Chapter 22

275 10 0
                                    

Chapter 22

KINABUKASAN nang magising si Marvelene ay hindi niya ulit nadatnan sa tabi niya si Cris. Mukhang lumipat ito sa k'warto na inuukupa nito.

Napabuntong hininga naman siya bago ayusin ang sarili niya at lumabas para magtimpla ng kape. Siya ang unang nagising dahil tahimik pa ang paligid at maaga pa naman.

HABANG naghihintay siya na kumulo ang tubig ay nakarinig siya ng mga yabag na pero hindi na siya naalarma dahil kilala niya na ito.

"Good morning Len-len!" Masiglang bati ni Cris sa kaniya. Nakahubad-baro lang ito kaya tinignan niya lang ito sandali.

She decided that she'll not hold back anymore... hindi niya lang talaga alam kung paano ipapakita 'yon sa binata.

Napasimangot naman siya nang lapitan siya ni Cris at yinakap. "Mag t-shirt ka nga," saway niya dito at bahagya itong tinulak palayo.

Nakita niya naman ang pilyong pagngiti nito. "Bakit? Naa-libadbaran ka ba sa maganda kong katawan?" Pang aasar nito.

Seryoso niya lang itong tinignan pagkatapos ay itinuon na ang atensyon niya sa iba. Hindi niya alam kung paano ba ito kakausapin ng maayos dahil may pagkaloko-loko ito katulad ng mga kaibigan nito.

Gusto niyang gantihan ang paglalambing nito pero nai-iisip niya palang ay hindi niya na masikmura, paano pa kaya pag gawin niya na?

Hell no!

Kukunin niya na sana yung heater nang bigla siyang buhatin ni Cris at pinaupo sa Island counter.

"Ako na," sabi nito at tumalikod na sa kaniya para kunin asikasuhin yung pinakulan niyang tubig at ganun na lang ang gulat niya nang makitang maraming kalmot sa likod nito.

Nakita niya namang papasok si Lexxian sa kusina... Nahihiya siyang makita nito ang mga kalmot sa likod ni Cris na ginawa niya, kaya naman bumaba siya at yinakap ang binata mula sa likuran para maitago ang likod nito.

Sakto namang pumasok si Lexxian at nakita niyang napabusangot ito.

"Ang Aga-aga! Sinisira niyo ang araw ko!" Reklamo nito.

Ipinatong niya nalang ang noo niya sa balikat ni Cris para maitago ang mukha niya sa sobrang hiya.

Pumunta ito sa may ref at kumuha ng malamig na tubig saka naiinis na umalis.

Agad naman siyang humiwalay ng yakap dito nang makalabas si Lexxian.

Ngiting-ngiti namang humarap sa kaniya ang loko. "That was so sudden, Len..." Sabi nito.

Matalim niya naman itong tinignan. "Shut up at mag damit ka na!"

"Bakit nga kasi?" Pamimilit nito.

Naiilang siya kaya nag-iwas ng tingin dito. "Maraming kalmot sa likod mo," sagot niya.

Natawa naman ito. "Really?" Natatawang saad nito, "Sino kaya ang may gawa?" Painosente nitong tanong.

"Manahimik ka diyan, Cristobal kung ayaw mong maligo ng kumukulong tubig," banta niya dito at agad naman itong tumahimik pero narinig niya pa itong bumulong.

"Ang sweet mo naman..."

Nang makapagtimpla na siya ng kape ay bumaling ulit siya dito at nakita niyang nakapikit ito habang hinihilot ang sentido nito.

"Hangover?" Tanong niya dito at agad naman itong tumango saka humarap sa kaniya.

"Gagawan mo ba ako ng inumin para sa hangover ko?" Excited nitong tanong.

Nagkunwari naman siyang nag-isip saka tinignan ito. "Hindi."

Sumimangot naman ito at napakamot sa buhok nito. "Ang sweet mo talaga," puno ng sarkasmong sabi nito.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon