Chapter 38
HINDI namalayan ni Cris kung ilang oras na siyang nakaupo sa tabi ni Marvelene habang hawak pa rin ang kamay nito.
'Di niya maiwasang mapangiti habang nakatitig sa dalaga. Hindi na siya nagha-halucinate at totoo na talaga ang nakikita niya. At gusto niyang i-umpog ang sarili dahil sa ginawa niya dito kanina. Nadala siya sa galit at lungkot na nararamdaman.
Mukhang sumasang-ayon na ang tadhana sa kaniya at binigyan na siya ng pagkakataon. Kaya naman hinding-hindi niya ito sasayangin, wala rin siyang balak na umuwi at iwan ito.
Hindi niya na hahayaang mawala na naman ito sa piling niya.Bahagya siyang napaatras sa kinauupuan niya at nabitawan niya ang kamay nito nang biglang bumangon ang dalaga at tumingin-tingin sa paligid.
Sakto rin namang may kumatok sa pinto at pumasok si Jam. Mukhang kababalik lang nito galing sa Hospital.
"Oh? Gising ka na pala." Linapitan nito si Marvelene, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.
Naningkit ang mga mata nito. "Malabo," sagot nito at ilinibot ang tingin sa buong k'warto, "Malabo ang paningin ko, Doc."
Napatango si Jam saka tumayo at may kinuha sa isang cabinet. Contact lense. "Ito lang muna ang suotin mo, nasira kasi yung eyeglasses mo."
Tumango naman si Len-len habang siya naman ay tahimik lang itong pinagmamasdan.
Ngumiti ito kay Jam pagkatapos nitong masuot ang contact lense pagkatapos ay tumingin sa kaniya na puno ng pagtatanong.
"Sino ka?" Tanong nito na naging dahilan ng pagkirot ng puso niya. Sobrang sakit para sa kaniya ang simpleng tanong na 'yon.
Dahil sa hindi niya alam ang isasagot dito ay si Jam na ang sumagot sa tanong nito. "He's a friend of mine..."
Napatango naman si Marvelene pagkatapos ay nginitian siya... Tagos ang tingin nito sa kaniya at sinasabi ng mga mata nito na hindi talaga siya kilala ng babaeng mahal niya.
"Ano nga palang nangyari? Bakit nandito ako ulit?" Nagtatakang tanong ni Marvelene.
"Can't you remember?" Tanong ni Jam at agad namang umiling si Marvelene bilang sagot. "Alam mo ba kung anong araw ngayon?"
Tumango naman ito. "Huwebes."
Nagkatinginan silang magkaibigan dahil sa sagot nito. "Yung mga nangyari ngayong araw? Naalala mo ba?"
"Oo... Cheneck up mo ako, nagluto si Manang Linda ng fries tapos kinain namin ni Lhian, tapos sabi niya pa bukas magpapaturo siya kung paano mag-tanim."
Huminga muna nang malalim si Jam bago magslita. "Lyn... Biyernes ngayon at yung mga sinabi mo, nangyari 'yon kahapon at kanina mo dapat tuturuang magtanim si Lhian nang bigla ka na lang mahimatay kanina."
Gulat na gulat ito sa sinabi ni Jam. Kung hindi lang sana seryoso ang usapan ay baka tinawanan niya na ito dahil sa reaksyon nito. Ngayon niya lang nakitang ganun mag-react ang dalaga pero mas nanaig ang pag-aalala niya.
"Paanong---" napasapo ito ng ulo at agad namang inagaw ni Jam ang atensyon ng dalaga.
"H'wag mo ng alalahanin ang nangyari kanina... Pabayaan mo na lang 'yon at h'wag mo ng pilitin na maalala baka sumakit na naman ang ulo mo."
Napipilitan itong napatango at kita pa rin sa mukha nito ang pagkadismaya.
"Mabuti na lang at 'yon lang ang nakalimutan mo. Kung hindi, baka bumalik na naman tayo sa umpisa."
"Pasensya na kung pinag-alala kita..."
Gusto niyang sigawan ang dalawa at sabihing nandito siya pero mas pinili niya na lang ang manahimik sa tabi.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...