Chapter 1

978 21 0
                                    

Please don't post this to any site, page, group etc. without the author's consent.

❌PLAGIARISM IS A CRIME❌

...

Chapter 1

NAIINIS na napamulat si Cris at bumangon sa couch na hinihigaan niya.

"Tumahimik nga kayo! Ang iingay niyo!" Singhal niya sa mga kaibigan niyang kanina pa nag babangayan, "Natutulog yung tao e!"

Nakapagpahinga nga ang mga mata niya pero hindi naman ang tenga niya dahil sa ingay ng mga ito...

"Ang kj mo talaga kahit kailan!" Puno ng sarkasmong sabi ni Lexxian.

"H'wag mo siyang pagtripan ngayon, Lex. Masyado ng stress 'yan," saway ni Brix.

Marahas siyang napabuntong-hininga nang maalala na naman ang nangyari.

Kung sino man ang nag tanim ng pesteng explosive device na 'yon sa kompanya niya ay talagang mapapatay niya ang taong yun. It's been years pero hindi niya parin mahanap kung sino ang nagtanim ng bomba sa kompanya niya.

"Alis muna ako," paalam niya at hindi na hinintay ang sagot ng mga kaibigan niya.

Habang nag lalakad papunta sa elevator ay bigla niyang nakasalubong ang magaling niyang Ama.

Nagtataka siya nang makita ito dahil sa pagkakaalala niya, wala naman itong unit na sa building na'to kung nasaan ang unit ng kaibigan niyang si Morille...

"Hey, My Son."

Linagpasan niya lang ito at hindi niya pinansin ang pagbati nito.

Mabuti na lang at agad na bumukas ang elevator. Bahagya siyang nagulat nang may lumabas na babae at biningga siya. Hindi manlang ito nag abalang mag sorry.

.

NANG makalabas siya ng building ay agad siyang nagtungo sa isa sa mga paborito niyang café malapit sa CRS. Regular customer siya sa café kaya naman awtomatikong may nag asikaso sa kaniyang waiter. Ilang oras din siyang nanatili sa café hanggang sa abutin siya ng hapon.

Habang sumisim-sim ng kape ay nakatingin siya sa labas ng kompanya niya, kung saan mayroong babaeng estudyante ang nagpupumilit na pumasok... Mahigpit ang security niya kaya nabigo itong pumasok.

Nakatingin lang siya sa babaeng estudyante habang nagmamartya itong maglakad papunta sa café at dumiretso sa counter para umorder.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya maialis ang tingin niya sa estudyante. Napansin niyang naghahanap ito ng table at dahil hapon na, maraming tao ang nasa café at ang p'westo niya na lang ang available. But literally speaking, sa kaniya ang p'westong 'yon. Binili niya na 'yon dahil gusto niya na pag pumupunta siya sa café ay may p'westo siya kaagad, para na rin hindi siya mahirapang maghanap pa at favorite spot niya 'yon dahil kita niya kung sino ang naglalabas-masok sa kompanya niya.

Walang sabi-sabing umupo ang estudyanteng babae sa bakanteng upuan sa harap niya at maganang kumain na para bang wala siya dun.

Lalapit sana ang isang crew para pagsabihan ang babaeng nasa harap niya pero sinenyasan niya na lang ito na ayos lang.

Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong ilinapag ang kutsara at matalim na tumingin sa building niya.

Seriously, anong bang problema niya sa kompanya ko?

"Mister," biglang tawag nito sa kaniya.

Napatingin naman siya dito pero hindi siya nagsalita.

"Kilala mo ba ang may-ari ng kompanyang 'yan?" Tanong nito at tinuro ang building na pag-aari niya.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon