Chapter 41

239 9 0
                                    

Chapter 41

ILANG beses nang nagpabalik-balik si Marvelene para tignan ang sarili niya sa harap ng salamin. Sinisigurado niyang maganda siyang tignan lalo pa't makikilala niya ang mga kaibigan nila Jam at Cris.

Birthday kasi ng asawa ni Jam at tanging mga kaibigan o malalapit na kakilala lang ang imbitado.

Huminga siya nang malalim at muling tinignan ang sarili sa salamin. "Hindi naman ako madungis tignan," pagpapalakas niya ng loob sa sarili, pero ilang beses niya na bang sinabi 'yon?

Kinakabahan siyang makisalamuha sa maraming tao o kahit sinong tao. Ito ang unang pagkakataon na makikisalamuha siya sa ibang tao simula nang magising siya sa pagkaka-coma.

"Ate Len-len! Labas ka na daw, nandiyan na ang mga kaibigan ni Kuya Jam," sabi ni Lhian na hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala.

Tatlong beses na rin siyang pinuntahan nito, pero nagdadahilan lang siya ng kung ano-ano ngunit ngayon ay wala na siyang maisip na ipapalusot.

"How do I look?" Nag-aalangan niyang tanong dito at umiikot pa para ipakita ang simpleng floral dress na suot niya.

Ibinigay ng asawa ni Jam ang dress na suot niya at talagang nagustuhan niya ang style at kulay ng damit kaya hindi siya nag-aalangang suotin 'yon, pero kulang naman ang confidence niya na humarap sa ibang tao.

"Sobrang ganda mo Ate!" Komento ni Lhian at kita ang pagkamangha sa mga mata nito, "Bagay na bagay sa'yo 'yang dress! Mas lalo kang gumanda!"

Lumapit ito sa kaniya at may kinuha sa bulsa nito. Isang headband na may disenyong mga bulaklak. Bahagya siyang yumukod para maabot ni Lhian ang ulo niya.

"Yan, pareho na tayong may flower crown at pareho na tayong maganda!" Saad nito at hinawakan ang kamay niya, "Kaya halika na, kanina ka pa hinahanap ni kuya Cris. Siguradong mapapanganga 'yon sa sobrang ganda mo," saad nito at hinila na siya palabas. Napailing na lang siya dahil sa sinabi nito at wala na siyang nagawa kun'di ang magpatianod dito.

Nang makababa sila'y bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang makarinig ng maraming boses na nagmumula sa Garden. Rinig na rinig tawanan at asaran ng mga ito.

Bigla tuloy umurong ang lakas ng loob niya at gusto na lang ulit bumalik sa k'warto, pero nandito na siya...

"Oh my gash! Ate Lyn?!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at awtomatiko siyang napangiti nang makita ito.

"Piiiiin!" Tili niya at linapitan ito saka yinakap.

Si Pin ang panganay na anak ni Aling Linda na nag-aaral sa siyudad. Nangungupahan ito ng matutuluyan kaya minsan lang ito makadalaw, p'wera lang kung may okasyon gaya ngayon.

"Kamusta ka na Ate Lyn? Ang ganda-ganda natin ah?!"

Nginitian niya ito saka umikot para ipakita dito ang suot niya. "Ang ganda ko diba? At hindi ako si Lyn, ako si Len-len. Nice to meet you," saad niya.

"Naalala mo na ang pangalan mo?" Gulat nitong tanong habang nakahawak pa sa braso niya.

"Not really... Len-len is just my nickname." Pilit niyang inaalis ang pagkadismaya sa boses niya pero mukhang nahalata pa 'rin 'yon ni Pin.

"Ayos lang 'yon, darating din tayo diyan... Pero in fairness ah! Ang ganda ng nickname mo, ang laki ng pinagkaiba sa Lyn!" Saad nito at tumawa nang malakas saka bumaling kay Lhian, "Ay chaka! Nandiyan ka pala!"

Tinignan ng masama ni Lhian ang kuya niya saka binelatan. Natawa na lang siya sa dalawa dahil hindi talaga ito magkasundo.

"Mas chaka ka dahil ikaw ang panganay!" Giit ni Lhian at agad naman itong tinaasan ng kilay ni Pin. Bumaling naman sa kaniya si Lhian, "Alam mo Ate Len-len hindi naman talaga pupunta dito si Kuya kung hindi dahil sa mga gwapong kaibigan ni Kuya Jam!"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon