Chapter 6
Happy Reading😉😊
ILANG araw na ang lumipas nang huling magkita si Cris at Marlene. Ayaw naman aminin ni Cris na nami-miss niya ang dalaga kaya mas pinipili niya na lang na asikasuhin ang trabaho niya at para na rin malibang ang sarili niya.
Kasalukuyan siyang nasa kompanya at nagpapanggap na empleyado para obserbahan ang mga tauhan niya. Nang makapasok siya sa research department abala ang mga tao dun dahil ito ang mga nag-aasikaso sa mga gagawing documentation na ipapalabas at bukod dun ay nakapansin siya ng kakaibang pangyayari.
Prenteng nakaupo ang baklang head ng department habang nakapatong ang mga paa nito sa ibabaw ng mesa at panay ang pagse-selfie.
May lumapit ditong babaeng empleyado na may dalang folder. "Sir, ito na po yung report na pinapagawa niyo sa'kin," rinig niyang sabi ng empleyado.
"Ilagay mo sa basurahan," saad nito at hindi manlang ito tinapunan ng tingin.
"Po? Pero pinagpuyatan ko pong gawin 'to," kaila ng empleyado.
Masama itong tumingin sa empleyado. "Wala akong pakialam! I've been asking for that damn report last week tapos ngayon mo lang ipapasa?!" Singhal nito sa babae.
"Sir, naka leave po kasi ako kaya hindi ko agad naasikaso," dahilan nito.
"Sana naman kasi trinabaho mo muna bago ka mag leave! Alam mo ang patakaran ko dito. Now tell me, saan dapat ilagay ang mga reports na huli sa deadline?"
Napayuko ang empleyado. "S-sa basurahan po," mahinang sagot ng empleyado.
"Good. Sige na! Lumayas ka na! Nag i-instagram ako dito eh! Isturbo!" Saad nito.
Walang imik na umalis ang empleyado. Nakasalubong siya nito pero agad din itong yumuko para siguro hindi makita ang naluluha nitong mata.
Napatingin sa gawi niya ang baklang head. "Hoy ikaw! Anong ginagawa mo diyan?! Pinapasweldo ka pero tumatanga ka lang diyan! Magtrabaho ka na!" Singhal nito sa kaniya at tinuro yung tatlong box ng A4 paper, "I-deliver mo 'yan sa 20th floor! At may good news ako sa'yo, sira yung elevator kaya hagdanan ang gagamitin mo! Sayang naman ang binabayad sa'yo kung hindi ka maghihirap!"
Napabuntong hininga siya at walang imik na kinuha ang tatlong box ng A4 paper saka walang imik na lumabas.
Nang makalabas siya sa opisina ay sakto namang dumaan si Eugene. Ang dakila niyang secretary. Napatingin ito sa kaniya pero mukhang hindi siya nito nakilala kaagad dahil linagpasan lang siya nito pero napahinto ito at tinitigan siyang mabuti na parang kinililala siya nito.
"Boss?" Paninigurado nito.
"Finally! You recognized me," masigla niyang sabi dito.
Napatingin ito sa hawak niyang mga box at tila natauhan ito dahil agad nitong kinuha ang dala niyang box.
Tinuro niya ang pinto ng research department. "That head, I don't like him," saad niya dito, "So, you know what to do." Tinapik niya muna ang balikat nito bago siya umalis pero may pahabol pa siya, "at ipa-deliver mo 'yan sa kaniya sa top floor where my office is."
"Nagmumukha na akong masamang tao niyan eh!" Rinig niyang reklamo ng sekretarya niya.
Napalingon naman siya dito at paatras na naglakad. "You are already," natatawang saad niya dito at tuluyan na itong iniwan.
Isa 'to sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niyang makilala siya ng empleyado niya. Nag papanggap siyang empleyado at pasimpleng inoobserbahan ang mga ito dahil gusto niyang makita kung ginagawa ba nito ang trabaho nila kahit wala siya at mukhang may napunterya siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...