Chapter 45

276 10 0
                                    

Chapter 45

MAAYOS na ang kalagayan ni Cris pero kailangan pa rin nitong maobserbahan habang si Marvelene naman ay matiyagang naghintay sa labas ng emergency room hanggang sa mailipat si Cris sa isang pribadong k'warto.

Napatingin siya sa pinto nang bumukas 'yon at pumasok ang babaeng Doctor na gumamot kay Cris para tignan ang kalagayan nito pagkatapos ay tumingin sa kaniya at nginitian siya.

"Hindi naman sa nangingialam ako, I'm just curious... Kaano-ano mo si Cris? I mean, hindi ka naman magtiyatiyagang maghintay sa kaniya kung wala lang diba?" Saad nito.

Napatikhim naman siya at sandaling binalingan si Cris na wala pa ring malay. Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay nito. "I... I'm his wife."

Nanlaki ang mga mata nito at pinagpalit-palit ang tingin sa kanila ni Cris. "Oh my God! Ikaw pala 'yon?! Sorry I didn't recognized you." Inilahad nito ang kamay sa kaniya, "I am Kio, Kristoffer's wife. Magkaibigan si Cris at ang asawa ko that's why I know him."

Tinanggap niya ang kamay nito at nginitian din ito. "I'm Marvelene..."

Biglang naguhit ang pagtataka sa mukha nito. "Wait... I thought you were in Germany right? So paanong---" hindi natuloy ang sasabihin nito nang biglang pumasok ang mga kaibigan ni Cris kasama na dun ang asawa ni Kio.

"Ventaval?! Anong ginawa niyo dito? Hindi pa oras para bumisita," Tanong nito. Lumapit naman dito si Kristoff at hinalikan ang asawang si Kio.

"We're here to visit our crazy friend and we have our key para makapasok," sagot naman si Kristoff saka tumingin kay Jam.

Napailing na lang si Kio. "Pare-pareho lang naman kayong mga baliw," saad nito at isa-isang tingnan ang mga kaibigan ng asawa niya, "You can stay here but please be quiet, the patient needs to rest," bilin nito na kaagad namang sinaluduhan ng magkakaibigan pagkatapos ay kay Jam naman ito tumingin.
"Jam, I need to talk to you, sa office tayo, wala pa naman doon ang assistant ko," saad nito.

Nakita niya naman ang biglang pagseryoso ng mukha ni Kristoff. "Mrs. Ventaval... Anong pag-uusapan niyo?" Tanong ni Kristoff kay Kio.

"Sumama ka kung gusto mong malaman, but I swear Ventaval mabo-bored ka lang."

Napasimangot naman ito saka inakbayan ang asawa. "I hahatid na lang kita sa opisina mo." Pagkatapos ay bumaling ito kay Jam, "Sumunod ka after 15 minutes---or make it 20."

"Ventaval!"

"Come on, hangga't wala pa doon ang assistant mo," hirit nito at hinila na ang asawa palabas ng k'wartong inuukupa ni Cris.

Napatingin naman siya kay Jam nang magsalita ito. "Are you okay?"

Tumango naman siya bilang sagot at bahagyang pinisil ang kamay ng asawa niya.

"Nagtataka ka siguro kung paano niya nalaman?" Tanong nito saka napabuntong-hininga, "May CCTV ang bawat sulok ng bahay ko at palagi siyang nasa CCTV room para doon ka tignan since hindi ka niya malapitan dahil sa sobrang hiya niya sa'yo..."

Mapait siyang napangiti saka napatungo at pinili na lang na hindi magsalita.

"I know you've been through a lot--- I know because I was there. The time when you can't remember anything I was watching you while sleeping and you're always crying calling for help..."

Sa isang taon na pananatili sa poder nito, bilang lang ang mga gabing nakakatulog siya nang mahimbing dahil palagi siyang binabangungot ng nakaraan niya at ng mga nangyari sa buhay niya na hindi niya naman maalala.

"Kahit wala na akong masyadong balita kay Cris, alam ko ang nangyari sa kaniya... Nung mga panahong naging miserable siya dahil akala niya iniwan mo siya. You shouldn't blame him for everything. Hindi ko sinasabi sa'yo 'to dahil sa kinakampihan ko si Cris o keyso kaibigan ko siya. It's just that--- I'm concern for the both of you. Marami ng nangyari at dapat gamitin niyo 'yon para mapagtibay niyo pa ang relasyon niyong dalawa."

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon