Chapter 9

363 11 0
                                    

Chapter 9

HALOS walang tulog si Cris dahil sa pagre-review ng CCTV sa kompanya, pero halos nakita niya na ang lahat ng record sa araw na 'yon pero wala siyang nahagilap. Mas lalong lumalakas ang hinala niya na isa sa mga empleyado niya ang gustong magpabagsak sa kaniya...

Pagkatapos niyang tignan ang lahat ng CCTV ay agad siyang pumunta sa bahay nila Marlene para kausapin ito. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog siya sa loob ng kotse niya habang nakahilig ang ulo niya sa manebela, pero naalipungatan siya nang marinig niyang may kumakatok sa bintana ng kotse niya. Nang makita niya kung sino 'yon ay agad niyang inayos ang sarili niya saka bumaba ng kotse.

"Magandang umaga po, Lola Lucrecia," bati niya sa lola ni Marlene.

Napangiti naman ito at tumango. "Magandang umaga din sa'yo, Hijo. Ang aga mo yatang bumisita?" Tanong nito.

Nagbaba siya ng tingin at napakamot sa batok niya. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba dito ang nangyari nung isang araw sa cafe.

"Nandiyan po ba ang Apo niyo?" Tanong niya.

Natawa muna ito bago tumango. "Oo, nandun sa loob. Nagsusungit. Nag away ba kayo?"

Naiilang siyang ngumiti at tumango. "May konting misunderstanding lang po," paliwanag niya.

"Sana maayos niyo agad 'yan," nakangiting sabi nito at tinapik ang balikat niya, "O siya, pumasok ka na lang dun at ako'y may pupuntahan lang."

"San po kayo pupunta? Hatid ko na po kayo."

Umiling naman ito. "Naku! 'Wag na, hijo. May kalayuan ang pupuntahan ko at baka mamayang hapon pa ako makabalik. Kaya pumasok ka na dun at puntahan mo na si Len-len para magkausap na kayo at maayos na kung ano man 'yang pinag-awayan niyo," sabi nito, "At kung magtangka mang umalis ang batang 'yun, pigilan mo at baka kung anong oras na namang umuwi 'yon!" Dagdag pa nito at nagpaalam na.

Bigla naman siyang nahiwagaan kung saan-saan ba ito nagpupunta kung anong oras na umuuwi.

Bago siya pumasok at sinamahan niya munang mag abang ng tricycle si Lola Lucrecia at nang makasakay na ito ay ilang beses muna siyang huminga nang malalim bago pumasok.

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya susuyo ng babae at talaga namang kinakabahan siya.

Pagkapasok niya ay naabutan niya si Marlene sa kusina at nakatalikod sa kaniya. Bigla itong napahinto sa ginagawa nito, mukhang naramdaman nito ang presensya niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong nito at ramdam na ramdam niya ang lamig ng boses nito.

Linapitan niya ito at yinakap mula sa likuran. "Let me explain," bulong niya dito.

"You don't have to explain anything," may diing sabi nito.

Pakiramdam niya ibang tao ang yakap niya ngayon dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya.

Tinaggal nito ang braso niya na nakapulupot sa bewang nito at nakayuko itong umalis. Pagkatapos ay bumalik ito at ibinigay sa kaniya ang tinimpla nitong kape.

"Pag maubos mo 'yan, umalis ka na," seryosong saad nito at iiwan na naman sana siya sa kunina pero tinawag niya ito.

"Len-len!"

Napahinto ito at napapantastikuhang napatingin sa kaniya. "Don't call me that! Hindi tayo close!"

Ilinapag niya ang tasang hawak niya at linapitan ito. Umatras naman ito hanggang sa wala na itong maatrasan.

"Ito? Close na ba tayo?" Tanong niya.

"Malamang close tayo kung ganito ka kalapit sa'kin! Mag isip ka nga!"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon