Chapter 16

282 9 0
                                    

Chapter 16

ABALA pa rin si Cris sa pag-aasikaso ng kompanya niya at mas hinigpitan niya na ang seguridad ng CRS lalo pa't maraming empleyado ang nadamay dahil sa pagsabog.

Hindi pa rin naman siya tumitigil na paaminin ang babae pero talagang matigas ito... mag iisang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ito umiimik hanggang ngayon at talagang pinahihirapan siya nito.

Kasalukuyan siyang niyang rene-review ang mga CCTV footage ilang araw bago nangyari ang insedente at isa doon sa footage ang umagaw sa atensyon niya...

May pumasok na babae sa opisina ni Eugene at ilang minuto na nag-usap ang dalawa bago ito iwan ni Eugene. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya maaninag ang mukha nito pero kita niya na nagpalinga-linga ito na parang may hinahanap pero napakurap siya nang ilang beses nang bigla na lang itong nawala sa kinatatayuan nito at nasa opisina na ulit si Eugene.

Rene-verse niya ito at ganun talaga ang nangyari...

It's edited.

Bumaba siya sa opisina ni Eugene dala ang laptop niya at agad na ipinakita dito ang video.

"I think you need to explain something," seryoso niyang saad dito.

Napatitig naman ito sa video at sandaling natigilan. "That footage has been recorded three days before the incident... do you know something about this?" Walang emosyon niyang sabi dito.

Napatayo naman ito. "You got it wrong, Cris... okay aaminin ko, binayaran ko ang isang staff sa CCTV room para i-cut 'yon. Aksidente niya kasing napindot ang elevator papunta sa opisina mo, ayokong ipaalam sa'yo kasi alam kong ipapatanggal mo siya kaagad. Ilang buwan pa lang siyang nagtatrabaho dito," paliwanag nito.

"Sino ba kasi ang babaeng 'yan at mukhang espesyal 'yan sa'yo?"

"Kapatid nga siya ng dati kong girlfriend..."

"Iharap mo siya saakin, gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari... ikaw at siya ang suspect ko sa ngayon, but since nag paliwanag ka na at kasama naman kita nang mangyari ang insedente."

"Ba't niya naman gagawin 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Malay ko sa kaniya... iharap mo siya sa'kin mamaya at baka kasabwat siya ng taong nahuli ko."

Napabuntong-hininga naman ito. "Wala akong balita sa kaniya pagkatapos ng nangyari..."

Pagak siyang natawa. "See? Mas lalo lang niyang pinalalakas ang ang hinala ko." Saad niya at muli ng bumalik sa opisina niya.

Seriously?! What's with this women?!

Kinabukasan ng umaga ay muling bumalik si Cris sa Isla para puntahan ang babaeng nandun. Pagkataring niya dun ay nadatnan niyang nagtitimpla ito ng kape at ganun na lamang ang gulat niya ng maglagay ito ng halos isang kutsarang purong kape sa tasa nito at hindi manlang ito linagyan ng asukal.

"What the fuck?!" Reaksyon niya nang inumin na nito ang kape at wala manlang kahit na anong reaksyon dito.

Aalis na sana ito pero agad niyang hinila ang braso nito. "Mukhang feel at home kana ah?" Panunukso niya dito at pagak na natawa. "Hindi magtatagal mauubos na ang stock dito kaya kung ayaw mong mamatay sa gutom, umamin ka na..." tinignan niya ito ng seryoso, "Binabalaan kita."

Nakipagsukatan lang ito ng tingin sa kaniya pagkatapos ay malakas na tinabig ang kamay niya at iniwan siya.

Natulala naman siya saglit at biglang napahawak sa dibdib niya kung nasa'n ang puso niya.

Why does my fucking heart beats so fast?!

Sinabunutan niya ang sarili niya at pumunta sa guest room na inuukupa niya at dun nag isip-isip.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon