasses o contact lense.

"Cristobal naman eh, ayoko nga niyan!" Reklamo nito at iniiwas ang kamay niya.

"But you need to take these medicines," pamimilit niya.

"Ikaw muna," hirit nito at walang pag-aalinlangan niya naman itong sinunod. Kumuha siya ng isa at ininom 'yon kahit walang tubig.

Nanlalaki ang mga nitong nakatingin sa kaniya at gulat na gulat. "Baliw ka!" Singhal nito na ikinatawa niya.

"Baliw sa'yo."

Inirapan lang siya nito pagkatapos ay linapitan siya at ilinahad ang palad. "Iluwa mo 'yon!" Utos nito.

"Nalunok ko na." Talagang ilinabas niya pa ang dila niya para ipakita dito na wala ng laman ang bibig niya.

Matalim siyang tinitigan nito saka ito na mismo ang kumuha ng gamot at ininom 'yon. "H'wag mo ng uulutin 'yon! Binibiro lang naman kita." Seryoso ang mukha nito kaya masasabi niyang galit ito.

Tumikhim siya saka tumango. "I won't... I'm sorry."

Sa uri ng pagkakatitig nito sa kaniya'y parang ito yung Marvelene na nakilala niya noon. Seryoso at walang emosyon ang mukha, pero hindi nagtagal 'yon at kaagad itong ngumiti.

"Mabuti kung ganun!" At nagkusa na itong uminom ng gamot pagkatapos ay Kumapit ito sa braso niya at hinila siya palabas ng k'warto, "Puntahan na natin si Lhian, gusto niya kasing makipaglaro sa'tin," saad nito.

Napangiti naman siya at nagpatianod na lang hanggang sa makarating sila sa Garden. Nakatambay ngayon si Lhian sa kubo at may linalaro sa mesa na sa tingin niya ay dice.

Kaagad itong napangiti nang makita silang papalapit. "Akala ko hindi niyo ako sasamahan dito," saad nito na may kaunting bahid ng tampo pero ngumiti rin sa huli.

"Nasaan ang Mama mo?" Tanong niya dito.

"May meeting sila sa school ngayon, hindi na ako sumama dahil mas gusto kong makipaglaro kay Ate." Tumingin ito sa kaniya, "At dahil nandito, sali ka sa'min," saad nito at ibinigay sa kaniya ang dice.

Nakita niyang may nakasulat na truth or dare sa dice. "Palagi naming linalaro ni Ate 'yan, at dahil tatlo tayo. Mag ja-jack 'n poy yung dalawa at kung sino ang panalo, siya ang magtatanong," paliwanag nito, "Ikaw ang bago kaya ikaw ang mauuna."

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon